Share

Chapter 19

Hindi agad ako nakapag salita sa sinabi niya. Hindi ko mahanap yung tamang salita para sagutin siya. Papayag ba ako o hindi? Ano bang dapat kong gawin?

Kita sa mga mata niya ang pag-aasam na sumagot ako ng ‘oo.’

Masasagot ko ba? Kung iisipin ay nasa kanila si Amanda nakatira. Hindi rin ako gusto ng ina niya. Hindi ko mapapantayan ang yaman na meron sila. Hindi kami bagay sa kaniya.

"Pwedeng sa susunod na lang kita sagutin?"

Kita ko ang pagkadismaya sa mga mata niya pero bilang ina, kailangan ko munang masigurado na magiging maayos ang kalagayan ng anak ko.

"I'm sorry Steven," paghingi ko ng paumanhin.

"It's okay babe," pinilit niyang ngumiti pero nagmumukha lang itong peke. Ayoko lang magpadalos-dalos dahil ayokong malagay sa kapahamakan ang anak ko.

Nakatulog ako habang nasa tabi ko si Steven na binabantayan ang anak namin. Nagising lang ako dahil sa hagikgik ni Hivo.

<

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sal Cristina
unlock pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status