Share

Chapter 2

Paanong naging ako? E wala akong naipasa kahapon?

Bumaling ako kay Yenro at nakitang nakangiti na ito sa akin. Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay niya at pumalakpak kaya nagsipalakpakan na rin ang mga ka-klase namin.

“Kunin mo na ang papel mo,” bulong niya.

Tumingin ako sa harapan at nakitang inaabot sa akin ni ma’am ang papel.

Gulat akong tumayo at dahan-dahang lumapit sa prof namin. Nanginginig na kinuha ko ang papel at nakita ang sulat kamay ni Yenro iyon.

“Congratulations Ms. Ilagan!” Sabi ni Ms. Valde at muling nagsipalakpakan ang mga ka-klase ko including Yenro.

Tumingin ako sa kaniya at kinindatan niya ako.

Bumalik ako sa upuan ko. Hindi pwede ito. Wala akong naisagot kahapon.

Pagkabalik ko sa tabi niya agad niya akong hinarap habang nagsusulat na ngayon sa board si ma’am.

“I know na hindi ka nakapag-review dahil sa akin. I’m sorry,” aniya. Imbes na matuwa ay sinamaan ko siya ng tingin.

Ngunit pinili kong huwag ng sumagot at humarap sa klase.

Ano ba siya sa akala ni
MeteorComets

Hays... Kawawa si Philip Yenro. T.T

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status