Share

Chapter 31

“Nakita niya kaya ako Ben?” nag-aalalang tanong ko kay Ben.

“Relax. Kung pupuntahan ka niya ngayong araw, nakita ka niya. Kung hindi, hindi.” Sabi ni Ben sa akin.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko sa sinabi niya. Paano kung nakita ako ni Yenro pero hindi pa rin siya pumunta kasi bakit naman niya ako pupunthahan? Para saan pa? Hindi ba?

“Umuwi ka na kasi kaagad,” kinakahang sabi ko.

“Sige sige. Uuwi na ako diyan kaagad,” malumanay na aniya.

Napaupo ako at nagpakawala ng isang malalim ba buntong hininga.

Sana naman hindi ako nakita ni Yenro. Hindi pa ako handa.

Kinabukasan, ay binalik na kaagad ang kuryente at tubig kaya malaya na akong nakakapaghugas at nakakapaglaba ng hindi iniisip na mauubusan ako ng tubig.

Buti naman at ayos na kasi nanlalaki na itong braso ko kakabuhat ng tubig.

Nang dumating si Ben ay nabuhayan ako bigla. Mas kinakabahan kasi yata ako na harapin si Yenro at Steven kesa makaharap ko si Lia.

“Huy, Ben, kumain ka na?”

Kanina pa siya sa sala nanonood ng TV.

“Hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status