Third Person's Point of View
Nakahinga nang maluwag sina Juliana at Alexa nang makapagtago sila sa isang malapit na bar. Mabuti na lamang ay may dala-dala silang student ID upang makapasok. Hindi masyadong mahigpit ang mga bouncer na naroon o sabihin na lang nila na s-in-educe ni Alexa ang mga ito kung kaya't pinapasok sila kaagad.
Mabuti na lamang ay bihasa ang dalaga sa mga ganoong bagay. Hindi katulad ni Juliana na puro pag-aaral ang iniisip.
“Akala ko, hindi na tayo makatatakas sa mga 'yon, pero may problema akong iniisip. Paano natin masosorpresa si Ate Elaine?” tanong ni Juliana. Umupo sila sa counter para um-order ng drinks. Masyado silang napagod katatakbo kung kaya't nais nilang mag-refresh saglit.
“But how can we surprise Elaine if we can't enter the hospital of our Tito Alexander, argh. They are so panira kasi,” sambit ni Alexa. Kaagad naman niyang tinuro sa bartender ang margarita cocktail na paborito niyang inumin tuwing may pinupuntahan siyang party.
“Kayo ba, guys, ano ang gusto n'yo?” tanong ni Juliana sa mga kasamahan nila. Kaagad namang nagsiupo ang mga ito sa counter at nag-order ng maraming inumin na agad niyang ikinagulat.
“Mga gago, wala akong pambayad!” sigaw niya. Napatawa naman ang mga ito. Nagulat siya nang biglang may lumapit sa kanila na kasamahan ng bartender at tinanong kung ano ang gusto niyang order-in.
Napakalakas ng dating nito na parang matatanggal ang kaluluwa niya sa oras na lumapit ito sa kanya.
“Hoy, gaga, may boyfriend ka na. Share your blessings naman, hindi puro ikaw!” sigaw ni Shane, isa sa mga kaibigan nila na kasamang mag-ayos ng mga props na hinanda nila na sa kasamaang palad ay pumalpak.
“Fine, o-order lang naman ako. Kung ano-ano iniisip ninyo,” sambit ni Juliana at napairap sa mga kasamahan nila na nakatitig sa kanya.
“What is your order, ma'am?” tanong ng binata. Required ba talagang maging ganito ka-hot ang bartender sa bar na ito?
Agad naman siyang napakagat labi bago tuluyang sumagot, “Isang sex on the beach,” wika niya. Nagulat siya nang makitang napabuga si Alexa ng iniinom nitong margarita.
“Isusumbong kita kay Kuya Kaizer, ah, you're so maharot,” sambit nito. Kaagad namang nanlaki ang mata ni Juliana at ipinagtanggol ang sarili. Lalo na at nakatingin sa kanya ang mga kasamahan nila dahil sa sinabi niya.
“Ano ba kayo, cocktail drink lang ang sinasabi ko. Ang babastos kasi ng isip n'yo!” depensa ng dalaga sa sarili. Ngumiwi lamang ang mga ito na parang hindi naniniwala sa kanya na agad niyang ikinairap.
“Ayan lang po ba ang o-orderin nila?” tanong ng binata na agad ikinaharap ni Juliana. Sa tono pa lang ng pagsasalita nito ay mahahalata mo nang hindi ito purong Pilipino. Marahil ay may lahi itong banyaga.
Kaagad namang napangiti ang dalaga dahil ganito ang mga tipo niyang lalaki. Para kasi sa kanya ay ang sexy pakinggan ng mga accent ng mga ito.
Nang magsalubong ang kanilang mga mata ay kaagad siyang kinindatan ng binata. Sinimulan nitong gawin ang inumin niya. Masyadong swabe ang mga kilos nito na ikinatulala niya, ngunit naputol ang ginagawa niya nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.
Shit naman, oh.
“Hello, ano bang kailangan mo? Tawag ka nang tawag, kita mong may gina—” Naputol ang sasabihin ni Juliana nang biglaang magsalita ang Kuya Kaizer niya sa kabilang linya na agad niyang ikinatayo, dahilan upang mapatingin sa kanya si Alexa na abala sa pagtitipa sa cellphone nito.
“Ano ba ang sinasabi mo at nasaan ka ba? Bakit napakaingay riyan?” sunod-sunod na tanong nito. Agad niya namang sinenyasan si Alexa na si Kaizer ang nasa kabilang linya.
Itinuro niya ang pinakamalapit na restroom at kaagad silang pumasok na dalawa roon. Ini-hold niya muna ang tawag upang makapag-usap sila ni Alexa.
“Just tell him na pumalpak tayo, easy as that,” sambit ng dalaga. Napangiwi naman si Juliana sa ideyang 'yon dahil kilala niya ang Kuya Kaizer niya.
“It's the last thing that I will do,” sagot niya at pinindot ang continue sa kanyang cellphone.
“Sorry, Kuya. Medyo p-in-ractice kasi namin ang choreo para sa surprise. Alam mo namang bobonggahan namin ito para kay Kuya Louis,” pagdadahilan nila. Mas lalo silang malalagot dito kapag nalaman na nagtago sila sa bar at pumalpak sila sa ginawa nilang surprise.
“Gising na si unggoy at ang sabi niya ay si Elaine ang isu-surprise. Ito teka, nais niya raw kayong makausap na dalawa. Sandali nga, putangina mo naman, Louis,” wika ni Kaizer habang naririnig nila na nagsisimula na namang magbangayan ang dalawa.
Nanginginig naman si Juliana na bumati sa Kuya Louis niya, “H…h-ello,” utal na wika niya. Nasa tabi niya si Alexa na pinagpapawisan na rin sa kaba.
Holy shit, sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya pumalpak sa ganitong bagay. Nasanay kasi ang pamilya niya na never siyang nagkakamali sa kahit anong bagay kaya tumaas ang standard ng mga ito pagdating sa kanya.
Palagi rin nilang ine-expect na siya ang valedictorian sa klase dahil para sa kanila ay dapat laging nangunguna ang isang Montemayor.
“Make sure that you will not mess up,” sambit ni Louis, ngunit sapat na para kabahan ang dalawa. Hindi nila alam kung dapat na ba nilang sabihin sa binata na pumalpak sila o hintayin na mapanood nito ang balita?
Magagalit kaya ang binata kung sasabihin nila ang nangyari?
Kaagad naman napabaling si Juliana sa iniisip niya, siguradong magagalit ito sa kanila at 'yon ang sigurado siya.
“Oo naman, Kuya. Sige na, choppy kasi rito. Ang hina ng signal,” pagdadahilan ng dalaga. Sinenyasan niya naman si Alexa na gumawa ng ingay upang magmukhang totoo ang dahilan niya.
“Wait, I'm not finished yet,” sambit ni Louis, ngunit tuluyan nang ibinaba ni Juliana ang tawag at nagsimulang huminga nang malalim.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko,” sambit ng dalaga. Dahan-dahan silang lumabas ng restroom. Kaagad silang nagtungo sa dati nilang puwesto, ngunit may nakaupo na roon kaya lumipat na lamang sila ng upuan.
Nagulat si Juliana nang biglaang may mag-abot sa kanya ng in-order niya kanina. Nang tumingala siya para tingnan ito ay kaagad niya itong nakilala.
Ito ang bartender na nasa tapat ng counter niya. Ang binatang kasing-guwapo ni Adonis.
“Your order, ma'am. I hope this drink will make you smile,” wika ng binata at iniabot sa kanya ang isang sex on the beach cocktail na in-order niya kanina rito. May kasama itong sulat na kaagad niyang binuksan. Aang kaninang nakasimangot niyang mukha ay napalitan na ng ngiti.
Hi, Ms. Aphrodite,
I don't know your name, but the name Aphrodite suits you well because you're like a goddess of love who shoot my heart with just one arrow.
Here is my number if you want to talk about your problems: 091926323**
Sincerely,
Liam Beckett
“Sino kaya itong may boyfriend pero kinikilig pa rin sa ibang boys?” tanong ni Xandra na nagmula sa likod niya. Kaagad naman siyang nagulat at itinago ang sulat sa kanyang bulsa.
“Ano ka ba, mali ang iniisip mo, ’no!” wika niya ar sinimulang inumin ang ibinigay na cocktail drink ng binata.
Sa totoo lang ay ngayon lang siya nakaramdam ng kilig sa isang lalaki.
Marahil ang iisipin ng mga kasamahan nila na isa siyang manloloko dahil may kasintahan na siya at nagagawa pa niyang kiligin sa ibang lalaki, ngunit nagkakamali sila sa bagay na 'yon.
Dahil hindi naman niya ito totoong kasintahan, tinutulungan niya lamang ang binata upang makuha ang mga mana nito.
Masyadong mahigpit ang mga magulang ni Claude kung kaya't hindi siya makahanap ng makatutulong sa kanya na magpanggap hanggang sa makilala niya si Juliana na tamang-tama sa lahat ng kagustuhan ng kanyang mga magulang.
Ngunit paano naman ang kalayaan ng dalaga na umibig kung sa oras na makita siyang may kasamang ibang lalaki ay mabubuko ang kaibigan niya?
Third Person's Point of ViewDahan-dahan silang lumabas sa bar upang masiguro na walang naghihintay sa kanila na paparazzi sa labas. Bago umalis kanina ay hindi mapigilang bulungan ni Juliana si Noah na nagse-serve sa ibang mga customer.“Good luck in your work, handsome. I will text you later,” bulong niya at hinalikan sa pisngi ang binata nang makitang walang tao na nakatingin sa kanila.Kaagad naman siyang kinindatan nito at tuluyan nang bumalik si Alexa na nasa restroom. Inaya na siya nito na ituloy na ang surpresa para kay Elaine. Pinalipas lang nila ang oras upang masiguro nila na wala nang nakasunod sa kanila na mga reporter, masyado kasi itong makukulit at hindi sila makapapasok sa loob ng hospital dahil sa dami ng mga ito.“Nakita ko 'yon, haliparot ka. If you don't kuwento mamaya, isusumbong kita kay Kuya Kaizer,” bulong ni Alexa habang papasok sila sa hospital. Napakalinaw talaga ng mga mata nito sa mga ganitong bagay. K
R-18: Mature Content ahead.Third Person's Point of ViewNang makita ni Elaine na lumabas na si Mariella sa silid ay kaagad siyang naglakad papunta rito, ngunit napahinto siya nang makitang umiiyak ito.“A...a-yos ka lang ba?” tanong niya rito, ngunit tiningnan lamang siya nito bago tuluyang umalis.Mukhang hindi siya nito gustong makausap, ngunit ayaw na ayaw niyang nakakakita ng babaeng umiiyak dahil para sa kanya, dapat itinuturing ang isang babae na parang prinsesa, ngunit sa kasong ito ay mukhang wala siyang magagawa dahil ayaw siyang pansinin ni Mariella.“Wife,” tawag ng binata mula sa likuran niya kung kaya't agad siyang napalingon upang tingnan ito.“Are you okay?” tanong nito sa kanya at wala siyang nagawa kundi tumango na lamang. Wala naman siya sa posisyon upang tanungin kung anong napag-usapan nila ni Mariella at isa pa, privacy ito ng binata.Nang makapasok siya sa silid ay kaaga
Third Person's Point of View“Susunod na lang kami, Kai,” sambit ni Elaine. Yumakap sa kanya pabalik si Louis na parang ayaw nitong umalis sa posisyon nila ng dalaga.“Okay, sure, but make it quick,” sagot ni Kaizer na kaagad ikinabuntonghininga ni Elaine dahil masakit pa rin ang mga hita niya.“Hey, let's have a shower before going to the restaurant,” wika ni Louis. Tumaas ang kaliwang kilay niya dahil hindi nga siya makatayo dahil sa nangyari sa kanila.“Wife, are you okay?” tanong ng binata dahil hindi ito sumunod nang tumayo siya. Kaagad naman siyang inirapan ni Elaine na ikinagulat niya.“Mukha ba akong makatatayo sa posisyon na ito?” sarcastic na tanong ng dalaga. Napatingin naman si Louis sa kanya dahil sa pagtataka kaya wala siyang nagawa kundi sabihin ang dahilan dito. “Masakit ang mga hita ko dahil sa laki ng alaga mo!” reklamo nito sa kanya at tinakpan pa ang m
Elaine's Point of ViewHindi ko alam, ngunit walang lumalabas na kahit anong boses hanggang sa bigla na lang akong hatakin ni Eron papalayo kay Louis na abala sa pakikipag-usap sa isang babae.Kasabay ng paghila niya ay ang luha na hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo sa mga mata ko.Mukhang wala naman itong pakialam dahil hindi niya man lang ako tinapunan ng kahit katiting na tingin. Abalang-abala siya sa pakikipag-usap sa babaeng 'yon. Sino ba ang babaeng 'yon at noong kausapin siya ay ayaw niya na akong pansinin?Sabagay, may kasalanan pa rin ako sa kanya. Dapat ay hindi ako nakipag-usap kay Eron habang hindi pa siya dumarating.“Ayos ka lang ba, Elaine?” tanong ni Eron nang makita niyang tumutulo na ang luha ko. Kaagad ko naman itong pinahid upang hindi niya mahalata na umiiyak ako dahil sa inis.“Ah, oo. Ayos lang ako. Huwag mo akong pansinin. Napuwing lang,” pagdadahilan ko sa kanya at pilit na ngumiti.
Elaine's Point of ViewHindi maawat ang ngiti ko nang bigla akong yakapin ni Louis. “Did you love it, wife?” tanong niya na agad kong ikinatango. Sino bang babae ang hindi matutuwa sa oras na ma-surprise sila nang ganito?Nang bumitiw sa pagkakayakap si Louis ay bigla naman akong niyapos ng yakap ni Tita Hacel. “Congratulations to the both of you. I can't wait to see you wearing your wedding gown.” Kaagad naman akong napangiti sa sinabi niya, kahit ako rin ay nae-excite makita ang sarili ko na nakasuot ng gown. Ni hindi ko kasi in-expect na mararanasan ko ang ganito hanggang sa dumating si Louis at pinaramdam sa akin na maaari din akong ituring na special katulad ng ibang babae.Ang buong akala ko nga noon ay si Kaizer ang magpaparamdam sa akin nang ganito. Naging crush ko kasi siya noong tumuntong ako ng college. Lagi niya sa akin pinaparamdam na maganda ako, ngunit sadyang maliit talaga ang mundo dahil sa pinsan niya ako nahulog at mapa
Elaine's Point of ViewNang bumitiw ako sa paghahalikan namin ay agad kong tiningnan kung saan nagmula ang pag-click ng camera. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang mga malalaking camera na nakatutok sa amin at may isang tao pa na may hawak ng mic.“Narito po tayo ngayon sa Desire Island at kitang-kita naman nating lahat ang matinding halikan ng tagapagmana ng Montemayor Company na si Louis Montemayor sa isang babae, parang kahapon lang ay bali-balita na sinorpresa niya raw ang actress na si Mariella Althea De Vera, ngunit ano itong nakikita natin?” tanong ng lalaki na may hawak ng mic at pumunta pa sa harap naming dalawa.“Just go with the flow, they are reporters,” bulong ni Louis sa akin na ikinatango ko na lamang. Totoo kayang iniutos niya na sorpresahin si Mariella o nagkamali lamang sina Juliana? Ang ipinagtataka ko pa ay bakit pumunta si Mariella sa silid ko para kausapin si Louis? Ano kaya ang pinag-usapan nila?&
Elaine's Point of View“Teka, sandali lang, Tyron. Ibaba mo 'yan!” sabat ko sa kanilang dalawa dahil nagsisimula nang magtinginan ang ibang mga panauhin sa amin.“If you dare to speak like that again, I will crash your bones,” wika ni Tyron habang si Ashton naman ay tumawa nang malakas na ikinakunot niya ng noo.“Why are you so affected? Huwag mong sabihin na in love ka sa babaeng 'yan,” sambit ni Ashton at binigyan ako ng masamang tingin. Akmang susuntukin sana siya ni Tyron nang bigla ko silang pigilan dahil nakukuha na namin ang atensyon ng ibang mga tao.“Ano ba naman kayong dalawa? Hindi kayo magkasundo,” reklamo ko. Nginitian lamang ako ni Ashton at saka umalis sa harap naming dalawa ni Tyron, marahan niya itong binangga at binulungan, “Mag-iingat ka, baka hindi mo alam, natuklaw ka na,” sambit nito. Akmang magsasalita pa sana ako nang bigla akong kausapin ni Tyron.“Huwa
Elaine's Point of ViewNang lingunin ko kung saan nagmula ang boses ay nakita ko si Kaizer na nakapamaywang sa harap namin habang ang mga mata niya ay nanggagalaiti sa galit. Kaagad kong tinulak si Tyron upang tumayo at magpaliwanag sa kanya.“Mali ang iniisip mo, Kai,” sambit ko. Akmang magpapaliwanag sana si Tyron nang bigla siyang sapakin nang malakas ni Kaizer dahilan upang mapabagsak ito sa sahig.Ano ba ang ginagawa niya?“Ano'ng mali sa nakita ko, Elaine? Niyayakap ka ng gagong lalaki na ito. Ang kapal ng mukha mo, Tyron, pati si Elaine ay balak mong landiin. Wala ka na bang makuhang flings sa Desire Island?” asik ni Kaizer. Napasapo naman ako sa noo dahil sa inis habang tinutulungang tumayo si Tyron dahil masyadong napalakas ang sapak ni Kaizer. Bakit ba kasi napakainitin ng ulo ng mga lalaking Montemayor na ito?“Manahimik ka na, Kai. Please lang, p'wede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag!” wik