Share

Chapter 2

DIMITRI punched the table in front of him as he heard the bad news from Owen.

“Where’s Kira?” he asked Owen. His teeth were gritted in anger.

There are guys who kidnapped her, boss,” Owen replied from the other line.

He just arrived at his office exactly when Owen called. Pero sa halip na magalit sa assistant, kinuha niya ang kaniyang laptop at binuksan.

“Listen to me carefully, Owen. Patigilin mo ang mga bodyguard sa paghahanap kay Kira. Tell them not to panic. I had an idea who was responsible for Kira’s abduction,” he said.

“Copy, boss. Pero ano po ang gagawin namin? Hindi puwedeng magtagal si Ma’am Kira sa kamay ng mga kidnapper. Baka magising ang trauma niya.”

“I will activate the tracking device on Kira’s necklace. Once I get the location, puntahan n’yo. Pero huwag muna kayong susugod sa mga kidnapper. Alamin n’yo ang sitwasyon, sabihin sa akin ang hitsura nila. Then, I’ll go there. Is it clear?”

“Clear, boss.”

“Hold your line. I’m working on the tracking device.” Binuksan na niya ang security monitoring system sa kaniyang laptop at hinanap ang deactivated tracking device na nakakonekta sa kuwintas ni Kira.

Ibinigay niya ang kuwintas na iyon kay Kira as a gift noong eighteenth birthday nito, but it was also an emergency device. As he activated the tracking device, he sent the details of the abductor’s location to Owen.

“I got it, boss. I will update you once we reach the target’s area,” ani Owen.

“Bilisan n’yo!” gigil niyang utos.

“Yes, boss.”

Pinutol na niya ang linya. Halos madurog sa kamay niya ang cellphone na hawak. Walong taon na ang nakalipas magmula noong kinuha niya si Kira sa bahay ng parents nito. Kira’s father was his former bodyguard, and he saved his life many times since he was young. And when his parents died in a car ambush, Rolly, Kira’s father, took revenge for him.

Walong taon siya noong namatay ang mga magulang niya. Natatangi siyang anak, tagapagmana ng mga negosyo ng parents niya, even those illegal businesses of his late mafia boss father. Hindi niya maiwan ang mafia world dahil hindi pa niya nahuhuli ang mastermind sa pagpatay sa parents niya. At naniniwala siya na ito rin ang nagpapatay sa mga magulang ni Kira.

The mastermind killer had his picture as a reference since he was eight, and the killer monitored his business, kept spying on him, and wanted to know his appearance as an adult, but he was wiser than him. Ilang beses nilang nahuli ang pinadala nitong spy, pero hindi rin alam ng mga spy kung sino talaga ang big boss. Lahat ng itinurong tao ng mga ito ay napatay na niya. Wala pa rin siyang nakuhang kasagutan.

 Simula otso anyos siya ay nagsusuot na siya ng maskara sa tuwing lalabas o haharap sa ibang tao. Sa bahay lang naman siya nag-aral for his safety. And no one sees his adult face, not even Owen or the Cosa El Gamma members.

He is already thirty years old. His age was perfect for the exclusive membership qualification for the famous mafia alliance in Northern Italy. Sa Cosa El Gamma, ang grupo ng mga mafia leader na tumatanggap ng miyembro mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Qualified kahit sino basta may dugong Sicilian or Italian. And his father was a Sicilian mafia boss.

Binago niya lahat ng pangalan ng business ng parents niya upang maitago mula sa taong nagpapatay sa mga ito. And to protect himself. Batid kasi niya na hindi basta-basta ang mafia lord na iyon. Ni isa sa miyembro ng CEG ay hindi kilala ang taong iyon.

Bago kumagat ang dilim ay may nakuha na siyang update mula kay Owen. Nagpadala na ito ng picture ng apat na kidnapper. Inihanda na niya ang kaniyang sarili sa pag-alis at nang mabigyan ng parusa ang mga kidnapper. Hindi alam ng mga ito kung kaninong asawa ang tinangay ng mga ito.

WALANG pakialam si Kira kahit sa harapan ng mga kidnapper ay umihi siya sa kaniyang panty. Tumagas sa sahig ang likido mula sa kaniya. May nakakabit na tila paputok sa kaniyang baywang, marami. At sabi ng lalaking mukhang dinaanan ng gulong ang mukha, maari raw sasabog ang nasa baywang niya kung maglilikot siya.

“Hoy! Bakit ka umihi riyan, ha?” tanong ng lalaki. May nakaipit na sigarilyo sa bibig nito. May sukbit itong mahabang baril sa kanang braso.

Wala nang nakadikit sa bibig niya kaya malaya siyang makapagsalita. “Saan pala ako iihi? Sabi mo kung gagalaw ako ay sasabog itong nasa baywang ko,” reklamo niya.

“Aba’t masagot ka, ah! Pasalamat ka mahalaga ka sa boss namin. Kung hindi ay pinagpiyestahan ka na naming apat dito!” anito saka tumawa na wari sinapian ng demonyo.

Inirapan niya ito. “Pangit mo!” singhal niya rito.

“Ano’ng sabi mo?” Akmang susuntukin siya nito pero pinigil ito ng kasamang pandak na malaki ang tiyan. Konti na lang ay kasing laki na nito ang baril na sukbit sa leeg.

“P’re, kalma ka lang. Saka ka na bumawi once nakuha na natin ang pera,” anang pandak.

Umatras naman ang pikon na lalaki. “Ang tagal naman kasi dumating ni Boss Serkan! Kating-kati na ang palad ko makahawak ng isang milyon!” maktol nito.

Tumatak sa isip ni Kira ang pangalang binanggit ng lalaki. Iyon siguro ang nagpa-kidnap sa kaniya. Ibig sabihin, hindi darating si Don Dimitri upang iligtas siya? Nagsimula na siyang kabahan.

Umiinit na ang pang-upo niya sa ilang oras na nakaupo sa silyang bakal. Nakagapos ang mga kamay niya sa likod, maging ang mga paa niya kaya hindi siya makagalaw. Iiyak na sana siya nang biglang may bumusinang sasakyan sa labas.

“Si Boss na ‘yan!” usal ng pandak na lalaki.

Sumugod ang mga ito sa pintuan ngunit mamaya rin ay napaatras. Nanlaki ang mga mata ni Kira nang makita si Don Dimitri na pumasok, suot pa rin ang maskara. Sa dalawang kamay nito ay hila-hila ang dalawang lalaki na nakalawit ang mga ulo, duguan.

“S-Sino ka?” tulalang tanong ng pandak na lalaki kay Don Dimitri.

Hindi kumibo si Don Dimitri, basta na lang ibinagsak sa sahig ang mga lalaking wala nang buhay. Babarilin sana ng isang lalaki si Don Dimitri ngunit naunahan nito. Binaril nito sa ulo ang lalaking matangkad, at isinunod ang pandak.

Napapikit na si Kira kaya hindi na niya alam ang sumunod na pangyayari. Tanging sigaw ng mga lalaki ang kaniyang narinig. May lumapit sa kaniya at kinalagan siya. Nagpumiglas siya.

“It’s me, Kira, si Owen. Kalma ka lang,” sabi ng lalaking nag-aalis ng tali sa mga kamay niya.

Hindi na siya makakibo dahil nai-imagine niya ang nakita. Nangangatal ang kaniyang mga tuhod. May bumuhat sa kaniya, naglakad. Dahil sa nerbiyos ay nahilo siya, napahiga sa upuan. Doon lang siya nagmulat ng mga mata, sa loob ng kotse.

Pagdating sa mansiyon ay may nakaabang na doktor, iyong madalas ding bumibisita sa kaniya. Inasikaso kaagad siya nito. May itinurok itong gamot sa kaniya at kaagad siyang kumalma.

“Maligo ka na muna, Kira. Hay! Aatakehin ako sa puso nito!” natatarantang sabi ni Sonia.

Pumasok naman siya sa banyo ng kaniyang kuwarto. Nagbabad siya na hubad sa battub. At habang nakapikit ay nai-imagine niya si Don Dimitri. Naikuwento sa kaniya minsan ni Sonia na malupit si Don Dimitri, walang awa sa pagpatay. Kahit ganoon ang imahe nito sa kaniya, hindi niya ito magawang kamuhian. Iniligtas nito ang kaniyang buhay, binigyan siya ng proteksiyon laban sa mga taong gustong pumatay sa kaniya.

Naniniwala siya na hindi likas na masama si Don Dimitri. Maaring may dahilan ito bakit ito pumapatay ng tao. Nang humilab ang kaniyang sikmura ay umahon na siya at nagbanlaw sa shower. Kinuskos niyang maigi ng sabon ang kaniyang katawan. Nasanay siya na hindi nagsusuot ng kahit ano pagkatapos maligo. Binalot lamang niya ng tuwalya ang ga-baywang niyang buhok na aalon-alon.

Sumisipol siyang lumabas ng banyo. “Aaahh!” sigaw niya nang mamataan ang matangkad na lalaking nakatayo sa gilid ng kama, nakatalikod sa kaniya.

Awtomatikong pumihit paharap sa kaniya ang lalaki. Nahila niya bigla ang tuwalya sa kaniyang ulo at ibinalot sa hubad niyang katawan. Ang lalaki pala’y walang iba kundi si Don Dimitri! Suot pa rin nito ang mahiwagang maskara ng tigreng itim.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rona Rosel
Dami ko tawa kay Kira hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status