Share

Chapter 54

MATAMLAY na umuwi ng bahay si Kira. Maagang natapos ang klase nila kaya may oras pa siyang magluto ng meryenda. Wala pa si Dimitri pero dinamihan niya ang nilutong spaghetti.

Nang maluto ang spaghetti ay tumambay siya sa hardin malapit sa swimming pool. Binuksan niya ang payong na nasa gitna ng lamesang bilog at doon pumuwesto. Sumunod sa kaniya si Misty at humingi ng kinakain niya. Giniling na baka lang ang binigay niya rito.

Dahil sa huling pag-uusap nila ni Luther, natakot na siyang makita ito ulit. Iba kasi ang pakiramdam niya nang makaharap ito. Nangako siya sa kaniyang sarili na hindi na niya ulit kakausapin si Luther.

Naubos na ang pagkain niya nang dumating si Dimitri. Hindi ito tumuloy sa bahay at kaagad siyang nilapitan. Hindi siya nakahuma nang siilin siya nito ng halik sa mga labi.

“Ano’ng kinain mo?” kunot-noong tanong nito.

“Ano, spaghetti. Nagluto kasi ako,” nakangising tugon niya.

“Can I have some?”

“Oo naman! Tinirhan talaga kita. Wait lang, kukuha ako.” Tumayo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status