"Miss? Why are you still awake?" Nagising si Lucky mula sa malalim na pag-iisip. Nilingon niya si Megumi na lumabas sa silid ni Chii. Hindi pa rin siya nakakaalis sa kinauupuan mula pa kaninang iniwan siya ni Apocalipsis. May kakaiba talaga sa lalaki, at hindi niya maiwasang mag-alala. "Inaabangan kong umuwi si Apo. Si Chii?" "He's already asleep. Do you want some tea?" alok ng assistant ni Megumi. "Yes, please." Tumalima naman agad si Megumi patungong kusina. Inihanda nito ang tea at kumuha na rin ng dalawang slice ng caramel cake na nakita nito sa ref. Pagkatapos ay dinala nito ang mga iyon sa salas at nilapag sa center table. “Have some tea and cake, Miss.” “Thank you….” Tumango si Megumi at naupo sa katapat na couch. Pinapak agad nito ang cake, ngunit kusang tumigil sa pagkain nang makitang hindi pa rin kumikibo si Lucky, natulala na naman ito. Isang malaking buntonghininga ang pinakawalan niya. “Aren’t you happy?” “What?” “Aren't you happy to be free from your fake marr
"Aw, aw, aw…!""Who are you?" Idiniin lalo ni Lucky ang siko sa likod ng estranghero. Pagkatapos niya itong ibalibag ay agad niya itong pinatungan sa likod at inipit upang hindi na makakilos pa. "Anong balak mong gawin sa anak ko?""Ano? Ano ba ang sinasabi mo? Walang akong kahit na anong binabalak sa anak mo!" deny nito na naiipit ang mukha sa pagitan ng lupa at katawan ni Lucky. Hindi makita ng babae ang mukha ng lalaki kaya hindi niya ito nakilala. Silipin man niya'y hirap pa rin siyang makita ang mukha nito."Sino ang nag-utos sayo na gawin ito?""Ano bang sinasabi mo? Wala akong masamang binabalak!" Nagpumiglas ang lalaki, ngunit hindi nito magawang ibuhos ang sariling lakas para itulak si Lucky dahil sa alanganin nitong posisyon."Miss Lucky! Okay lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan?" sunod-sunod na tanong ni Megumi nang makalapit. Kasama nito si Chii na bitbit ang laruan na water gun."This culprit is not talking! Kapag ako na ubos ang pasensya hindi lang ribs mo ang magkakar
“Do you understand, Megumi?”“I do, Miss! Ako na ang bahala kay Chii,” mabilis na tugon ni Megumi sa kabilang linya. Binaba agad ni Lucky ang tawag pagkatapos makuha ang sagot ng assistant. Nakita niyang isinakay sa ambulansya ang imbestigador kaya dali-dali siyang sumampa sa likod ng sasakyan, wala namang nagtanong sa kanya at hinayaan lang siya ng mga medical staff na busy sa pag-revive sa imbestigador na hindi na yata humihinga.Hindi niya pwedeng hayaan ang imbestigador na ito na mawala sa paningin niya, kailangang malaman ni Lucky kung sino ang taong nasalikod ng imbestigador, sino ang nagpapahanap sa taong matagal ng nam*tay, para magawa niya iyon kailangan niya ring siguruhin na mabubuhay ang imbestigador.Pagdating ng hospital, agad na dinala sa ICU ang imbestigador, habang si Lucky na naman ay nanatili sa labas at naghintay ng magiging resulta ng operasyon. Sana lang talaga mabuhay ang lalaki. Nakipagkasundo siyang makikipagkita dito para makibalita sa imbestigasyon nito, ngu
“I’m sorry, dad. Nagmamadali kasi ako, can we talk about it next time? Bibisitahin ko kayo ni mommy sa bahay.” Kailangan na niyang umalis dahil walang maiiwan kasama ni Chii sa condo.“But this is very important,” halos pakiusap na giit ng kanyang ama. Gusto niyang pakinggan ang sasabihin nito, pero kailangan talaga niyang umuwi. “Please lend me your ears. I’ve been dying to tell you this…”Nakagat ni Lucky ang ibabang labi. “A-alright… Tatawagan ko muna ang kasama ko sa bahay. Saglit lang ito, dad. Sa garden ng hospital niyo na lang ako hintayin.” Tinanguan siya ng ama, at tipid naman itong nginitian ni Lucky. Tatawagan niya saglit si Psalm, wala siyang choice kundi ang ipahatid sa ospital si Chii, kesa naman maiwan itong mag-isa sa condo na walang kasama."Pasensya na talaga, Psalm. Hindi lang talaga ako makaalis ngayon," paumanhin ni Lucky sa kausap sa kabilang linya."Ayos lang, Ma'am. Hindi mo kailangan na humingi ng tawad sa akin. Gigisingin ko na si Chii, sige po.""Okay, mag-
"What happened to her?" Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha sa mata ni Lucky nang makita ang natutulog na dalagita sa hospital bed. “Bakit nagkaganito siya?”"She was stabbed by unknown man in front of her foster mother's house," sagot ng kanyang ama na nakatayo lang sa kanyang likuran.Pagkatapos nilang mag-usap sa garden, dinala si Lucky ng kanyang ama sa silid ni Lucy upang makita ang kanyang anak. Ang dahilan pala kung bakit ito nasa ospital ay dahil na-confine ito, at hindi man lang niya iyon nalaman. Kahit man lang ang banggitin sa kanya ay hindi nagawa ni Genesis, ngayon ay nakakaramdam siya ng inis sa lalaki, hindi lang dahil sa paglilihim nito tungkol sa tunay na pagkatao ni Lucy, kundi dahil narin sa wala siyang narinig mula rito tungkol sa nangyari sa anak nila."Stabbed?" Kunot ang noo na nilingon ni Lucky ang ama. "At sinong walang hiya ang gagawa ng ganun kasamang bagay sa isang bata? Ano ang kasalanan ng anak ko para maranasan ang ganito karahas na bagay?""I don't kn
Huminto si Genesis sa harap ng double wooden door, isang malalim ng buntonghininga ang pinakawalan niya, pagkatapos ay tinanguan niya si Nathaniel na agad namang tumalima at pinunch ang hawak na keycard sa isang key card door lock system. Tumunog iyon sinyales ng pag-unlock ng pinto, at saka ito kusang bumukas. Agad na pumasok si Genesis, si Nathaniel ay nakasunod lang sa kanya habang binagtas nila ang may kadiliman ng hallway, at nang makarating sa dulo bumungad sa kanila ang malawak na meeting hall. Nakapalibot sa buong silid ang bleacher style ngunit mamahaling mga upuan, at sa gitna ang napakahabang oblong wooden table, sa dulo niyon nakaupo ang lalaking nasa kanyang Seventies, sa tabi nitong siliya nakaupo ang matandang matagal-tagal na ring hindi nakikita ni Genesis, at sa likod ng matanda nakatayo ang butler nito. “Genesis of the Gevorgian Mafia, my King,” pagbibigay galang ni Genesis sa lalaking may hawak ng pinakamataas na titulo sa kinasasakupan na organisasyon ng kanilang
Malakas na tawa ni Dean Leath ang pumailanlan sa buong conference room, walang halong pangungutya ang pagtawa nito, ngunit puno ng pagkamangha. Pagkamangha kay Apocalipsis na walang takot na nagdeklara ng gyera laban sa samahan ng sarili nitong lolo. Minsan lang siya makaharap ng ganitong tao sa buong buhay niya; isang taong walang takot at puno ng kompyansa sa sarili.“At paano ka naman nakakasiguro na papayag kaming humalili sa iyong lolo?”“I don’t care about the elders opinion. Sinabi ko na ang gusto ko, at iyon ay ang pinaka mataas na posisyon sa pamilya namin. You required a heir to accept me as the new mafia leader? Fine, I’ll f*ck this b*tch right away and make her pregnat—”“What the f*ck are you talking about, Apo?” putol ni Genesis. Mabigat ang bawat hakbang na lumapit ito sa nakababatang kapatid. “H’wag kang makialam sa issue na ito. Bakit ba pilit mong sinisiksik ang sarili mo sa lugar na hindi ka nababagay?”“Ang duwag na tulad mo ang hindi nababagay sa mundong ito, Gene
“How have you been, Genesis?” tanong ni Sauron. Hindi nito napigilan ang tumayo at lapitan ang apo na matagal na nilang hinahanap.Napatingin si Ephraim kay Wregan na nagdala sa kanya sa lugar. Nguniti ito at tumango sa kanya, sumimangot si Ephraim. Nakakainis ang lalaking ito, kung umasta ay magkaibigan sila, at sino naman ang mga taong ito sa harap niya?“Ah… Ephraim ang pangalan ko. Pasensya na, hindi ko alam kung bakit dinala ako dito ng boss ko, pero sino ba kayo lolo?” Kamot ulong tanong nito kay Sauron.Ang matanda naman ay nakunot ang noo. Wala siyang maintindihan sa sinabi ng kaharap, nilingon niya si Wregan at nagtataka itong tinignan.“Ephraim here doesn’t remember his passed.”“What? Then, how did you find him?”“It’s all just luck. Fortunately, this guy is working under my command. I don’t know how he manages to enter this world and work for me, but I guess it’s faith, after all this is his world.” Nilingon ni Wregan si Ephraim at inakbayan. “This dude told me that he gre