Share

Chapter 15

Ang boses na narinig ni Laverna ay boses talaga ng tito niya. Hindi siya pwedeng magkamali at kahit pa gustuhin niyang huwag paniwalaan ang kaniyang naririnig, mas lalo niyang napatunayan na ang lalaking kausap ni Nicholas ay ang kadugo niya mismo nang makita niya ang suot nitong relo. Halos mahibang siya sa kaniyang nalaman kaya pagkatapos na pagkatapos niyang ihanda ang mga dala niyang pagkain, agad siyang tumakbo papunta sa comfort room. Nang maisara niya ang pinto at napansing wala siyang ibang kasama sa loob, kinuyom niya ang kaniyang kamay at agad sinuntok ang pader. Tanging iyon lang na paraan ang kaniyang naisip para mapakalma ang sarili.

Nang maramdaman niya ang sakit sa kaniyang kamay, sumandal siya sa may dingding at huminga nang malalim. Sa lahat pa kasi ng mga taong makikita niya sa okasyon na iyon, hindi kailanman sumagi sa isipan niya na kasali mismo ang kaniyang tito. Hindi niya man alam kung ano talaga ang binabalak niyang gawin sa grupong Valdemar ngunit isa lang an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status