Share

Chapter 47

“Iahon mo na ‘yan. Baka mamatay pa eh,” komento ng isa sa dalawang lalaki na nakahawak kay Athena.

Ginawa naman iyon ng kasama niya at sa oras na nakaahon muli ang dalaga, patuloy pa rin ito sa pag-ubo at paghabol ng kaniyang hininga. Muli siyang umiling.

“Parang awa niyo na. Wala talaga akong kinalaman–”

Hindi na siya pinatapos ng lalaki at muling pinuwersa ang dalaga sa tubig.

“Tangina naman nito. Mukhang walang balak bumigay,” saad ng isa. “Eh kung sa mainit na tubig kaya natin ilublob?”

“Gago ka ba? Kapag ginawa natin ‘yon, paniguradong lulusubin tayo ng mga Luciano. Asawa pa man din iyan ni Gunner.”

“Eh mukha namang wala siyang pakialam sa babaeng ito. Kung meron man, edi dapat sana kahapon pa nila siya binawi.”

Kahit mag-iisang oras na rin ang pagpapahirap nila kay Athena, iisa pa rin ang kaniyang sinasabi—wala siyang alam kung nasaan man si Liraz. Naging kulay lila na ang kaniyang mga labi kaya naman inalis na ng dalawa ang dalaga sa bathtub.

“Kung ako sa'yo, umamin ka na ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status