Nang mga sumunod na araw ay naging abala si Kryzel sa pagpaplano kung paano pababagsakin sina Sean at Hilda. Inoobserbahan lang siya ng kan'yang asawa na ayaw makialam sa kung ano ang mga gagawin niya. Hindi magawang maglambing ni Kaizer dahil laging galit at nakasinghal si Kryzell.
Gusto nang magtampo ng mafia boss ngunit ayaw n'ya ng gulo. Pilit n'yang inuunawa ang asawa dahil batid niyang gusto lamang nitong mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang nito.
Ang galit na si Kryzell ay biglang natauhan. Napansin niya kasi ang pangingilag ng kanyang asawa. Sa kabila ng kanyang mga pinagdadaanan, ayaw niya rin na magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Kaizer. Nilambing niya ang asawa para hindi na ito umiiwas ka sa kan'ya. Ipinaramdam n'ya rito na hindi n'ya ito kaaway.
"Para ka naman kasing amazona," wika ni Kaizer. "Minsan umiiwas na lang ako sa 'yo para walang gulo."
"Hindi naman
Walang kaalam-alam si Hilda na ang kan'yang personal assistant ay walang iba kun'di si Kryzell na minsan n'ya nang sinubukan na patayin. Hindi rin kasi nagsasalita si Sean sa kan'yang nalalaman. Patuloy pa rin ang paghahanap ni Hilda kung nasaan na ba ang kan'yang stepdaughter.Naiinis na sa kan'ya ang mga kasamahan ni Hilda dahil napapabayaan na ng Triangulo ang mga transaksyon nila. Naka-focus kasi sila sa paghahanap sa babaeng itinuturing na kalaban ng kanilang boss. Sa ilan, isa iyong pagsasayang lamang ng oras.Araw ng Biyernes, isang malaking pagsabog ang naganap sa Torquero Group of Companies' Building. Utos iyon ng stepmom ni Kryzell para mapilayan ang negosyo na hawak na ng huli. Katwiran kasi ni Hilda, kung hindi mapupunta sa kanya ang mga kumpanya ng Torquero ay mas mabuti pang walang makinabang nito.Sa tulong ng mafia boss ng Devil's Angel Mafia Organization ay nagamot ng libre ang mga suga
Nanlaki ang mga mata ni Kryzell nang may sumabog na bomba sa hindi kalayuan sa kan'yang pinagtataguan. Si Kaizer ay napasigaw ng ubod lakas. Kapwa sila nakaramdam ng matinding takot para sa kani-kanilang mga buhay. Ngunit hindi man lang iyon nahalata ng mga kasama nila.. Mabilis na na patakbo ang mafia boss patungo sa kan'yang asawa. Niyakap niya ito ng ubod higpit. Napasubsob siya sa mukha nito habang lihim na tumutulo ang kan'yang mga luha. Pinagpag niya ang mga damo na dumikit sa damit ni Kryzell. Hindi siya magkandaugaga kung paano niya aasikasuhin ang hindi naman nasaktan na kabiyak. "Sinabi ko sa iyong mag-iingat ka, 'di ba?" sermon ni Kaizer kay Kryzell. "Hindi naman ako ang naghagis ng bombang 'yan dito sa harapan ko," pangangatwiran ni Kryzell. "Bakit nagagalit ka sa akin?" Pasigaw ang pagkakabigkas noon ni Kryzell dahil pansamantalang humina ang pandinig n'ya dahil sa pagsabog. &
Sa Efefanio General Doctors Hospital ay biglang nagkagulo ang lahat. Dumating kasi ang grupo nina Mer at Tamara. Mga armado sila ng mga de-kalibreng baril. Nagtakbuhan ang mga nurse, gayon din ang mga doktor at pasyente. Biglang isinara ang main door ng hospital dahil sa utos ni Mer. Lumapit siya sa information desk at inalam kung naroon si Hilda. Subalit wala ito sa listahan ng mga pasyente. Upang makatiyak, agad n'yang inutusan ang lahat ng mga kasama nila ni Tamara na halughugin ang buong lugar. Walang nagawa ang mga guwardya kun'di ang tingnan na lang sila. Ngunit bumalik ang mga tauhan nila, dala ang balita na wala nga roon si Hilda. Hindi makapaniwala si Mer kung paanong nawala na lang ito agad. "Ayon sa report ay dito dinala si Hilda Torquero. Nasaan siya," tanong ni Mer sa nanginginig na nurse. "Sir, wala po talagang Hilda Torquero na isinugod dito," sagot ng n
Dahil sa takot kay Kryzell kaya hindi magawang magtapat ni Kaizer sa kan'yang asawa. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya sasabihin kay Kryzell ang katotohanan na natuklasan niya. Ang malaman na alam din ni Sean ang tungkol sa kanyang pagkatao ay isang malaking dagok para kay Kaizer. Hindi niya kasi magawang dumiskarte ng tama dahil palaging may bantang humahadlang sa kan'ya.Hindi naman nagtanong si Kryzell tungkol sa mga kinikilos ng asawa niya. Ngunit nagiging mapanuri sa sa paglipas ng mga araw. Maging ang kusinera ay hindi n'ya tinatantanan. Ang kan'yang mga mata ay para bang cctv camera na laging nakatingin sa kusinera."Praning ka na, alam mo ba?" Minsan ay nasabi ni Tamara sa kaibigan niya. "Kung ano-ano na lang ang nakikita mo. Baka mamaya niyan, pati ako pinag-iisipan mo na rin ng masama.""May tiwala ako sa 'yo. Kaibigan kita, eh," sagot ni Kryzell."Iyon na nga, ako
Hindi namalayan ni Kryzell na tumulo na pala ang kan'yang mga luha. Malinaw niyang narinig ang lahat. Napalunok siya ng ilang ulit at napasabunot sa kan'yang buhok na hindi pa nasusuklay. Hindi s'ya halos makagalaw sa kama na kan'yang kinauupuan. Pinatay niya ang tawag na akala ni Kaizer ay putol na.Halo-halo ang kan'yang nararamdaman. Naninikip ang kan'yang dibdib dahil sa iba't-ibang emosyon. Natatakot siya dahil nasa gitna ng labanan ang kan'yang asawa subalit nagagalit din siya dahil sa kan'yang narinig.Ang tahimik na pagluha ay biglang naging malakas. Humihiga, umuupo, tumatayo sa kama; hindi alam ni Kryzell kung ano ang gagawin niya. Isang malakas na sigaw ang kan'yang pinakawalan dahilan upang mapatakbo paitaas ng ikalawang palapag ng bahay si Tamara."Kryzell! Kryzell!" sigaw ni Tamara. Binabayo ng mga kamay nito ang pinto ng silid ng mag-asawa. Dahil sa sobrang lakas din noon ay napatakbo na rin sa ikalawang p
Wanted sa batas!Napailing si Kaizer. Hindi n'ya akalain na sa isang iglap ay bigla siyang kakasuhan ng mga pulis dahil sa mga kasalanan na hindi niya naman ginawa. Pati ang massacre na naganap sa isang lugar sa Maynila ay ikinabit sa pangalan niya."Hindi ba ang iba riyan ay Triangulo ang may gawa?" tanong ni Kryzell habang tinitingnan ang dyaryo. "Bakit ikaw ang itinuturo nila? Wala talagang magawang mabuti itong si Sean at ang nanay mo. Huwag mo na ngang pansinin iyan. Ayusin na lang natin sa tamang paraan."Sinulyapan ni Kaizer ang dyaryo. Wala sa loob na nilamukos n'ya iyon at inihagis sa basurahan. Nakangiti na tumingin lang sa kan'ya si Kryzell. Ang daming mga negatibong balita tungkol sa kanilang mag-asawa ngunit hindi nagpapakita ng kahinaan ang kabiyak niya."Gagawin ni Tita Hilda ang lahat para mabawi lang ang mga ari-arian na naiwan ni daddy. Napakaswerte mo naman sa iyo
Hindi malaman ni Kryzell kung alin ang uunahin niya. Nalaman niya kasi ang nangyari kay Tracy at sa iba pang mga iniwanan niya ng kumpanya. Pinatay silang lahat ni Hilda ng walang kalaban-laban. Napalupasay siya sa buhangin habang umiiyak. Wala siyang pakialam kung makita man siya ng mga tauhan ng Devil's Angel Mafia Organization. Ayon sa ulat, nasa production area ng textile company ng daddy niya ang mga ito at nagsasagawa ng inspeksyon. Nagbibigay rin sila ng utos na linisin ang lugar upang maalis ang ilegal na gawain doon ni Hilda nang isang miyembro ng Triangulo ang nagpasabog sa lugar. Sa isang iglap ay namatay ang mga tauhan ni Kryzell na hindi bababa sa bente katao. Marami rin ang sugatan sa mga empleyado. Lumikha rin ng sunog ang pagsabog kaya naabo ang kumpanyang pinaghirapan ng ama niya. "Ano ang plano mo ngayon, Kryzell?" tanong ni Tamara. "Tawagan mo si Kaizer at sabihin mo na mayroong
"Uncle!"Mahigpit na yakap ang agad na isinalubong ni Kryzell sa Uncle Gener n'ya. Nasa gitna sila ng laban at hindi inaasahan na makikita n'ya ito sa mansion ng mga Torquero. Hindi akalain ng mag-asawa na nalusob na ni Hilda at ng mga tauhan nito ang mansion bago pa sila dumating."Huwag ninyong subukan na sumakay ulit ng chopper para makaalis kayo rito dahil sigurado akong pababagsakin iyan ng mga walang hiyang miyembro ng Triangulo," sabi ni Gener."Iilan lang po ang mga kasama naming tauhan," wika ni Kryzell. "Dehado kami sa labanang ito. Mukhang patay na rin ang mga kasamahan namin na iniwan ko upang magbantay dito."Halos magsigawan ang mag-tiyuhin dahil sa lakas ng mga pagsabog na maririnig sa buong compound ng mansion. Nagkukubli sila sa ikatlong palapag ng bahay.Rinig ni Kryzell ang mga sigaw ng mga kasamahan nilang nagmamadali upang makaha