Share

Chapter 43

CASSY

Pinagpatuloy ko pa rin ang pag-inom ng gamot na bigay sa akin ni Sir Zach kagabi. Nawawala rin ang hapdi at pamamaga sa aking kaselanan dahil sa pag-inom ko nito. Nagpapasalamat naman ako kahit papaano na binigyan niya ako ng iinumin na gamot dahil kung hindi ay sigurado ako na baka mas namaga pa ang aking kaselanan at humapdi pa ito nang sobra. Nakakalakad na ako nang mabilis hindi kagaya kahapon na dahan-dahan lang talaga.

Mabuti nga ay walang nakapansin sa akin kahapon na ganoon ang paglakad ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag may nakapansin sa akin na ganoon, eh. Salamat talaga sa Panginoon dahil walang nakapansin kahit ang kaibigan ko pa na si Izza.

Wala ngayong araw na 'to si Sir Zach sa mansion nila dahil lumabas siya kasama ang best friend niya na si Warren patungo sa shop para bumili ng necklace na kagaya ng ninakaw ko kay Ma'am Rosaline na mommy niya.

Gamit ang necklace na bibilhin niya ay gagamitin niya ito para pagtakpan ang ginawang pagnanakaw ko ng necklace ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status