BalatkayoNawiwirduhan ako sa paraan ng pakikipag usap sa akin ni Adeem ngayon. Paano'y pagkatapos kong makalabas ng pinto, masyado nang masaya ang persona niya. Madalas na rin siyang nakangiti kahit mukha siyang galit sa mundo nang una ko siyang makausap.Anong nangyayari?"Alam mo ba Liwayway, napakaraming ginto sa aming kaharian, nais mo bang dalhin kita roon?" Itinaas niya ang kanyang kamay upang imuwestra kung gaano karami ang gintong sinasabi niya habang ako nama'y tahimik na nakikinig at kasabay siyang maglakad.Napangiwi ako.Mukha siyang sabik na sabik habang nagkukwento ng mga bagay na gustong gusto niya sa kaharian ng Vinetus. Sa katunayan, kumikinang pa ang kanyang mga mata habang nagsasalita."Liwayway?" Tumigil siya bigla sa paglalakad."Huh?" Nagtataka kong tingin sa kanya. Hindi ko na nasundan ang pinagsasabi niya kanina."Ang sabi ko nagugutom ka na ba?" Tiningnan ko nang maigi ang mukha niya. Wala akong makitang bakas ng kaibahan ng itsura niya ngayon sa itsura niya
MalayaNagkamali ako. Hindi siya nagbabalatkayo tulad ng inaakala ko. Hindi siya nagkukunwari, hindi siya ang impostor kundi ako.Hindi ko inaasahang paglabas ko sa unang pinto ay dadalhin agad ako nito sa ikalawa't ikatlo. Ako ang naliligaw at hindi siya. Simula umpisa palang ay totoo na lahat ng mga sinabi niya.Bakit hindi ko agad iyon nakita?GLUTTONY & WRATHIyan ang dalawang pintuang pinasok ko nang hindi namamalayan. Masyado akong naging pabaya at inisip na ako lamang ang tama. Ang sabi ko'y hindi ko ibaba ang aking depensa ngunit salungat ang aking nagawa.'Latak ng kasinungalingan, Tiyak na ika'y pagsasarhan.'Hindi lahat ng bagay na maganda ang panlabas na kaanyuan ay mayroong mabuting kalooban.Nalinlang kami ng aming mga mata. Nilason ang kakayahan naming makakita.Latak ng kasinungalingan mula sa pagkaing nakahain sa aming harapan. Sinarado ang isipan sa posibilidad na ito'y maaring maging ugat ng kapahamakan.Hindi nakikita ng mata ang lahat. Hindi nito lubusang nasusur
SimulaIsang malakas na sampal sa mukha ang gumising sa akin. Nagulat ako kaya naman gumalaw nang mabilis ang katawan ko at tumayo mula sa pagkakahiga sa damuhan. Ang katawan ko'y nasa tindig na handang makipaglaban. Ngunit naudot iyon nang makita ko ang mukha ng walang hiyang gumising sa akin.Masamang tingin ang binigay ko sa kanya. "Finally." Aniya.Walang kabuhay buhay ang pagkakasabi niya no'n, gaya ng aking pagkakaalala hindi siya masayahing tao. Tumingin siya sa akin nang nakabusangot.Aba! Ma-attitude din ang isang 'to."Hey, Tao!" Kinaway niya ang isang kamay sa harap ko habang nakapamewang. Mukha siyang problemado. Natulala na pala ako sa kawalan, hindi ko man lang 'yon namamalayan.Pasensya naman, ikaw kaya makipaglaban sa kamukha mo, mag analisa ng nakakasira sa ulong tula, muntik nang makakain ng daga at masaksak sa puso, tingnan natin kung kakayanin mo.Hindi ko na naisatinig ang mga salitang 'yon dahil wala na akong lakas makipag argumento. Pagod na ang katawan at utak
BaguhanSinundan ko si Aoife hanggang sa marating namin ang labas ng gusali. Isa iyong malawak na damuhan. May mga bench sa gilid at malalaking punong maaring silungan.Nagawi ang tingin ko sa gitna. Agaw pansin ang napakalaking estatuwa ng anghel na nakabuka ang pakpak habang hawak hawak ang punyal na mayroong nakaukit na iba't ibang uri ng bulaklak.Pamilyar iyon sa akin dahil ang punyal na hawak hawak nito ay kahawig na kahawig ng logo ng paaralan. Sa paahan ng anghel umaagos ang tubig.Sa ibabang parte naman ng fountain makikita ang maliliit na anghel na tila masayang naglalaro sa bawat patak ng tubig sa uluhan nila.Napakaganda no'ng tingnan.Pinagpatuloy namin ang paglalakad at itong si Aoife, imbis na maglakad sa malilim na daan, gusto niya pang maglakad sa gitna ng initan.Nakita kong unti unti nang nang naglabasan ang mga estudyante mula sa kani kanilang silid.Baka break time?Namangha ako nang makita ko ang unipormeng suot suot nila.Ang mga babae ay nakasuot ng high-waisted
Bakas ng Lotus Habang nag iisip kung paano ako makakalabas ng restroom na 'to, hindi ko maiwasan ang pag gawi ng mata ko sa lalaking naka upo sa gilid ng kwarto. Magulo ang kanyang buhok, basa ang suot suot na uniform, mukhang galing sa pag iyak dahil namumula ang kanyang mata, makapal ang kilay, mahabang pilikmata, kulay dagat na mga mata, ilong na matangos, pulang pulang labi at ang perpektong hubog ng panga. Halos hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Namamangha ako sa kaperpektuhan ng kanyang itsura. Siguro kung babae lang siya, siguradong mas maganda pa siya sa akin. Nag angat siya ng tingin dahilan upang mag salubong ang aming mga mata. Mukhang napansin niya ang paninitig ko. Patay malisya kong iniwas ang tingin. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Sinawalang bahala ko na lamang iyon at mas tinuon ang aking atensiyon sa sarili. Halos maubos ko na ang tisyung binigay niya kanina. Ipagpapatuloy ko pa sana ang ginagawa ko nang makarinig ako ng hikbi mula sa kung sa
Unang araw Naalimpungatan ako nang marinig ang napalakas na tunog ng bell sa buong dormitoryo. Ayaw ko pang gumising. Reklamo ko nang maalalang alas tres ng madaling araw na ako nakatulog. Marami kasing tumatakbo sa isip ko kaya nahihirapan akong ipikit ang mata at matulog nang mahimbing. Ganun ako palagi. Hindi makakatulog kakaisip sa mga bagay bagay tulad ng kung anong mangyayari kinabukasan. Isa pa, namamahay din ako. Hindi ako sanay na matulog sa malambot na higaang ito. Tapos maiisip ko na naman ang kalagayan ni Ina, kung natutulog ba siya nang maayos, kumakain nang marami at iba pa. Sa loob ng ilang oras lahat ng yan ang bumabagabag sa isipan ko hanggang sa tumilaok na ang manok at sumilip na ang haring araw. Tinakpan ko ng unan ang tenga ko upang mabawasan ang ingay ng bell ngunit wala iyong kuwenta dahil rinig na rinig ko parin! Inis akong umupo mula sa pagkakahiga at papungas pungas na tiningnan ang oras sa gilid ng aking kama. Alas singko palang! Bakit ang aga aga naman
Kasaysayan Ramdam ko na ang malakas na tibok ng puso ko sa sobrang kaba lalo na nang huminto ang tingin ng gurong nasa harapan sa pwesto ko. Agad na akong nag isip ng mga nakakahiyang senaryo, tulad ng mauutal ako habang sumasagot, paano kung hindi ko alam ang isasagot? Baka bigla nalang akong tumakbo palabas ng silid sa sobrang kahihiyan! Pa'no kung matulala na lang ako at di alam ang gagawin? Pa'no na? "Ikaw." Napaupo ako ng tuwid nang bigla siyang magsalita. "P-po?" Nahalata niya yata ang pagiging kabado ko kaya ngumiti siya sa akin nang bahagya. Kahit papano'y kumalma ako dahil do'n. "Bago ka dito hindi ba? Ang iyong pangalan binibini?" aniya. Sa pagkakataong ito ay tumayo na ako at pinakilala ang sarili sa mahinahong paraan hanggay maari. "Ang ngalan ko po'y Ashia Dawn ngunit ang palayaw kong Liwayway ang kadalasang tawag sa akin ng aking mga kakilala." mahinahong sagot ko. Mula rito sa kinatatayuan ko, nakita ko ang paglingon ni Adeem sa pwesto ko na siyang sinundan ng h
Lagusan Hindi ko alam na sobrang gabi na pala matatapos ang klase namin. Paano'y pinaghanap kami ng mga halamang gamot sa palibot ng akademya kaya't pagod na pagod ako. Iba't ibang uri ng halamang gamot ang tinuro sa amin, ang benepisyo no'n, kung para saan 'yon, paano ang tamang paggamit, at ang alternatibo nito kung sakaling walang ganon sa paligid. Naging mahigpit ang klaseng 'yon, kaya't kailangan kong mas pag tuunan ng pansin sapagkat wala akong alam sa panggagamot. Ni isa, wala, kaya't naging interesado na rin ako. Mabuti na lamang ay madali kong nahahanap ang mga bagay o halaman na kailangan. Parang sila mismo ang nagpapakita sa akin kaya naman tuwang tuwa ako. Ang mga kaklase ko'y nahihirapan sa paghahanap kaya't may ilang binigyan ko ng sobrang halaman upang matapos na nila ang kailangan nilang hanapin. Mabuti na lamang mayroon pang mababait na nilalang sa klase namin. Sinabi ng propesor namin sa medisina na ang asignaturang ito ay nagsimula noong naglaho ang kaharian ng I