Share

Chapter 11.2 - Maeve

Third Person's Point of View

Sa isang lumang mansion na matatagpuan sa gitna ng kagubatan, makikita ang binatang si Maeve na nakatayo sa balkonahe ng kaniyang kwarto, hawak ang isang bote ng alak at tila malalim ang iniisip. Nakapatong ang isang kamay nito sa railings habang nakatanaw siya sa kawalan. 

Kung anong nasa isip niya? Malamang ay si Mystica. Mula nang makita niya ito ay hindi na naalis sa isip niya ang dalaga. Alam niya ang dahilan kung bakit labis na lang ang pag-aalala niya rito. Isa 'yon sa rason kung bakit siya bumalik sa lugar kung saan dati na siyang nanirahan at pilit niyang ibinabaon sa limot. 

Isa lang naman ang pakay niya kaya siya bumalik sa Peculium. Iyon ay siguruhing ligtas ang dalaga. Nais niya itong protektahan sa mga masasamang loob na tumutugis sa dalaga. Akala niya ay magagawa niyang ilayo si Mystica sa panganib ngunit nagkamali siya dahil kasabay ng pagbalik niya sa Peculium ay siyang pagdating ng magkakapa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status