Share

Chapter 18

Zeph Pov

Nag-umpisa na first round sa contest para sa pagpili ng magiging Luna ni Alpha Hunter. Ipinag-utos niya na kung sino man ang unang anim na makakakuha ng prutas na Amanpulo at makakapagdala sa kanya ay siyang pasok sa second round. Mahirap ang pinapagawa ni Alpha Hunter dahil sa pagkakaalam ko ay nasa gitna ng gubat ang iilan lamang na puno ng Amanpulo. Saka delikado sa gitna ng gubat dahil maraming mababangis na hayop. Oo nga't may dugong hayop din kami dahil mga taong-lobo kami ngunit nasa katawan kami ng tao kaya sakaling may makasagupa kaming mabangis na hayop ay tiyak na manganganib ang buhay namin. Ang mga taong-lobo na kagaya namin ay kaya lamang magpalit ng anyo kapag sumasapit ang fullmoon. Nakalimutan ko. Hindi nga pala ako kasali sa mga taong-lobo na kayang magpalit ng anyo at maging lobo dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakakapag-shift ang anyo. Kaya hanggang ngayon ay pinagtatawanan nila ako at minamaliit.

"Bilisan mo nga ang paglalakad, Zeph! Bakit ba ang kupad
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status