Share

Chapter 15

Zeph Pov

Hindi lamang ako ang nagulat kundi maging ang lahat ng mga bisita ni Hillary na naroon sa kanyang party. Nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha ni Alpha Hunter ngunit saglit lamang dahil naging blangko na ulit ang expression ng kanyang mukha.

Natuwa ang mga bisita ni Hillary nang makita ang bagay na iyon na lumabas sa kanyang noo. Hindi ko alam kung bakit sila natuwa lalong-lalo na si Hillary na hindi maitago ang sobrang galak sa kanyang mukha. Hindi ko tuloy mapigilang itanong sa aking isip kung ano ang mayroon sa drawing na iyon na biglang lumitaw sa noo ni Hillary?

"Si Hillary ang tinutukoy sa propesiya na babaeng nakatakda na magiging Luna ng ating alpha!" masayang bulalas ni Duffy na napalapit kay Hillary at niyakap ng mahigpit.

Babaeng tinutukoy sa propesiya na magiging Luna ni Alpha Hunter? Ano ang ibig sabihin ni Duffy? hindi napigilang tanong ko sa aking isip. Hindi ko alam na may propesiya palang ganoon para sa magiging asawa ni Alpha Hunter. I thought he will be the
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status