Share

CHAPTER 9

ALAS-SYETE na'ko nakarating sa bahay ni lolo at nakita ko na ando'n na lahat ng kamag anak namin.

“Ano kayang meron at pinatawag lahat ni lolo ang lahat” takang tanong ko sa isip ko.

Habang papunta na'ko at aakyat na sana sa hagdanan ay nakasalubong ko si Arrianna na nakangiti sa akin.

“Oh, Mrs. Santiago. Where's Alfred? Nakita mo ba?” bungad ko kay Arrianna na s'yang nakatayo ngayon malapit sa may pinto.

“Ah, si Alfred? Hindi ko nga rin alam eh hinahanap ko nga s'ya pero hindi ko makita, baka and'yan lang 'yun sa tabi-tabi” sagot naman sa'kin sa asawa ni Alfred.

“Gano'n ba. S'ya nga pala alam mo ba kung bakit pinapatawag ang lahat dito ni lolo?” tanong ko ulit kay Arrianna na ngayon ay kasabay ko ng maglakad papunta sa loob.

Medyo malaki na din ang t'yan n'ya kumpara no'ng pinakilala s'ya ni Alfred sa amin. At dahil nasa anim na buwan na ito sa kanyang pagbubuntis ay inaalalayan ko itong maglakad dahil baka madulas ito.

“Hindi ko nga rin masyado alam eh, sa pagkakarinig ko kay Al
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status