Share

Chapter 13. “I like You”

Chapter 13. “I like You”

Lee Yu-jun’s POV

            Gabi matapos akong ilagay ni Soo-hyun sa larawan. Tahimik ang buong paligid at amoy mo ang mga nasunog na kahoy ng mga bahay. Umuusok pa ang ilang lugar dahil sa naganap na pananakop ng mga kalaban. Makikita mo sa paligid ang mga nakatarik na pana at mga espada. Wala akong makitang tao. Wala ni isa. Naglakad pa ako para hanapin si Soo-hyun at si Suk-jeong. Kailangan kong pumunta sa mahal na hari at hanapin ang aking ina. Tuluyan na bang nasakop ang palasyo? Ang aking ama at mahal na reyna? Nasaan sila.

            Huminto ako sa paglalakad at nanlaki ang mga mata nang makita ko ang maraming bangkay sa harap ng tahanan ng aking amang hari. Nanginig ang aking mga kamay at nangatog ang tuhod sa nakita ko. Tiningnan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status