Share

Chapter 11

PAGBALIK ni Kit sa condo unit niya ay napasandal na lamang siya sa pintuan habang binabatukan ang sarili. Pinilit niyang alalahanin kung talaga bang may nangyari sa kanilang dalawa ni Aiden kagabi, pero parang wala siyang mapipiga sa utak niya. Sinubukan niya nang untugin ang sarili para lang may matandaan, but to no avail.

“Bakit pa ba kasi ako uminom eh!” Sumalampak na lamang siya sa sahig sa sobrang frustration.

Hindi naman siya naniniwala na may nangyari sa kanila ni Aiden. Pero ang pagiging malandi niya kapag lasing at ang pagiging natural na malandi ni Aiden ay talaga namang isang masamang kombinasyon, lalo na kapag nilagay mo ito sa isang kwarto sa isang malamig na gabi.

Parang maiiyak na napatitig si Kit sa kisame habang iniisip na maari talagang may nangyari sa kanilang dalawa.

Pero hindi eh. Imposible naman yun. Kasi wala naman akong nararamdaman na iba sa katawan ko… Tama, imposible talagang may naganap sa pagitan n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status