Skyler's Pov
Kinaumagahan pagkalabas ko ng aking silid ay nalaman kong umalis pala ang mahal n prinsipe pero bakit hindi ako nito sinama? Marahil ay mahalaga iyong pinuntahan niya at hindi na ako kailangang isama pa.
Wala naman akong naisip na gawin dahil ayaw naman ako patulungin ni prince Alex sa mga gawain rito sa palasyo dahil gusto niya siya lang ang pinagsisilbihan ko.
Pumasok na lamang ako sa silid ng prinsipe at tama nga ako magulo iyon pero mabuti na rin iyon para naman ay may magawa ako ngayong araw.
Sinimulan kong i-ayos ang higaan niya at inuna ko munang palitan ay ang bedsheets niya at pagkatapos nun ay pinalitan ko rin ang mga punda ng mga unan niya.
Pagkatanggal ko ng punda ng isang unan ay may nalaglag na maliit na litrato mula roon, pinulot ko iyon at nagulat naman ako ng makitang litrato naming dalawa iyon ni prince Alex noong mga bata pa kami.
Napaka cute ni prince Alex rito sa litrato na ito at di ko naman maiwasang mapangiti dahil doon. Itinabi ko na ang litrato sa lamesa niya at pinagpatuloy na ang pag-aayos ng higaan niya.
Nang mai-ayos ko na ang kaniyang higaan ay di ko napigilang humiga muna roon at ang lambot at ang sarap nito sa pakiramdam. Alas-diyes na nang umaga at inaantok pa rin ako kaya di ko na napigilan pa ang sarili ko at nakatulog na ako.
ALEXANDER'S POV
Alas-dose na nang tanghali natapos ang pagpupulong namin rito sa palasyo hindi ko na sinama pa si Sky kasi nakita ko kanina na tulog pa siya kaya hindi na ako nag-abala pa na gisingin siya.
“Berto gusto ko ngayon din ay gawin mo ang inuutos ko tungkol roon sa kaganapan sa bayan” sabi ni ama kay kuya Berto bago ito lumabas ng silid.
Binanggit ko rin kasi sa pagpupulong na ito kung ano ang mga natuklasan ko kahapon sa paglilibot namin ni Sky at masaya ako dahil agarang kumilos si Ama.
Lumabas na rin ako ng silid na iyon at dumiretso sa kwarto ni Sky upang tingnan kung naroon siya. Binuksan ko ang pinto ngunit wala siya roon, saan na naman kaya nagpunta ang taong iyon? May kasama kaya siyang ibang tao? Bigla naman nag-iba ang pakiramdam ko kaya dali dali akong bumaba upang tanungin si manang.
“Manang nasaan ho si Sky?” tanong ko rito
“Ha? Hindi ba kayo ang laging magkasama?” balik na tanong ni manang sa akin.
“Opo pero wala ho siya sa silid niya” nag-aalalang wika ko rito
“Marahil ay kasama ng anak kong si Ash sa hardin” wika nito, hindi ko alam pero naiinis talaga ako kapag nalalamang may iba siyang kasama.
Agad kong tinungo ang hardin namin at naroon ay nakita ko si Ash na nakatalikod habang nagdidilig ng mga halaman at bulaklak.
“Nasaan si Sky?” may diin kong tanong na ikinalingon niya.
“Mahal na prinsipe kayo ho pa-”
“Nasaan si Sky?” di natapos ang kaniyang sasabihin ng bigla akong magsalita
“Hindi ko pa siya nakikita mula kanina mahal na prinsipe” magalang na sagot nito sa akin, kinwelyuhan ko agad ito dahil hindi ako naniniwala sa kaniya
“Sigurado ka ba diyan?” may diin kong tanong rito
“O-opo mahal na prinsipe, sinubukan niyo na bang tingnan sa inyong silid?” napabitaw ako sa kaniya ng sinabi niya iyon.
Bakit hindi ko ba naisip iyon? Naglakad agad ako patungo sa silid ko at napahinga naman ako ng maluwag ng makita ko si Sky na mahimbingna natutulog sa kama ko.
Napansin kong inayos niya ang aking kama at marahil siguro sa pagod ay nakatulog na siya rito. Mabilis magbago ang aking emosyon pagdating kay Sky kaya hindi ko na naisip na narito siya sa silid ko at nadamay ko pa tuloy si Ash na wala namang ginagawa.
Lumapit ako kay Sky at umupo sa tabi nito, napatitig ako sa napaka-among mukha nito at nang mapukol ang tingin ko sa mga labi nito ay para bang gusto ko siyang halikan ulit.
Ang saya ko nung araw na nahalikan ko siya hindi ko alam pero napakahalaga ni Sky sa akin pero naguguluhan pa rin ako dahil ang pagkakaalam ko ay straight ako at sa babae dapat ako magkakagusto.
Dahan dahan kong hinaplos ang mukha nito na napakalambot, tila ba naaadik ang mga kamay ko sa paghawak sa mukha niya.
Patawad Sky kung mahigpit ako sayo ngunit hindi lang talaga kaya ng puso't isip ko na makitang may kasamang ibang lalaki bukod sa akin, marahil ay magulo pa sa akin ang lahat ngayon pero ang alam ko lang ay ayaw kitang mawala sa tabi ko.
Muli akong napatingin sa mapupula nitong mga labi at hindi ko alam pero dahan dahang lumapit ang mukha ko papunta sa mukha niya, tama ba ito? hindi mapigil labi ko na sakupin muli ang mga labi niya.
Ilang saglit pa ay hinalikan ko na ng tuluyan ang natutulog na si Sky, bigla naman tumibok ng mabilis ang aking puso at ang sarap ng mga halik niya.
“Hmmmm” galing iyon kay Sky at tila ba magigising na siya kaya inalis ko na ang mga labi ko sa labi niya.
Nakita ko naman na nagising na siya at gulat na gulat ng makita ako sa harapan niya kaya dali dali itong umayos ng pagkakaupo.
“Ikaw pala Alex patawarin mo ako dahil hindi ko namalayang nakatulog na pala ako rito sa higaan mo” paghingi ng tawad nito.
“It's okay Sky, patawarin mo rin ako dahil nagambala ko ata ang pagtulog mo” ani ko
“Ah hindi naman , saan pala kayo nagpunta?” tanong niya sa akin
“Nagpulong lang kami at sinabi ko na rin kay ama ang tungkol doon sa bayan kaya inutusan niya na sa kuya Berto para umayos nun” paliwanag ko
“Wow magandang balita yan Alex” nakangiting sambit nito
Humiga ako sa kama ko dahil inaantok pa ako at mukhang napansin naman iyon ni Sky
“Matutulog ka ba ulit Alex? Iiwan ko muna ikaw saglit kung gusto mo” sabi nito sa akin
“No Sky at pwede ba na tabihan mo ako rito” sabi ko sabay turo sa tabi ko
“Ha? Hindi na po kayo na lang” pagtanggi nito
“Please Sky kahit ngayon lang” sabi ko habang naka pout.
“Ah-eh”
“Please Sky” pagmamakaawa ko rito
“Sige na nga Alex pero ngayon lang ha” sabi niya
“Oo, salamat!” masayang sagot ko.
Humiga naman siya sa tabi ko at di ko na napigilan at napayakap ako rito, hindi na naman niya ako pinigilan pa kaya labis labis akong natutuwa.
Ang sarap sa pakiramdam kapag kayakap ko siya at ramdam ko na ang saya saya ng puso ko ngayon, ilang saglit pa ay nakatulog na ako pero nakatulog ako na may ngiti sa aking mga labi. :)
Skyler's Pov*TOK TOK TOK"Hmmmm" ito lang ang naging tugon ko ng may kumatok sa pinto.Di ko pa minumulat ang mga mata ko dahil ang sarap pa ng pagkakahiga ko rito sa matigas na unan.Nilibot ko ang kamay ko at kinapa ang unan na hinihigaan ko dahil hindi ganito ang unan ko sa silid ko, bumaba ang kamay ko at may nahawakan akong isang bagay na medyo matigas na curious naman ako kaya pinisil pisil ko ito."Ughh" rinig kong ungol at kinabahan naman ako kaya agad kong minulat ang aking mga mata at ganun na lamang ang pagkabigla ko ng makita nakahiga pala ako sa dibdib ni prince Alex at ang hinahawakan ko ay walang iba kundi yung ALAGA niya!"Waaaahhh!!" sigaw ko at naitulak ko naman siya na naging sanhi ng pagkabagsak niya"A-aray!!" Rinig kong daing niya"Bakit ka ba nanunulak?" tanong nito habang kinukusot ang mata
Skyler's Pov Habang tumatagal ang inuman nila ay mas lalong kumukulit sina prince Khalix at prince Zamuel halos buong buhay na ata nila ang naikwento nila sa amin. Si prince Claude naman ay ganon pa rin panay ang titig sa akin pero kapag tumitingin sa kaniya si prince Alex ay inaalis rin nito ang tingin niya sa akin, ano bang meron sa mukha ko? Marumi ba o may something nakakabaliw isipin kung bakit panay tingin niya sa akin. Oo gwapo siya para sa akin pero di niya ako madadaan sa mga titih niya no at isa pa mas gwapo pa rin sa mga paningin ko si prince Alex. “Bro malapit ka na maging ganap na prinsipe may nahanap ka na bang gagawin mong prinsesa?” tanong ni prince Claude kay prince Alex “Oo nga Alexander at isa pa di ka pa namin nakikitang nag girlfriend kasi sabi mo naka reserve yang puso mo sa iisang tao” dugtong pa ni prince Khalix, di ko alam kung ano ba ang dapat
Skyler's PovAng saya ko kasi heto at kahalikan ko ang lalaking sinisigaw ng puso ko, pinapatibok niya ng mabilis dahil sa tuwa ang puso ko.Habang magkalapat ang aming mga labi ay unti-unti kong nararamdaman na parang bumibigay siya at tila ba nakasandal na lamang siya sa akin, tiningnan ko ito at nakapikit na pala siya tinulugan niya ako!Marahil siguro sa kalasingan kaya nakatulog siyang agad, hinawakan ko ang katawan niya para hindi ito tulyang bumagsak at tsaka ko siya inihiga sa kaniyang kama.Ngayon naman ay iniisip ko kung papalitan ko ba siya ng damit dahil mukhang hindi siya makakatulog ng maayos rito sa suot niya.Sa huli ay nanaig pa rin sa sarili ko na palitan siya ng mga damit, kabadong hinawakan ko ang kaniyang suot na damit at unti-unti itong inalis, natunganga ako sa katawan ng prinsipe matapos ko siyang alisan ng damit at napalunok naman ako ng laway ng ma
Skyler's Pov“Ang sarap naman nitong Sopas mo” puri sa akin ni prince Alex matapos naming kumain.“Bolero!” wika ko“Masarap nga pero mas masarap ako” biro nitong sambit sa akin“Sino naman nagsabing masarap ka?” tanong ko“Wala pa pero natikman mo na rin naman yung halik ko diba? Masarap ba?” nakangisi nitong saad sa akin.Nakaramdam naman ako ng pag-akyat ng pamumula ko sa mukha ko.“K-kapal mo hi-hindi kaya masarap” sagot ko habang umiiwas ng tingin sa kaniya“Weh talaga?” sabi niya at pinatongang mga kamay sa lamesa at tumayo upang ilapit ang mukha niya sa akin.“O-o hindi talaga” sabi ko habang hindi pa rin nakatingin sa kaniya“Ah ganon ha pwes papatikim ko ulit sayo yun
Skyler's PovNagwowork-out pa rin ngayon si Alex at ako naman eto naka-upo pa rin at pinapanood siya. Hindi naman ako nababagot panoorin siya siyempre may gusto ako sa kaniya diba? Aarte pa ba ako?May mga oras na kapag nagbubuhat itong si prince Alex ay tumitingin siya sa akin at binibigyan ako ng makahulugang ngiti na para bang inaasar ako, maganda talaga ang katawan ni prince Alex at hindi ko iyon maitatanggi at iniisip ko kung magkakaroon ba ako ng pagkakataong hawakan iyon.Tinigil ko na ang pag-iisip o pagnanasa sa kaniya haha, lumingon naman ako sa kabuoan ng gym na ito at masasabi ko na simple ito pero maganda na.Napansin kong konti lang ang nagwowork-out ngayong araw at mas mabuti na rin iyon para di ako masiyadong mailang, napatingin ako sa isang lalaki na nagbubuhat ng Dumbbell napansin kong nakatingin ito sa akin at bigla ako nitong nginitian kaya napayuko ako agad.
Skyler's PovNang magising ako sa aking mahabang pagkakatulog ay madilim na sa labas kaya agad kong tiningnan sa cellphone ko ang oras at nakita kong alas-onse na ng gabi, Oo may cellphone ako at si Alex ang nagbigay nito sa akin pero madalang ko lang ito gamitin kasi wala naman akong dapat tawagan kaya madalas ay iniiwan ko lang ito sa aking kwarto.Pumunta muna ako sa banyo upang maghilamos at magmumog dahil may mga natuyo akong luha na naging muta na.Nang makalabas ako sa banyo ay nauhaw ako bigla kaya napagpasyahan kong bumaba upang uminom ng tubig, dumiretso ako sa kusina at kumuha ng baso at tinungo ko ang ref upang makakuha ng tubig.Nang matapos kong uminom ay pabalik na sana ako sa kwarto ko ng makarinig ako ng ingay dito banda sa daan papuntang mini bar ni prince Alex.Sa pagkakaalam ko ay walang ibang gumagamit ng mini bar maliban sa kaniya kaya naisipan kong silipin
Skyler's PovUmaga na ngayon at bitbit ko ang isang tray na naglalaman ng isang soup ng sopas, isang baso ng tubig at gamot na pwedeng inumin ni prince Alex kapag nahilo siya dala ng hang over niya.Pumasok na ako sa silid niya at nakita kong si prince Alex ay gising na habang nakaupo doon sa upuan sa harap ng lamesa.Napansin niya ako kaya napatayo ito agad pero hindi naman siya lumapit sa akin, pinatong ko na ang tray doon sa lamesa niya.“Inumin niyo po yung gamot kapag nahilo kayo prince Alex” nakayukong sambit ko sa kaniya.Naramdaman ko naman na lumapit siya sa akin at itinaas niya ang mukha ko paharap sa mukha niya.“S-sorry” iyan lang ang salitang lumabas mula sa bibig niya.Nanlambot naman ang puso ko dahil doon, masaya ako kasi kahit prinsipe siya ay marunong siyang humingi ng tawad kapag alam niyang siya
Skyler's Pov“Alex pwede mag tanong?” sabi ko sa kaniya“You're already asking” walang ganang sagot nito.Narito kami sa balcony ng silid niya at heto kami masayang pinapanood ang pag lubog ng araw, dito agad kami dumiretso ni prince Alex matapos namin pumunta sa mall.“Diba nung nag-inom kayo nila prince Khalix at prince Zamuel, bakit hindi niyo kasama si prince Claude” bigla niya naman ako binigyan ng seryosong tingin dahil sa sinabi ko.“Bakit mo tinatanong yan? May gusto ko ba sa lalaking yon?” sambit nito sa akin na ikinabigla ko.“W-wala no, curious lang ako kasi lagi naman kayong magkakasamang tatlo kapag nag-iinuman kayo” paliwanag ko sa kaniyaMukhang naniwala naman siya doon sa sinabi ko kaya binaling niya muli ang kaniyang mga tingin sa sunset.&ld