Share

Chapter 19 - Envy friend goes to hell

Inilapag ni Ice sa mesa ang nilutong cookies ng kanyang ina. Ipinaliwanag n'ya na ang lahat sa mga ito kung bakit hindi s'ya nagpakita sa mismong araw ng kan'yang kasal. Syempre, hindi n'ya sinabi na ikinasal na s'ya kay Demetri.

" Saan ka ba talaga nagpunta, Snow? " Tanong ni Amara sa kan'ya.

" Sa isang kaibigan ko lang " muling pagsisinungaling n'ya.

" Sinong kaibigan? Bukod kay Feurene wala na akong maalalang iba " singit naman ng kan'yang kapatid.

Mapait s'yang napangiti noong marinig niya ang pangalan ni Feurene. Akala n'ya talaga ay kaibigan n'ya ito pero hindi pala s'ya nito itinuring na totoong kaibigan. Magaan pa naman ang loob n'ya sa babaeng 'yon. O sadyang, magaling lang talaga itong magpanggap.

" Anong gagawin mo ngayon? Kailangan mong magpa-interview para linisin ang pangalan mo " suhesyon naman ni Ice.

" Hindi muna sa ngayon. Hindi ko pa kayang makita ang dalawa. Ayaw ko munang magtagpo ang landas namin ni Marcus " tanggi n'ya naman.

" Ate, tingnan mo 'to " saad ni Ice
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status