Nakangiti lang akong nakatingin kay Mommy, Ranie, at Reev habang silang tatlo ay kinukuhaan ng litrato ang isa't isa.
Wala na akong hihilingin pa dahil ang pangarap kong magandang buhay noon para sa pamilya ko ay narito na.
Patuloy lang ako sa panonood sa kanila nang bigla na lamang akong may napansing lalaki na kanina pa nakatingin sa akin at pati na rin sa gawi nila mommy.
Agad na napakunot ang aking noo. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lamang kumabog ng mabilis ang dibdib ko.
Flashback
Mabagal kong idinilat ang aking nanlalabong mga mata habang nakahiga ako sa isang matigas na papag. Madilim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan nga ba ako sa mga oras na ito.
Akma na sana akong uupo ngunit naramdaman ko ang pag-sakit ng aking tiyan. Kagat labi akong mabagal na umupo mula sa pagkakahiga.
Napahawak pa ako sa aking ulo dahil bigla na lamang itong nanakit. At nang pakiramdam ko ay okay na ako, mabagal ko nang inilibot a
Nanatili lang akong nakasunod kay mommy at sa mga kapatid ko. Hindi ko magawang mag-enjoy kasama nila dahil aaminin ko, hanggang ngayon ay may kaba pa ring nararamdaman ang dibdib ko. Ayaw kong maramay sila sa magulong mundo ng mga mafia. Walang alam ang pamilya ko, wala silang kaalam-alam. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi nang biglang pumasok sa isip ko ang tungkol sa hideout nila Michael kung saan nakita ko kung ano ang ginagawa nila sa taong nahuhuli nila. Flashback "Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa lalaking katabi ko habang siya ay nagmamaneho. "Do you want to see how to interrogate an opponent?" biglang tanong nito pabalik sa akin. Napakunot naman ang aking noo. "You mean..." napatingin pa ako sa kanya. "You want to see how to make them spill the truth
Naglalakad ako ngayon papunta sa office ni Michael. Hindi ko alam kung ano ang nangyari basta may nakarating na lang sa akin na notice kung saan may malaking pera raw ang nawawala sa kompanya. At bilang isang pekeng asawa ni Michael, at acting chairwoman of the board, kailangan nila ang presensya ko. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ako gagalaw mamaya dahil hindi naman malalim ang mga impormasyong nalalaman ko tungkol sa business, sana lang ay hindi nila ako masyadong pag initan dahil 'di naman ako magaling sa bagay na ito. Hindi ko naman kasi alam kung bakit ngayon pa ito nangyari kung kailan wala si Michael. Siya dapat ang nandito at hindi ko. Patuloy lang ako sa paglalakad nang bigla na lamang nagawi ang aking paningin sa elevator papunta sa opisina ni Michael. Napatingala ako upang tignan kung nasaan ang opisina nang lalaking 'yon. Napahinga ako ng malalim. Bigla tuloy pumasok sa isip ko kung ano ang nangyari noong araw na 'yon. F
Nandito ako ngayon sa kusina. Inaasikaso ko ang mga pinamili ko noong nakaraan sa mall kasama si Redenn. Napahinga ako ng malalim. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang d*bdib ko kahit pa nagpaliwanag na sa akin si Michael. Napatingin ako sa container na nasa aking harapan ngayon. Kitang kita ko sa container ang itsura ko. Buwan pa lang ang binilang pero ang dami ng nagbago sa itsura ko. Hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba akong awra na nakikita sa sarili ko ngayon. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi nang isa na namang alaala ang pumasok sa isip ko. Flashback "Renice," agad akong napatigil sa paggalaw nang makita ko kung sino ang lalaking ngayon ay nasa aking harapan. Ilang beses ko pang ipinikit at idinilat ang aking mga mata upang masigurado kung tama nga ba ang nakikita ko sa mga oras na ito. Ngunit hindi nga ako nagkakamali, si Michael nga! "M-michael?" kinakabahang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit g
Hindi ko na alam kung ilang araw na ba ang nakaraan. Hindi ko na rin alam kung anong araw ba ako huling beses na lumabas. Basta alam ko lang, wala akong lakas na gumalaw. Wala akong lakas para lumabas. Nang huling beses na lumabas pa ako ay sa Seth Corporation pa ako nagpunta. Napahinga ako ng malalim. Na-mi-miss ko si Michael, naiinis ako dahil palagi na lang akong mag isa rito. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi bago ako mabagal na tumayo sa kama. Napatingin ako sa paligid ko bago sa phone kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Kaagad na napakunot ang aking noo nang maalala ko ang araw na ibigay sa akin 'yon ni Michael. Flashback Nanatili akong nakaupo sa upuan habang patuloy kong iniisip kung bakit nga ba pinili kong pumayag sa deal na 'to. Napabuntong hininga ako. "Para sa pamilya mo, Renice. Hindi ba?" pagkausap ko sa aking sarili. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at saka ko kinuha ang cellphone kong lowb
Nandito ako ngayon sa tapat ng kitchen stove. Pina-plano kong magluto ng makakain ko para ngayong araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lumalabas dito. Ayaw ko kasi na ma-missed ang pagkakataon kung sakaling mang umuwi si Michael dito at maabutan niyang wala ako rito. Napahinga ako ng malalim. Totoo, iniisip ko talaga at umaasa talaga ako na uuwi rito si Michael kahit walang kasiguraduhan kung kailan. Umaasa ako na bigla na lamang siyang magpapakita sa akin sa gitna ng araw. Patuloy lang ako sa aking ginagawa nang bigla ko na lamang naalala ang nangyari nitong kailan lang. Flashback Nakatingin ako sa labas ng sasakyan ni Redenn habang pilit na iwinawaksi sa isip ko ang mga napag usapan namin kanina lang. Hindi ko pa rin kasi lubos maisip kung bakit nagawang ipagbili ng Ylona na 'yon ang mga impormasyon na ipinagkatiwala sa kanya ng lalaking karelasyon niya no'ng panahon na 'yon. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi nang mara
Kagat kagat ko ang pang ibaba kong labi habang hawak ang isang baril na hindi ko alam kung ano ang tawag. Kung nandito lang si Michael, sasabihin niya sa akin kaagad kung anong baril ba itong gamit ko ngayon. Napahinga ako ng malalim. Kanina pa ako rito, pilit kong inaalala kung paano ba ang tamang paghawak at distansya para maayos kong mabaril ang standing target. Malakas akong huminga bago ko itinutok ang baril at pinindot ang trigger. "Kainis!" bulyaw ko nang muli na namang hindi tinamaan ang target. Kahit daplis ay wala man lang. Marahas akong umupo sa cemented floor nitong training room. Nandito ako ngayon sa bahay nila Michael, kung nasaan nakalibing ang mga magulang niya. Hindi ko naman na kailangan pa ng abiso ng kahit na sino dahil alam ko naman na kung saan nakatago ang mga spare key ng bahay na 'to. Malalim akong huminga bago ko ginulo ang magulo ko ng buhok. Nandito ako ngayon para ituloy ang pag-ti-training, pero paano ko
Nandito ako ngayon sa kusina ng bahay ng mga magulang ni Michael. Kasalukuyan akong nagluluto ngayon nang pagkain na maaari kong makain. Patuloy lamang ako sa aking ginagawa nang bigla kong naalala ang araw na nagpunta kami noon sa palengke. Flashback"Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan bago ako napahinga ng malalim. "Mura lang kasi ang bilihin dito sa paleng
"Kumain ka na," sabi ko kay Michael bago ko ibinaba ang hawak kong plato na may lamang pagkain sa kanyang harapan. Hindi naman siya umimik. Nanatili lang ang kanyang tingin sa akin habang nakaupo sa mesa rito sa kusina. "Kakain ka ba o hindi?" tanong ko pa. Hanggang ngayon kasi ay naiinis pa rin ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay nagpapakita lang siya sa akin tuwing gusto niya at wala ang babaeng 'yon. "Hindi? Edi 'wag," inis na sabi ko bago ako naupo sa upuan at iniayos ang plato na gagamitin ko. Wala pa talaga sana akong balak na kumain pa, pero hindi ko na nagawa pa dahil gusto ko kasing umiwas na sa lalaking 'to. Matapos kasi nang naging pag uusap namin kanina ay nakaramdam na ako ng kakaibang hiya sa paligid naming dalawa. Napahinga ako ng malalim nang maalala ko ang naging pag-uusap namin kani-kanina lang. Flashback Kagat kagat ko ang pang ibaba kong labi habang hawak ang isang baril na hindi ko ala