Share

Chapter 157

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-re-register sa utak ko ang mga narinig ko mula sa bibig mismo ni Michael. Hindi ko akalain na maririnig ko mismo 'yon mula sa kanyang labi.

Sa pagkakasabi kasi sa akin ni Redenn noon ay mahal na mahal ni Michael si Ylona, kaya hindi ko inaakala na kaya niya palang saktan ang babaeng kauna-unahan niyang minahal.

Napahinga ako ng malalim. Nandito ako ngayon sa veranda. Dito ako dumiretso matapos namin kumain ni Michael kanina upang mag-isip isip. Si Michael naman ay nanatili sa kusina, gusto niya kasi na siya ang maghuhugas ng plato kahit na pinilit ko na ako na ang maghugas ng mga platong pinagkainan namin kanina.

Gusto ko sana na ako na lang ang maghugas dahil siya naman na ang nagluto, pero ayaw raw niya dahil gusto raw niyang bumawi sa akin.

Kanina pa ako nakatambay rito. Hindi rin naman kasi ako makaalis kahit gusto ko dahil pinahihintay sa akin ni Michael ang mag-de-deliver nang mga gamit para rito sa bahay. Mga gamit na in-order niya pala no
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status