Share

Chapter 46

Nakaupo ako rito sa loob ng walk-in closet. Kanina pa ako nag-iisa rito dahil hindi ko alam kung saan ba pumunta si Michael.

Malalim akong bumuntong hininga. Madilim ang paligid at wala man lang akong naaninag na kahit anong liwanag.

Nakasuksok ako sa pinaka-gilid nitong closet. Hindi ko alam kung saan dumaan papalabas si Michael, basta alam ko pumunta siya sa likod ng salamin dito at matapos no'n, 'di ko na alam kung saan siya pumunta.

Napahinga ako ng malalim. Mas lalong dumami ang mga tanong na nasa isip ko. Mas lalong lumaki ang hinala ko sa ginagawa ni Michael.

Hindi ko alam kung ligtas pa ba ako sa bahay na ito. Hindi ko alam kung ligtas pa akong manatili rito.

Paano kung madamay ako rito? Paano kung madamay ang pamilya ko sa gulo na meron ang lalaking 'yon?

Gusto kong malinawan sa mga bagay, at siguro naman deserve kong malaman ang totoo. Dahil baka ikapahamak ko kung wala akong alam sa totoong nangyayari sa paligid ko.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi nang magawi ang tingin
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status