Share

Chapter 5: Ang Puntod ni Ellaine

Samantala si Dave naman ay kakababa lamang sa kanyang kotse dala ang isang bouquet ng bulaklak at marahan syang naglakad patungo sa puntod ng isang tao at saka dahan dahang inilatag ang bulakkak

"Kamusta ka na Love sana masaya ka na kung nasaan ka man ngayon"

Naupo sya sa damuhan at saka nagsinding kandila

"Namimiss na kita Ellaine, Sana nandito ka at naririnig mo lahat ng mga sinasabi ko para sayo.. Pero alam mo Ellaine simula nung nawala ka parang may tinik na bumaon sa puso ko dahil sobrang sakit para sakin na tanggapin yung katotohanan na wala ka na nga talaga.. Madalas hinahanap kita kasi namimiss ko na yung mga panahon na mag kasama lagi tayong dalawa pati na rin yung mga panahon na halos sabay tayong nangangarap para sa future nating dalawa, Nakakapang hinayang lamang dahil kung kailan malapit na tayong ikasal ay saka dun ka pa nawala"

Habang binabaggit yun ni Dave ay hindi nya na napigilan pang umiyak doo'y bumagsak ang luhang kanina nya pa pinipigilan

"Patawarin mo ako kung wala akong nagawa alam kong masakit para sayo ang mamatay ng wala man lang katarungan pero wag kang mag alala at ipinapangako ko sayo na gagawin ko ang lahat para mabigyan ka lamang ng hustisya"

Habang nakaupo lamang sya dun ay laking gulat nya ng may biglang nag salita sa kanyang likuran kaya kaagad syang napatingin mula rito

"Andito ka pala"

Ani ni Tita Susan kay Dave kaya naman aakma na sana itong tatayo ngunit kaagad syang pinigilan nito

"Wag ka nang tumayo Dave aalis na rin naman kami nag dala lamang kami ng bulaklak para sa kanya dahil ayoko naman na sumama ang loob nya sa amin dahil hindi na namin sya madalas puntahan rito sa sementeryo"

"Ganon po ba"

Kaagad naman kinuha ni Dave ang Bulaklak na dala dala nito at pati na ang pagkain, Napapunas pa sya ng kanyang mga mata na halatang kagagaling lamang sa pag iyak

"Oh sya mauna na kami--"

Hindi pa man nakakapagtapos ng pananalita si Tita Susan ay biglang sumabat na ang aking pinsan na si Josephine at dali daling nag salita

"Mauna na po kayo Mom, I want to stay there muna para samahan si Dave"

Sambit ni Josephine sa malanding boses

"Pero wag na hayaan mo munang mapag isa si Dave"

Kahit ayaw man ni Tita Susan ay wala pa rin naman syang nagawa lalo na nang naupo na rin si Josephine katabi ni Dave

"Sige na po tita ako na lang po ang maghahatid sakanya sa Bahay nyo"

"Are you sure Dave baka maka istorbo lang yan sayo kilala mo naman yan"

"Okay lang po Tita"

"Mom naman hindi ko naman sya guguluhin noh sa totoo nga dadamayan ko pa sya at saka gusto ko rin naman talagang bisitahin si Ellaine kaya wag na po kayong mag alala pa"

"Oh sya Dave ikaw na ang bahala sa kanya ha kailangan ko ng umalis alam mo naman na may Negosyo pa akong aayusin"

"Sige po Tita ingat po sa pag uwi"

Pahabol pang sambit ni Dave kay Tita Susan bago ito tuluyang umalis

Naupo naman si Josephine sa tabi ni Dave at saka nag simulang mag sindi ng kandila

"Kanina ka pa ba dito?"

Tanong ni Josephine kay Dave at saka ngumiti

"Medyo.. dinalaw ko lang kasi sya kasi hindi na ako nakaka punta pa rito lalo na at naging busy na rin ako sa negosyo ko"

"Ako nga rin eh kaya naisipan naming puntahan sya rito at dalhan man lang kahit na Bulaklak at pagkain man lang para kahit papaano eh hindi sya mag tanim ng sama ng loob samin"

"Bakit mo naman nasabing magtatanim sya ng sama ng loob eh hindi naman sya ganong klaseng tao"

"Siguro oo, Pero hindi natin alam di ba"

Napakunot ng noo naman sa kanya si Dave at halatang hindi kumbinsido sa mga sinasabi ni

Josephine sa kanya

"Andito ka ba talaga para bisitahin sya o para pag salitaan sya ng masama?"

"Hindi naman sa ganon Dave pero sinasabi ko lang naman yung totoo noh"

napabalikwas naman ng tayo si Dave at saka muli syang hinarap

"Josephine naman respetuhin mo naman ang pinsan mo kahit ngayon lang"

Biglang natauhan si Josephine at marahang hinawakan ang kamay ni Dave

"Okay i want to say sorry hindi ko lang kasi napigilang mainis sa kanya"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hays.. naiinis ako sakanya dahil ni hindi man lang sya nakapag out sa comfort zone nya bago sya namatay.. masyado syang naging matino at mabait kaya ayan maaga tuloy syang nawala sayang nga lang kasi hindi kami nakapagbonding muna bago sya tuluyang nawala"

"Hindi kasi sya katulad mo at sobrang magkaiba kayong dalawa kaya alam ko na kung nasan man sya ngayon ay masaya na sya at nasa tahimik na"

"So anong ibig mong sabihin masama akong klase ng babae ha ganon ba"

"Hays.. hindi mo na naman naintindihan "

"Eh parang sinasabi mo kasing pariwara ako"

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin "

"Yun kaya ang ibig mong sabihin"

"Hay naku ayan ka na naman"

Para matigil na ang pag babangayan nila ay inakbayan na lamang ito ni Dave na lagi lagi nyang ginagawa kapag nagkakatampuhan silang dalawa

"Ano ba naman yan mag aaway pa ba talaga tayo sa harap ng puntod ni Ellaine ipapakita pa ba natin sa kanya ang pag babangayan nating dalawa? Sige ka baka multuhin tayo nyan ng pinsan mo"

"Eh ikaw kasi eh"

"Wag ka ng magalit alam mo naman na simula nung mawala sya eh ikaw na lagi ang nagiging sandalan ko kapag nalulungkot ako at naaalala sya"

"Yun na nga eh hays parang panakip butas mo lang nga ako noh"

"Grabe naman sa panakip butas hindi ba pwedeng karamay lang"

"Ewan ko sayo"

"Oh sya tara na umuwi na tayo at ihahatid na kita sainyo"

"Eh sa ayoko pa ngang umuwi Kape muna tayo"

"Wag na may Business meeting pa kasi ako sumaglit lang ako rito kay Ellaine kaya halika na"

Hindi na nga nakapag salita pa si Josephine at saka sumabay na lamang sa paglalakad ni Dave palabas ng Sementeryo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status