"Huwag mo nga ako na pagbintangan diyan. Wala akong ginagawa na masama sa dating asawa mo! At bakit sa akin ka nagagalit? Hindi gano'n kabait ang asawa mo para walang iba na magtangka sa kan'ya." "Fucking liar! At paano mo nalaman na may nagtangka sa kan'ya? Akala ko ba ay wala kang alam sa mga sinasabi ko?" "Hoy, Brent, matalino rin naman ako kaya alam ko ang ibig sabihin ng mga salita mo na iyan. Pinagbibintangan mo ako sa mga bagay na hindi ko ginawa. Para sabihin ko sa'yo, wala akong plano na mabahiran ng dugo ng asawa mo ang mga kamay ko." Pagtatanggi pa niya. Kahit kay Brent ay hindi siya aamin, lalo na at ramdam niya ang matindi na galit nito sa kan'ya at pag-aalala para sa dating asawa nito. "Kahit kailan ay sinungaling ka! Pareho natin alam na galit na galit ka sa kan’ya dahil iniwan na kita para balikan siya, at rason na iyon para pagtangkaan mo si Harper. Kaya siguradong-sigurado ako na ikaw ang may kagagawan nito sa kan’ya." Kung inaakala ni Elise na maloloko niya si B
"Check her vitals." Utos ng nurse sa kasama niya na nasa silid, saka siya bumaling sa akin at nagtanong. "Are you alright?" Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at nagkakagulo ang mga tao sa paligid ko nang magmulat ako ng aking mga mata. Lahat sila ay nagmamadali sa bawat kilos nila habang ako ay nananatili na nakatulala sa kanila at pilit na inaalala ang mga nangyari sa akin. Sinubukan ko na ilibot ang paningin ko sa aking paligid at doon ko napagtanto na kaya pala panay mga nagmamadali na nurse ang nabungaran ko at kung ano-ano ang tanong nila sa akin ay dahil nasa ospital pala ako. Pero bakit? Ano ang ginagawa ko rito? Naaksidente ba ako? Sinubukan ko na gumalaw pero hindi ko magawa dahil sa dami ng aparato na nakakabit sa akin. Sinubukan ko rin na igalaw kahit ang mga paa ko lamang pero hindi ko talaga magawa na maikilos ang halos buong katawan ko. Pagod na pagod ako na hindi ko maintindihan kung bakit gano'n nakahiga lamang naman ako rito. Ilan ulit pa ang naging paglapit
Walang magawa si Evan kung hindi ang lulugo-lugo na lumabas ng silid ni Harper sa suhestiyon na rin ng doktor upang makapagpahinga ang nobya niya. Masamang-masama ang loob niya pero wala siyang magawa kung hindi ang dumiretso na lamang sa presidential suite. He wanted to spend time with her, but as per the doctor, it would be better to give Harper enough time to remember things. Sinabihan niya rin si Ever na iwanan na muna siya at nais niya na mapag-isa. At habang nakaupo siya ay naikuyom na lamang niya ang kan’yang kamao. Galit na galit siya sa tao na gumawa nito sa nobya niya. Hindi kasalanan ni Harper kung hindi siya nito natatandaan, ang may kasalanan ay ang tarantado na naka-aksidente sa kasintahan niya, at sisiguraduhin niya na magbabayad ang tao na iyon sa kan'ya. Masayang-masaya pa naman siya kanina nang ibalita sa kan’ya ng nurse na nagising na si Harper. And he had hoped for the best for her. Umasa siya na maayos na ang lagay ng nobya niya matapos ang ilan araw na wala siy
Evan Ruiz. The name has haunted Harper since that day, when she saw his painful reaction when she denied knowing him. And after that day, she never saw him again. He never visited her or even initiated talking to her. At ngayon, hindi niya maikakaila na hinahanap-hanap niya ang lalaki na iyon kahit na isang beses lamang sila na nagkita. Ilan araw na rin ang nakalipas buhat ng araw na iyon. Nakalipat na nga rin siya sa isang regular na kuwarto, pero hanggang ngayon ay hindi na niya muli pa na nasilayan ang lalaki na nagpakilala na fiancé niya. Dalawang lalaki lamang ang nagsasalitan sa pagpunta sa kan’ya upang kamustahin siya maliban sa kan'yang mga magulang, at ang dalawa na iyon ay sina Ever at Tof. Si Ever, na nagsabi na kapatid siya ni Evan, at si Tofer na nagpakilala naman na matalik na kaibigan ng magkapatid na Ruiz. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, because she feels frustrated for no reason at all. Naiinis siya na hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi
"Aren’t you supposed to be leaving by now, Evan?" Taas-kilay na tanong ni Ever sa kan’yang kapatid. "Ilan beses ko nang sinabi sa'yo na ikaw ang pupunta roon ngayon, kuya, kaya baka nakakalimutan mo, uulitin ko sa'yo na ngayon ang nakatakda na paglabas ng girlfriend mo sa ospital." "If that is the case, then maybe you should go and see her. Marami pa ako na trabaho na dapat na asikasuhin dito sa opisina, kaya ikaw na muna ang bahala sa kan'ya." Alam ni Ever na mangyayari ito, kaya ngayon pa lamang ay naiinis na naman siya sa kapatid niya. "Bakit ako? Bakit ako na naman? Bakit hindi naman kaya ikaw, tutal ikaw naman ang fiancé niya. And besides, I still have a lot of work to do, considering that you passed on to me the responsibility of that deal that we snagged from the Torres. So between the two of us, it should really be you." "Inuutusan mo ba ako, Ever?" Tanong ni Evan sa kan’yang kapatid sa mataas na boses. He is dreading this day. Yes, he might have been excited to know that H
Gigil na gigil si Evan habang hawak ang kan'yang telepono at patuloy na napapakuyom ng kamao niya. Nakaalis na ang kapatid niya at iniwan na talaga siya para humanap ng solusyon sa problema niya kay Harper. Ang gago na si Ever ay hindi man lamang natinag sa kan'ya at sinunod pa rin ang nais nito. And of course, there is only one thing left for Evan to do: call Harper’s parents to come pick her up at the hospital. "We’re really sorry about this, Evan. Hindi talaga namin alam na ngayon ang labas ni Harper sa ospital. Your brother told us that you’re still waiting for the tests, and he mentioned that it’s okay for us to go on this business trip, tutal naman daw ay nariyan kayo para bantayan si Harper." "You haven't even visited her that much. Can't you do it for her this time? Abala lang talaga ako sa trabaho ngayon, baka kahit isa sa inyong dalawa ay makauwi para man lamang na mailabas siya sa ospital." "Pasensya na talaga, Evan, hindi kami makakabalik dahil na-confirm na namin ang me
Nang makita siya nito na dumilat na ay mabilis na umayos sa pagkakatayo ang lalaki at tipid na ngumiti sa kan’ya. Hindi alam ni Harper kung masaya ba si Evan na narito kasama niya o napipilitan lamang na puntahan siya ngayon. Hindi kasi kababakasan ng pagkasabik ang lalaki na kaharap niya ngayon. "I’m sorry kung nagising kita. Hinahanda na ang mga papel mo para makauwi ka na." seryoso na sabi pa nito. Nangunot ang noo niya sa mga sinabi nito. Para makauwi na siya? Saan ba siya uuwi? Sa bahay ba ng kan'yang mga magulang? Paulit-ulit na lamang ang mga tanong na iyon sa kan’ya, pero kahit paulit-ulit na, hanggang ngayon ay wala pa rin siya na sigurado na sagot para roon. "H-hi, Evan." Nahihiya na bati niya sa lalaki. Dumadagundong ang puso niya sa kaba at pagkasabik na makaharap niya muli si Evan Ruiz. Nanatili ang tipid na ngiti nito sa kan’ya. "The nurse will be coming in to assist you in changing your clothes. You’ll be discharged today, as they have probably already told you, but
"Ano na ang nangyari? May balita na ba tungkol sa kan’ya? I need to see her." "She got out of the hospital a couple of days ago. She is, as expected, staying with her fiancé. Wala akong makuha na impormasyon sa tunay na lagay niya sa ngayon. Masyado na mahigpit ang seguridad ng mga Ruiz sa kan’ya, at kahit na ano pa na impormasyon ay wala kami na makalap maliban na lamang sa nakita namin na paglabas niya sa ospital na kasama niya si Evan Ruiz. But she seems to be doing okay at that time when she was discharged." "Fuck it! Natural si Evan na naman ang nakabantay sa kan’ya! Hindi na ba talaga lulubayan ng lalaki na iyan si Harper? Nasaan ang mga magulang niya?" "Ang mga magulang niya ay pareho na nasa labas ng bansa para sa isang business trip." "Fuck! I want complete reports, at hindi ganyan lamang. Huwag mo na ibigay pa ang mga impormasyon na alam ko na at mga impormasyon na walang saysay. Kailangan ko ng mga bago na detalye, kaya huwag mo sayangin ang ibinabayad ko sa’yo sa paulit