Share

Chapter 31

“Berting tulungan mo ako, anong gagawin ko, anong gagawin ko? Kahapon pa ako lutang. Noong isang linggo ko pa siya sinisikap makontak. Ting.....tulungan mo ako" naguguluhang sabi ni Athena.

Parang biglang nagblanko ang isip niya. Parang hindi siya makapagisip ng matino. Hindi niya lubos maisip na kinalimutan na siya ni Miguel. Alam niya, sa puso niya na hindi iyon magagawa ni Miguel pero kapag naisip niya na natiis ni Miguel na hindi man lang magpasabi o gumawa ng paraan para makausap siya ay naghihihnanakit si Athena at natatalo ng sakit ng damdamin ang katinuan ng kanyang isip.

Paano na siya anong sasabihin niya sa mga magulang? mabubuking ng mga ito na hindi pa sila nagkakausap man lang ni Miguel mula ng umalis ito halos tatlong buwan na at higit sa lahat hindi alam ni Miguel na nagbunga ang huli nilang pagtatalik.

“Tumigil ka na ng kakaiyak. Natural tutulungan kita ano ka ba? Akin na yung numero ng gagong yun at tatawagan ko. Wag text lang dapat tawag at ng magtuos kami ng gagong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status