Share

Chapter 11

____

Batangas, City Jail.

"KAMUSTA ka na, Anak? Si Y-Yvonne?" tanong ng ama ni Leonardo nang dumalaw siya sa presinto. Wala ito sa plano niya ngayon, pero ilang buwan na rin siyang hindi nakakabisita mula sa huling dalaw nila kasama si Yvonne.

Tumikhim muna siya bago niya sagutin ang tanong nito. "She's fine, Pa. Hindi lang siya sumama ngayon sa akin dahil kailangan niyang magpahinga," totoong sagot niya rito.

"May nangyari ba kay Yvonne?"

"Wala naman ho. Medyo stress lang dahil sa pag-aasikaso sa kasal namin."

Ngumiti ito sa kaniya.

"Masaya ako para sa inyo, Leo. Sana lang huwag kang tutulad sa amin ng mommy mo."

Nalungkot si Leonardo nang marinig ang mga salitang iyon mula sa tatay niya. Ang hindi nito alam ay nakakagawa na siya ng ilang bagay na labag sa loob nito; sa maaaring makasira sa kanila ni Yvonne. Para sa kaniya wala siyang pinagkaiba rito n'ong nasa laya pa ito. Hindi niya makakalimutan ang mga ginawang pambabae ng ama niya sa mommy niya bago pa ito masang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status