Share

CHAPTER 55: Charmaine

"Dad!" Natigilan sila ng marinig ang tinig ng anak.

Bumangon si Marc at pinulot ang bathrobe na nasa sahig. Pinulot din nito ang bathrobe ni Kim tsaka isinuot. Tinungo ni Marc ang pinto at binuksan iyon.

"Dad I want to see Mom. When will she come home." Narinig ni Kim ang sinabi ng anak habang sinusuot niya ang bathrobe. Naalala niyang tulog na si Dj pag uwi niya kagabi kaya hindi nito alam na nandoon na siya sa bahay.

"Hi baby!" Nagulat at namilog ang mga mata ni Dj nang pabigla siyang sumulpot sa pinto.

"Mom!" Agad na yumakap sa kanya si Dj. "I miss you! I thought you would never come here."

"I miss you too baby!" Kinarga niya si Dj at niyakap. Niyakap din sila ni Marc. Napatingin siya kay Marc na nakangiti sa kanya. Nginitian din niya ito. Napakasarap sa pakiramdam niya na kasama na nila ni Dj si Marc. Nakasama na din nila noon si Marc pero iba ang pakiramdam niya ngayon dahil alam na niyang ito ang dahilan kung bakit meron siya ngayong Dj.

Umupo sila sa kama.

"Mommy I miss rocky.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status