Share

TSBM Chapter 5 - Napuno nasi Donna!

Donna Point of View

Kailangan mapuntahan ko na agad si Nanay dahil kung baka ano pang gawin ko kay Mrs. Esmerald Lee kung sakaling may gawin siyang masama sa Inay ko. Hindi ko siya mapapatawad. Katulad lang din siya ng tatay ko at ni Lea na masama. kahit hindi ko pa lubos na kilala ito alam kong sakanya nagmana ang ama ko. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kaya kahit anong hussle ang nangyayari sa akin ay tinakbo ko na ang St. Jhone Hospital na ito kasi ayaw akong isakay ng mga taxi kanina.

"N-Nanay!!!!" 

Kapos hininga akong umakyat sa hagdanan papanik sa thirteenth floor kung saan nakaconfined si nanay. Halos bumigay na ang bukbok kong lumang sapatos para marating lang ang kinaroroonan niya. Sira pa naman kasi ang Elevator. Tan-ina, Private Hospital sira ang mga Elevator!

"Apo," mainit na pagsalubong sa akin ng matandang babae sa tabi ni nanay. 

"Anak, nandito ka na pala." Hindi ko mabasa ang mga mata ni nanay, walang emosyon siyang nakatingin sa akin. Nakatayo ako ngayon sa harap nilang dalawa. Nakasara ang mga labi at nakakuyom ang kamao ko. 

"Nay." Umikot ang mata ko at napunta kay Lola. "Mamita?" Napahigpit ang hawak ko sa doorknob ng pinto sa labas.

Hinakbang ko ang mga paa ko palapit sa kanila. Hindi ko matantiya ang nararamdaman ko ngayon. Kung kanina ay takot na takot ako dahil kung baka mapano si Nanay sa kamay ni Mamita dahil siya pa rin ang ina ng aking ama, at ang Board Chairman at may ari ng Kumpanya ng mga Lee. Siya ang kinakatakutan ng lahat kasama ng aking Ama at lahat ng mga Miyembro ng aming Pamilya. 

"Bakit niyo po ginagawa ang lahat ng mga ito?" Diretsahan kong tanong sa kanya. Gusto kong malaman ang sagot kung bakit niya kami tinutulungan, o tulong nga ba ito?

Umikot siya sa akin at kinuha niya ang mga kamay ko at gumihit sa kanyang mga mata ang hindi ko mabasang intensyon niya sa likod ng pagpapakita niya ng kabutihang loob sa anak sa labas ng kanyang anak.

"Apo, isa kang Lee." malaman niyang sambit sa harap ng mukha ko. 'Lee na hindi ko dama.' Mahinahon niyang hinahaplos ang mga kamay ko at ngumiti.

Umiling ako at sumagot ng totoo. "Anak po ako sa labas at sinusuka ng anak niyo." Tinaas ko ang noo ko at pinakawalan ang kamay ko sa kanya. 

Tumabi ako kay nanay at hinawi ang buhok niya. "Nay, kumusta ang pakiramdam niyo?" Kahit nakay nanay ang atensyon ko hindi pa rin mawala-wala ang duda ko kay Lola kahit kadugo ko pa ito.

Humarap siya sa amin. "Nagdududa ka pa rin ba?" Narinig ko ang paglalakad niya papalapit sa akin. "Donna, apo, isa ka pa ring Lee. Kung ano ang meroon ang Pamilya ay sa iyo na rin. Kaya kita tinutulungan dahil apo kita at dumadaloy ang dugo ko sa mga ugat mo."

"Maraming salamat na lang po. Pero hindi namin kailangan ang tulong n'yo," pilit kong sabi dito saka siya nilingon. 

"Anak, 'wag ka bastos sa lola mo," pagsuway ni nanay. "Pasensya na po, Lady. Lee." Paghingi nito ng paumanhin sa inasal ko.

Iritable akong bumuga ng hangin sa dalawang butas ng ilong ko. "Umalis na lang po kayo." Tumayo ako. "Huwag po kayong mag-alala babayaran ko po lahat ng mga ginastos niyo ngayon kay Nanay."

"May Leukemia at malaking butas sa puso ang nanay mo hindi ba? Kinakailangan mo ng malaking halaga para maipagamot siya? Kaya tutulong ako." Confident na alok nito.

Pagkainis akong napangisi. "Po?" Tumaas ang kilay kong nilisikan siya. "Paano niyo nalaman?" Dumiin ang pagkakahawak ko sa pants ko habang kinokontrol ang emosyon ko. "Kaya ko na pong ipagamot si nanay."

"Huwag mo sanang minamasama. Nasabi kasi sa akin ni Adam, ang kapatid mo nung isang araw na pumunta ka sa bahay ni Jeff, ang dad mo, at ng hingi ng tulong pero tinaboy ka ni Lea. I'm sorry for that, ako na ang hihingi ng tawad sa kapatid mo sa pagtrato niya sa 'yo." Talagang kinarir niya pa talaga ang pagpapanggab na mabait sa amin ni nanay. 

"Umalis na lang po kayo." Itinapat ko ang mga mata ko sa gawi kong kanan habang umiigting ang panga ko.

CLAP. CLAP. CLAP.

Napaawang ang labi ko at pagkairitableng napakurap nang makita ko si Lea.

"Wow! Taas din ng apog mo, my dear sister. Ikaw na ang in-o-offer-an ng tulong ni Mamita, ikaw pa itong choosy hugh?" Pinasayaw pa nito ang ulo niya. Para siyang Zibra na humahaba ang leeg.

Bumilog ang dalawang butas na ilong ko. 

"A-Aray! Bitawan mo ako!" 

"Tan-ina mo!"

Walang awa ko siyang kinaladkad sa lounge sa ground floor ng Hospital. Nagsisitinginan ang lahat ng mga madaanan namin pero wala akong pakialam, mailagay ko lang sa tamang kalalagyan ang babaeng ito.

"Ikaw babae, sumusobra ka na. Hindi ko alam na hobby mo pala ang mang-stalk ng buhay nang may buhay!?" Panggigigil kong hinawi ang gitna ng buhok ko at binasa ang labi. 

Pinagdikit nito ang braso niya sa dibdib at malditang ngumiti. "I'm not stalking you, nandito lang ako dahil naimessage sa akin ni Lola na dito ang punta niya. So I never expected na tinutulungan niya pala ang cheap squammy na kagaya niyo!" Pagdidikdik niya. "Ewzz!" dugtong na pandidiri pa nito.

"S-Saan mo na naman ako dadalhin Donna?" tanong niya sa impit na boses.

"Eh saan pa ba, edi kung saan ka nababagay, Lea stick!" Gumuhit sa mga labi ko ang ngiting hindi mo maaaring matahin basta-basta, dahil ihahatid kita sa inodoro.

"Y-Yuck! Yuck! Bitawan mo ako, Donna!" Buong lakas niyang tinatanggal ang mga kamay kong iginugudgod ang kapal na pagmumukha nito sa inodoro ng banyo.

"Ulitin mo pa ang pangmamata mo sa akin o sa nanay ko, baka ilublob ko na 'yang pagmumuka mo sa inodorong may tae! Tutal muka ka namang tae!" pang-iinsunto ko. "Pasalamat ka nga walang tae, ihi lang. Kaya you should thankful pa sa 'kin." Nagkukumawala na sa akin ang demonyong tawa dahil sa wakas ay nagawa ko na rin ito sa kanya. 

Hindi pa ako tumigil sa panggugudgod sa kanya hanggang mainom na niya ng tuluyan ang ihi sa inodoro. Walang katapusan ang saya na nararamdaman ko: 'Cause she's a shit, so I'd rather make her taste the shit.'

"Hindi pa ako tapos," diin kong sabi dito. Buong pwersa kong pinapatayo siya. Wala akong pakialam kung mademanda pa ako, maipamukha lang sa kanya na hindi niya ako pwedeng kayakayanin pa. Pagkatapos lahat ng kasamaan niya na ginawa sa buhay ko, at pang-aagaw sa akin sa nobyo ko at nagpabuntis pa talaga siya!? Hindi ko na mapapalagpas ito.

"Tayo!" ulit na hiyaw ko. Naghahabulan sa bilis ang paghinga ko sa galit sa babaeng ito. Gumuhit sa kanya ang mga matang matagal ko ng gustong makita; ang pagkatakot niya sa akin.

Agad niyang sinunod ang pinapagawa ko at tumayo nga ito. Nanginginig ang buong katawan nito. 

"Hubad!"

"Huh?" Napakunot ang noo niya. 

Mahina kong ginalaw ang ulo ko at inulit ang sinabi ko. "Hindi mo ba narinig? O ako ang maghuhubad sa 'yo?" 

Napabuga ako ng hangin. "Ayaw mo? O sige, ako na!"  'Atsaka kumilos na hubaran siya.

Una kong tinatanggal ang damit niya sa pang-ibabaw pero tinatakpan niya pa ang sarili nito at tinutulak ako papalayo. 

"A-Ako na," panghihina niyang sagot.

--

"Bye-bye, Lea stick. Enjoy ka sa Cr ah." Pang aasar ko sa likod ng pinto.

Sabay lock ko sa pintuan ng Banyo sa labas. 

"Y-You bitch, hintayin mo lang na makalabas ako dito at makikita mo mas higit pa ang ganti ko sa 'yo!"

" 'Yan ang napapala ng isang makating higad at mangaagaw na katulad mo. Kahit kapatid pa kita, hindi kita sasantuhin." M*****a akong umirap at naglakad. Itinapon sa basurahan ang damit ni Lea.

***

SLAP

Sinapol ko ang pisngi kong sinampal ni Mr. Lee.

Tinitigan ko siya ng puno ng panunumbat. 

"Huwag mo akong tinitignan ng gan'yan, Donna!" Panduduro sa akin ni Mr. Lee. "Baka nakakalimutan mo kung sino ako!"

Inayos ko ang tindig ko at humarap sa kanya ng walang katinag-tinag.

Kitang-kita ang pag-igting ng panga nito at ang magkasalubong niyang kilay. "Paano mo nagawa iyon sa kapatid mo?"

Ohh, nagsumbong na pala ang pabirito nitong anak sa kanya.  

Pagkatapos kong i-locked si Lea ay dumiretso na muna ako sa bahay para magdala pa ng mga damit at kakailanganin namin ni nanay habang nasa Hospital pa rin siya. Hindi kona mapigilan ang pagpupumilit na pagtulong ni Mamita kahit ilang beses ko itong tanggihan. Kaya in the end tinaggap ko na rin, pero utang lang ito at babayaran ko rin kapag nakapag-ipon na ako. Kasama na ang lahat ng mga gagastusin at lahat ng mga medicines, diagnosis and treatment ni Nanay sa buong sessions at sa susunod pang taon.

Hindi ko alam kung magkano ang magagastos sa lahat ng ito, pero isa lang ang sigurado, mababaon ako sa utang. Pero ayos lang dahil mas mahalaga ang buhay ng aking Ina kahit sa ano mang halaga ng Pera na uutangin ko para mabuhay siya.

Napasinghap ako at napakuyom. "Oo. Ginawa ko nga 'yon, Mr. Lee, kasi deserve niya."

"Sumasagot-sagot ka pa! Kaya tama lang na hindi kita tinanggap bilang anak ko dahil may sungay ka!" Tuloy-tuloy niyang sumbat sa akin. Pero ayos lang, immune naman ako. Taon-taon naman na ganito siya e, dahil sa amin ni Lea.

Hindi ko na s'ya pinatulan pa nang dumating unexpectedly ang step father ko at si Cassie.

"Tandaan mo, Donna, dahil sa ginawa mo sa kapatid mo mas lalo kang maghihirap." Pagbaba ng panduduro niya sa akin. Bago siya tumalikod ay pinasadahan niya muna ng mga matang nananakot ang Step Dad ko at si Cassie. Pero hindi nagpatinag ang Step dad ko dahil umalsa ang dugo nito. 

"Baka mabasag ko ang bungo mo kahit mayaman kapa!" Bulyaw ng Dad ni Cassie. Habang si Cassie naman ay nakataas ang isang kilay at nakamaldita pose at kinukulot ang kanyang buhok. 

Padabog na tumalikod at umalis si Mr. Lee sa amin. 

"Tsk! Kawawang Donna." Huling sambit ni Cassie, ang nakababatang kapatid ko sa Ina. Kahit nakatalikod ako alam kong inirapan niya ako at tinignan ng kaawa-awa.

Siya si Cassandra Madrigal ang bunsong anak ni Nanay. Half-sister ko lang siya sa ina. Magkaiba ang ama namin. Si Allan Madrigal ang napangasawa ni Nanay at ang ama ni Cassie. Grade 10 student palang siya pero nuknukan ng kaartehan sa katawan nito at makati ang kamay. Kaya madalas akong manakawan ng panty at bra siya pala ang kumukuha. 

"May pera ka ba diyan?" asik ng Step dad ko. 

Siya naman si Allan Madrigal ang asawa ng Nanay ko. Kababata siya ni Nanay at sobra ang bait nito sa akin nung bata pa ako. Pero nagbago ang lahat ng masisante siya sa trabaho niya sa factory at tinamad na sa buhay. Walang ibang ginawa kun'di uminom, matulog at manggasta ng pera namin ni nanay.

Umiling ako at napasinghap. Tinatago ang pitaka sa likod ng bulsa ko.

Hayok siya sa pera. Hindi siya aalis kapag wala siyang mailabas na pera para sa bisyo niyang pag iinom.

"Nagdadamot kapa?! Akin na 'yan!" Pwersa niyang kinuha sa pantalon ko ang pitaka. 

"Akin na po 'yan. Para sa gamot ni nanay 'yan!" Nakaawang ang labi ko at inaabot sa mga kamay niya ang perang ninakaw niya sa akin. Nakangisi lang si Cassie at sinindi ang TV. 

"Diyan ka na muna! Salamat dito!" Tinulak niya ako at napaupo ako sa sahig. Tumalikod na siya at umalis ng abot langit ang ngiti. Ang perang pinaghirapan ko sa Bar ay mapupunta lang sa tiyan niya. Nagtama ang mga mata namin ni Cassie. 

Kailangan ko na namang mag ipon ng pera para mabayaran ko ang mga utang ko kay Lady Esmerald, dahil ayoko magkautang ng loob sa Pamilyang kinasusuklaman ko.

"Cassie, hindi ka ba sasama sa Hospital? Hinihintay ka na ni Nanay kanina pa." tanong ko habang pinupulot ko ang mga damit na natapon-tapon dahil nabitawan ko ang bag ko kaninang sumugod si Mr. Lee. 

Umiling siya at nilipat ang channel ng TV. Nakapatong pa ang magkabilaang paa niya sa lamesa. 

"Hindi na, bukas na lang." Walang konsiderasyon niyang sagot. Kahit hapyaw lang ng kanyang sulyap sa 'kin ay pinagdamutan pa 'ko. Wala ba siyang amor sa aming ina at umaakto siya parang wala lang ang nangyari kay nanay?

***

Naglalakad akong mag-isa sa tirik na araw sa daan habang dala-dala ko ang tatlong bag papunta sa  Hospital. Wala na akong pamasahe dahil naubos na ang pera ko na kinuha ng tatay-tatayan ko, kaya ako naglalakad ngayon. 

Napahawak ako sa sentido ko nang magdalawa ang paningin ko. 

"Donna!" 

Dalawang braso ang naramdaman kong bumuhat sa akin. 

"Anthony?" bulong ko bago ako mawalan ng malay.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jackielyn Tumbaga Adriano
palaban k nga pero hanggang kelan k kya mghihirap?tnx miss A
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status