Pagod siyang humilata sa kanyang kama. Alas kwatro na ng madaling araw at kadarating niya lang galing sa trabaho niya.
Inaantok na siya ngunit na-alala niyang may pasok pa ang kambal mamaya. Iidlip na lang siguro siya saglit, pero sure siyang bangag siya mamayang pagkagising niya.
Ipinikit niya ang kanyang mata, kasabay nito ang paglitaw ng isang imahe. Imahe nang lalakeng kaibigan ng Sir Lucas niya.
Ang mala-abong mga mata nito, matangos na ilong, at ang mga mapulang labi nito, na para yatang masarap halikan. Perpekto, napaka-perpekto nito. Pero teka lang, anong sabi niya?
'Ang mapulang labi nito na para yatang masarap halikan'
'Na para yatang masarap halikan.'
Mabilis siyang napabalikwas ng bangon nang magreplay sa utak niya ang mga pinagsasabi niya.
Jusko, mahabaging Pedro Calungosd, patawarin niyo po siya sa kanyang mga pinagsasabi. Sana ay papasukin niyo siya sa tarangkahan ng langit.
Gaga talaga siya. Bakit niya ba kasi iyon iniisip? Sinabunutan niya ang kanyang sarili at bumalik sa pagkakahiga. Naman kasi, bakit ba sumayad sa isip niya ang lalakeng iyon?
'Gwapo kasi siya.' sigaw ng isang bahagi nang utak niya.
Alam niyang gwapo ang lalakeng iyon, kaya nga tinawag niyang perpekto 'di ba, 'di ba.
Umiling-iling siya upang mawala sa sistema siya ang lalakeng iyon. Mukhang na-virus siya.
Sinet niya ang alarm ng cellphone niya sa alas sinko trenta ng umaga at natulog na.
PUPUNGAS-PUNGAS siyang bumangon sa kanyang kama habang hawak ang tiyan. Gutom na siya. Hindi pa pala siya kumakain ng tanghalian dahil tuloy-tuloy ang tulog niya. Pagkatapos niya kasing ma-ihatid ang kambal sa sakayan ng tricycle ay bumalik kaagad siya pagtulog.
Tuluyan na siyang tumayo at dumiretso sa kusina. Namataan niya ang kambal na gumagawa ng kanilang assignment. Sinimulan na niyang magluto para sa hapunan nila dahil maaga siyang papasok sa trabaho ngayon.
Nag- text kasi sa kanya ang kanilang Manager na kailangan niyang pumasok ng mga alas-sais dahil gusto siyang kausapin ng boss nilang si Lucas. Nang mabasa niya ang text ay sagad hanggang buto ang kaba niya.
Hindi niya alam kung bakit gusto siyang kausapin ng Sir Lucas niya. Malay natin, tatangalin na pala siya sa trabaho dahil may nagawa siyang mali. Pero naman kasi, wala naman siyang maalala na may ginawa siyang mali kagabi. She didn't do any stupid things.
Pinagsawalang bahala niya na lang iyon at pinagpatuloy ang pagluluto.
ALA-sais na ng gabi, kaya naman ay umalis na siya sa bahay nila. Hindi na niya hinintay ang kaibigan dahil maaga siyang pinapasok nang kanilang Manager.
Papasok na sana siya sa loob ng Rove's Bar, nang may mamataan siyang pigura ng isang lalake. Nasa may parking lot ito at mukhang may kausap sa cellphone nito at nagdedebate yata. Pamilyar sa kanya ang tindig ng lalakeng iyon.
Pinagsawalang bahala na lang niya iyon dahil hindi naman siya chismosa at paki-alamera.
Tahak na niya ang daan patungo sa opisina ng Boss nila. Ang sabi kasi sa kanya ng Manager nila, dumiretso na lang siya sa opisina nito.
Dumadagungdong ang kaba sa dibdib niya habang palapit siya sa opisina ng Boss niya. Hindi naman niya kasi alam kung anong panay nito at gusto siyang maka-usap.
Nang marating niya ang opisina ng kanyang boss, kumatok siya sa pinto nito para palatandaan na may tao sa loob. Pinihit na niya ang seradura ng pinto at tumambad sa paningin niya ang simple pero magarang opisina ng kanyang Boss.
Kumatok siya bilang pagbigay alam na may tao sa loob. May saltik din pala siya, kumatok pa rin siya kahit nakabukas na ang pintuan. Lumingon sa direksyon niya ang tatlong lalakeng nasa loob ng opisina. Tumikhim muna siya bago bumati dito.
"Magandang gabi po mga Sir." bati niya sa mga ito, kahit na naiilang siya sa titig nila.
"Good evening too Miss. Oliveros, come in and please have a seat." utos ng kanyang boss.Pumasok siya sa loob at umupo sa upuang itinuro nito. Nilibot niya ang kanyang tingin sa loob ng opisina nito. Kagaya ng sabi niya kanina, simple lang ito pero nagsusumigaw sa karangyaan. Dumako ang kanyang tingin sa dalawang lalakeng naka-upo sa may couch. Ang isa ay abala sa sarili nitong cellphone, na para bang may ka-text ito, batay na rin sa galaw ng darili nito, habang ang isa naman ay nakatingin lamang sa kanila ng kanyang boss.
Biglang tumikhim si Lucas kaya naman ay napalingon siya rito.
"Sir pinatawag nito daw po ako." putol niya sa katahimikang kanina pa bunabalot sa loob ng opisina.
"Yeah. About that, tatanggalin na kita bilang server ng Rove's Bar." kaswal na anunsiyo nito.Nanlaki bigla ang kanyang mata sa anunsiyo nito. Ano daw? Nabingi ata siya. Siya, tanggalan na sa trabaho? Ibig ba nitong sabihin, wala na siyang trabaho? Hala, hindi pwede!
"Ho? Sir, ano po ba ang nagawa ko? Bakit niyo po ako tatanggalin? Sir, maawa naman kayo sa akin, may kambal po akong pinapakain at pinag-aaral." hysterical niyang pagmamaka-awa dito.
Paano siya hindi mag-hyhysterical kung mawawalan na siya ng trabaho? Magpapa-party ka ba? Ikaw nga, isipin, mawawalan ka ng trabaho, matutuwa ka ba? Hindi naman 'di ba?
"Relax Ms. Oliveros---" pinutol niya ang sasabihin nang kanyang Sir.
"Sir, paano ako magrerelax kung matatanggal ako sa trabaho? May nagawa po ba akong mali?"
Wala naman siyang natandaan na may ginawa siyang mali o nilabag man na patakaran. Nakahinga siya ng maluwag ng umiling ang kanyang boss.
"As I've told you Miss Oliveros, relax. I'm not done yet. Patapusin mo muna akong magsalita," tumango siya habang kagat ang kanyang labi. Nakakahiya siya, "So, back to what I've said earlier, tatanggalin na kita bilang server ng bar. Yes, tatanggalin kita bilang server but I'm going to put you in Rove's restaurant as a waitress, sounds good?" Nakangiting wika nito.
Nakahinga naman siya sa tinurang iyon ng kanyang boss. Ililipat lang pala siya sa restaurant nito pero, bakit? Bakit siya nito ililipat, e, maayos naman pala ang trabaho niya sa bar?
"Sir, bakit niyo po ako ililipat?" taka niyang tanong dito.
"Iyon ba? May nakapagsabi kasi sa akin na may naiiwan ka daw na kapatid sa bahay niyo kapag gabi. Delikado para sa mga kapatid mo kung wala silang kasama lalo na 't gabi pa." paliwanag nito.
Tumango naman siya bilang sagot, palatandaan na naintindihan niya ang ibig sabihin nito. Tama naman kasi ito, delikado talaga ang iwan ang mga kapatid niya, kahit sabihin nating may pinaki-usapan siyang samahan ang mga ito kapag gabi. Gustuhin man niyang bantayan ang mga ito kapag gabi, hindi niya magawa dahil may trabaho siya para may makain sila. Pabor na rin iyon sa kanya.
Nga pala Miss Oliveros, nasaan ang mga magulang mo?" taka siyang napalingon sa gawi ng mga kaibigan ng Sir Lucas niya. Bakit nila iyon tinatanong?
"I respect your privacy, no need to answer. By the way, I'm Lancer Nicholas Calderon, Lancer or Lance for short, and that guy is Clyden Trevor Montero, Clyden for short." pakilala nito at sa katabi niyang lalake na hanggang ngayon ay busy pa rin sa sariling cellphone.
Ano ka yang ginagawa nito? Naglalaro o may ka-text? Hindi siya chismosa pero ichosera siya. Huh? May pinagkaiba ba ang dalawang iyon? Mukhang parehas lang naman e.
Nagkibit-balikat na lamang siya at hindi na lang ito pinansin. Wala naman siyang pake. Sasagutin na lang niya iyong tanong ni Lancer.
"Ahmm.. wala na po iyong magulang namin. Namatay po sila tatlong taon na ang nakakalipas sa isang aksidente." Pagkwekwento niya. Wala namang masama kung ikwekwento niya ito sa kanila.
"So, wala na kayong kasama. A relatives, perhaps?" tanong nito ulit.
"Wala po. Kung meron man, hindi ko po alam kung tutulungan kami at kukupkupin." sagot niya dito. Tumango-tango naman ito.
Nakaka-ilang dahil ngayon na lang ulit siya nakipag-usap sa iba dahil ang lagi naman niyang kausap ay ang kaibigan niya at kambal niyang kapatid.
Sabay-sabay silang napalingon sa pinto ng puwersahan itong bumukas. Kahit yata iyong busy sa sariling cellphone ay napalingon din doon.
Pumasok sa loob ang lalakeng may kulay abong mga mata. Ang lalakeng kagabi pa laman nang kanyang isip. Kunot ang noo nito, na para bang kay laki ng problema. Salubong na salubong din ang makapal na kilay nito.
"Fvck you." malutong na mura nito sa kausap.
Suminghap siya nang biglang dumako ang tingin nito sa kanya. Biglang nanlaki ang kanyang mata ng mapagtanto ni Nyx kung ano ang sinabi kanina nang kanyang Boss. Ang lalakeng ito ang dahilan kung bakit siya nailipat? Bakit naman kaya?
Napalingon siya sa kanyang Boss ng bigla siya nitong kalabitin.
"That's Tyrus Icarus Vargaz, one of my friend. He's the reason why you're going to the morning shift."
"Sir, hindi ko naman tinanong kung ano ang pangalan niya, saka Sir, bakit niya ako ipinalipat sa morning shift?"
"Kailangan mong malaman ang pangalan niyan. And to answer your question, just ask him. Ayokong manghimasok." seryosong sagot nito.Napa-iling na lang siya sa tinurang iyon ng Boss niya.
Totoo naman kasi, hindi niya tinatanong ang pangalan ng lalakeng iyon. Bakit makakain niya ba iyon? Hindi naman 'di ba. Pero ang sabi ng Boss niya, kailangan niyang malaman ang pangalan nito. Para saan naman kaya? Anong rason nito at bakit siya nilipat sa morning shift? Trip lang nito, gan 'on.
"If only the stare could kill, dude you're now lying on the floor," natatawang saad ng lalakeng kanina niya pa ino-obserbahan. Iyong lalakeng busy sa cellphone nito at parang may sariling mundo. Ano nga ulit ang pangalan nito? Cly-Clyden Montero? Tama ba siya?
"Dude, hands off ako, okay." naka-ngising depensa ni Lucas.
Hindi alam ni Nyx kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Naiilang na rin siya dahil parang kanina pa may nakatitig sa kanya. Iyong titig na nakakapaso. Lumingon siya sa direksyon kung saan iyon nanggagaling. Galing iyon kay Tyrus. Nakatitig lamang ito sa kanya, katulad ng titig nito noong nagdaang gabi. Iyong titig na para bang kakainin siya nito ng buhay.
Iniwas niya ang kanyang paningin sa lalake. Hindi na niya nakakayanan ang mga titig nito. Mainit iyon at malalim na para bang nakikita nito ang kanyang kaluluwa. Nakakapangatod ng tuhod. Mabuti na lang ay naka-upo siya, kung hindi ay kanina pa siya nabuwal.
Mahinang natawa si Lucas, na para bang may nakakatawa. Narinig pa niya itong bumulong ng, "whipped." Mahabang katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng opisina.
Teka nga lang, ano pa ba ang ginagawa niya sa opisinang ito?
Her POVAng mahabang katahimikang namayani sa opisina ni Sir Lucas ay nabasag ng magsalita si Sir Lancer."How's your house, by the way?"tanong ni Sir kay Sir Tyrus.Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanila kaya naman iyong first name na lang nila."Done for the renovation,"sagot nito sa kausap."May ibabahay ka na ba? Ako kasi nakita ko na ang ititira ko sa bahay ko""Back off, Calderon."galit na usal ni Sir Tyrus na ikinatawa lamang ng kausap."Actually, mayroon na akong ibabahay doon. She's the goddess of darkness but also, she's the moon, who emitts the light to my darkest world."dugtong nito.Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon ay nakatingin lang siya sa akin, na para bang sa akin niya iyon ipinapahiwatig.Maganda siguro iyong ibabahay ni Sir Tyrus, mayaman rin. Perfect sila. Magandang combination, kaya maganda at gwapo
Her POVIlang oras na akong nakatitig sa sarili ko sa salamin, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi isipin ang nangyari kagabi. Nakakahiya talaga.Ang akala ko kasi ay hahalikan ako ni Tyrus. Yeah, Tyrus. Walang 'sir' o kahit anong ka-echusan ang dugtong sa pangalan niya.Kahit kasi hindi ako nakatingin sa kanya kagabi sa sasakyan, halatang nakangisi siya sa buong byahe. Nagbago lang ata ng expression ng mukha niya noong bumaba na ako ng sasakyan.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Ayoko ng isipin pa, masyadong embarrassing.Naglakad na ako paalis ng bahay. Nauna ng umalis ang kambal sa akin, since alas otso pa ang pasok ko.Sumakay na ako ng tricycle at nagpahatid sa Rove's restaurant.Ito ang unang araw ko sa restaurant at sana naman, wag na akong malipat pa dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.Makalipas ang ilang minutong byahe ay dumating n
Her POV Tatlong linggo na magmula ng magtrabaho ako sa restaurant ni Sir Lucas. Wala naman akong naging problema, kaya naging maayos ang trabaho ko. Sinagot din iyong dasal ko, na huwag malipat pang ulit sa ibang trabaho. Naging kasundo ko na rin kasi ang mga tao sa restaurant. Sa loob din ng tatlong linggo, may mga costumer pa rin naman na kung umasta, ay akala mo'y mga santo na dapat sambahin. Alam kung hindi iyon maiiwasan, pero nakakainis na rin. Pinaalalahanan na din kami ni Sir Lucas, na kung maaari ay huwag na daw naming patulan ang mga ganoong klaseng mga costumer. Nalaman kasi niya iyong huling nangyari. Sinabi niya sa amin, kung maaari lang iwasan, iwasan na lang ito. Lalo na daw ako na malaki nga daw iyong pasensya, pero pagnapikon, mukhang sasabak ng gyera. Habang pinupunasan ko ang lamesang iniwan ng costumer ay biglang tumunog ang chime sa may pinto, at pumasok doon si Tyrus, wearing his usual face— the emotionless one. Sa loob ng tatlong linggong pagtratrabaho ko d
Naalimpungatan ako nang mag-ring ang alarm clock ko. Sabado ngayon kaya wala akong pasok pati na rin ang kambal. I did my usual morning rituals, before I headed to the kitchen.Pagdating ko sa kusina, nandoon na ang kambal. Palagi naman. Every weekend kasi, sila iyong nauunang gumising kaysa sa akin. Siguro, na-iipon iyong pagod ko, kaya late na akong nagigising kapag weekends.Napangiti naman ako sa ginagawa nila, they're making a breakfast. Si Nykko ang nagbabate ng itlog. Madami na iyong bula, for sure kanina niya iyon binabate, habang si Nykky naman ang nasa harapan ng kalan."Nykko, akin na iyong itlog." Inabot naman ni Nykko ang itlog sa kakambal niya.Napa-iling nalang ako sa ginagawa nang kambal. I find it sweet. Sa loob ng tatlong linggo ay ganyan ang ginagawa nila. Nagpaturo sila sa aking magluto ng itlog. Noong una ay umayaw pa ako, pero kalaunan ay pumayag na rin ako. Mga mapilit kasi, ang katwiran nila ay pagod daw ako.
"Hoy, anong nangyari sa 'yo? Bakit ka namumutla?" tanong sa akin ng pinsan ko. Nalunok ko ang sarili kong laway. Alangan naman sa kanya di ba."Huh? A-ano, w-wala lang ito." Kinakabahang sagot ko."Sure ka ba?" Tumango ako bilang sagot ko. Kinakabahan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. May namumuo nang pawis sa noo ko. Bakit ba ako kinakabahan? Napalunok ulit ako nang matandaan ko ang halik na pinagsaluhan naming dalawa ni Tyrus. Hindi ako palamurang babae, pero shit lang. Halos hindi maka-usap nang maayos ng mga katrabaho ko nang oras na iyon, dahil masyado akong tulala at distracted. Bigla akong namula sa pinag-iisip ko. Kinuha niya ang first kiss ko."Nyx, okay ka lang ba talaga?" Ang boses ni Grace ang pumukaw sa pagbabalik-tanaw ko."Uuwi na tayo kung hindi ka okay. Sabihin mo lang." Dagdag pa nito. Sasagot na sana ako, nang may umakbay sa pinsan ko. Iyong lalakeng kasama nila Tyrus kanina."Hi, Do
"HINDI niyo ba talaga ako titigilan?" inis kong tanong. Kanina pa nila ako kinukulit kung ano raw ang meron sa aming dalawa ni Tyrus. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanila, dahil kahit ako 'y hindi alam kung anong meron sa amin. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa bawat kilos niya."Kung walang namamagitan sa inyong dalawa ni Sir Tyrus, bakit ka niya hinalikan?" tanong ni Dianne. "Hindi ko din alam," sagot ko. Ilang beses nila akong tinanong pero puros 'hindi o wala' ang palagi kong sagot. Kaklaruhin ko muna kay Tyrus kong ano ba talaga ang gusto niya.Nakahinga na ako ng maluwag ng matapos na ang break time namin, pero for sure ako, mamaya dudumugin nila ako. Ang sakit nila sa ulo. Daig pa nila ang mga kapatid ko sa sobrang kakulitan. Bumalik na kami sa kanya kanya naming trabaho. Inasikaso ko ang bawat costumer and take their orders.Lumipas ang oras at tapos na ang shift ko. Pagod akong umupo sa may monoblock sa locke
Her POVBangag akong nakatunganga habang pinagmamasdan ang kambal na kumakain. Hindi ako makakain ng maayos sa kadahilanang hindi ko naman matarok. Ang kambal naman ay panay an sulyap sa akin at siguro 'y nahihiwagaan na rin kung ba't ba ako nagkaka-ganito."Ang panget mo, Ate," pang-aasar sa akin ni Nykko na siniko naman ng kakambal niya nang makitang masama ang tinging ginagawad ko dito.Biglang inangat ni Nykko ang kaniyang ulo at biglang nanlaki ang mga mata ng makita ako na masama ang tingin sa kaniya. He made a sign na para bang zinizipper ang kaniyang bibig. Bigla naman akong natawa. This two never fails to amuse me.Bigla kong naalala 'yong kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin magsink-in sa utak ko ang mga pinagsasabi ni Tyrus. He just asked me for a date. For Pete's sake, ngayon na lang ulit may nag-aya sa 'king makipag-date since the day my parents died. Nagloading talaga ang utak ko, magpa-hanggang ngayon naman, e. Hindi ako tinantanan ni Tyrus hanggang hindi ako nagsali
Her PovHalos mabilaukan ako nang sarili kong laway dahil sa tanong niyang ‘yon. Mukha bang may ginawa na kaming milagro ni Tyrus?Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya.“What? I am just asking,” inosenteng saad nito.“Seriously, Grace mukha bang may nangyari na sa ‘min?”“Malay ko ba.” mataray nitong sagot.Babatukan ko n asana siya nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at sumilip doon ang ulo ng kapatid kong si Nykky.“Nasa baba na Ate si Kuya Tyrus,” pagpapaalam nito sa akin.“Sige, baba na kamo ako.” Sagot ko naman na ikinatango lamang niya at tuluyang nilisan ang aking kwarto.Sinulyapan ko si Grace at nakita ko na naman ang mapaglarong ngisi na nakapaskil sa kaniyang labi.Shit!Bakit ba may pinsan akong katulad ni Grace? Paki-remind sa ‘kin na batukan ang pinsan kong ‘to.“Stop smirking, will you? inis kong paki-usap na ikinahalakhak niya lang. Lalo lamang akong nainis sa babaeng ito.Seriously? Mukhang natuluyan na ang babaeng ‘to.”“You know what, bumaba na ta