Share

[SIMON] Part7.15: Chapter15

NAGING alerto naman siya't inambahan niya si Gray sa likod habang nakikipag-agawan ulit ng patalim. Napansin niyang lumabas na rin si Bashie habang inaalalayan nito si Raymond. Muli niyang ibinalik ang atensyon kay Gray, bumaba siya sa likod nito't ngayon ay kaharap na niya. Masyadong malakas si Gray kung kaya't nadaplisan siya sa kanyang kaliwang braso. Pero hindi siya nagpatinag, tiniis niya ang sakit at buong puwersa niyang sinipa si Gray ng malakas, kasabay ng pag-agaw niya ng kutsilyo. Hindi naman siya nabigo sa ginawa niya sa halip napaupong natumba pa si Gray.

"Simon, dapat ka ng mamatay!" Mariin sambit sa kanya ni Gray. Matalim ang tingin nito sa kanya.

"Alam mo bang nang dahil sa inyong mga bully ay nagkaganito ako?!" Duro niya sa kanyang sarili. "Hindi ako mamatay tao ng maaga kung 'di dahil sa inyo!" Maramdamin pag-amin niya.

Pinanuod niyang tumayo si Gray mula sa pagkakasalampak nito sa sahig. "Ikaw ang pumatay kay Ma'am Ana at sa mga kaibigan ko!" Galit na sambit ni Gray.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status