"Hindi ka ba makuntento sa nobya mo, at pati ako dinadamay mo?!" Ani niya ngunit hindi pa rin natinag si Lucas, muli na naman siya nitong hinila at sa pagkakataong ito ay palabas na ng hospital. Mahigpit ang pagkakahawak ng binata sa kamay ni Leah bago siya ipinasok ng binata sa sasakyang naghihintay sa kanila sa labas ng hospital at may naka bantay na dalawang naka itim na lalaki."Siguro kaya ka yumaman dahil sindikato ka!" Napakunot ang noo ng binata ng marinig ang sinabi ni Leah, matalim ang mata na tinignan siya nito."Stop that nonsense Leah.!" Sambit ni Lucas ng nagpanting ang kanyang tenga muka sa narinig kay Leah, dahil hindi pa siya nabibigyan ng oras para mag kwento ng buhay nito. Simula noon nung nalaman ng dalaga na yumaman na ang kababata ay malaki narin ang katanungan niya sa sarili kung paano nangyari iyon, samantalang wala naman itong mamanahin sa yumao nitong magulang dahil mahirap lang din ang mga ito, at kung sa pagtatrabaho naman niya sa kumpanya ay napaka imposi
Pagkarating nila sa condo ni Lucas ay tulog na ang bata at inilapag ito ni Lucas sa kama sa loob ng kwarto at inayos naman ni Leah ang kumot para hindi malamigan ang bata sa lamig ng aircon sa naturang kwarto. Mula nung malaman ni Lucas na sa canada dinala ang kanyang anak ni Leah ay bumili siya agad ng condo dahil gusto niya na maayos ang tinitirhan ng kanyang anak at balak pa niya na kuhaan ng private nurse ang bata bilang yaya nito, kahit magbayad pa siya ng double na sahod nito sa hospital, ngunit nagbago ang plano niya. Balak nalang niya na si Leah nalang ang mag alaga sa sarili nitong anak at kung hindi ito papayag ay bigyan niya nalang ng sweldo kahit magkano wag lang mapalayo ang bata sa kanya.Nang masigurong maayos na ang bata sa kama ay magka sunod silang lumabas ng kwarto at duon sa couch ay nag umpisa na naman ang bangayan nila tungkol sa pag aalaga sa bata. Hindi parin sila magkasundo pagdating sa anak nila. "Kahit anong gawin mo Lucas, hindi mo pa rin makukuha ang gus
Isang buwan na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik si Lucas sa canada. Naging maayos naman ang takbo ng pamumuhay ni Leah kasama ang anak na si Lyca sa canada, masayang nagtatrabaho ang dalaga sa hospital na pinapasukan nito at si Laica ay maayos na inaalagaan ng yaya nito at ang bodyguards sa condo ni Lucas. Ngunit si Leah na minsan ay nakakaramdam ng pagkahilo ay binabaliwala lang nito, ngunit ang ipinagtataka niya ay lumagpas na ng kalendaryo ang schedule ng buwanang dalaw niya ay hindi parin siya dinadatnan, kaya nung araw na iyon ay bumili siya ng pregnancy test para makompirma sa sarili kung nagdadalang tao ba siya o hindi, limang pregnancy test ang kanyang binili bago siya umuwi ng condo. Dahil kinabukasan ay day off naman niya sa kanyang trabaho ay pinag pabukas na lang niya ang paggamit ng pregnancy test na kadalasan ay sa umaga ginagawa, ngunit pu pwede naman kahit anong oras. "Nak' inaantok kana ba?" Tanong ko sa aking anak habang nasa kama kami. Ako ay abala sa pa
"Mommy, kailan po babalik si daddy?" Ilang beses na nagtatanong kay Leah ang anak nito. Nananatiling tikom ng kanyang bibig dahil wala siyang makuhang sagot para sa anak. Dahil mismong siya ay hindi alam kong ano ang isasagot sa bata na nangungulila na sa ama nito. "Anak, gusto mo bang pumasyal?" Iyon na lamang ang tanging nabanggit niya sa kanyang anak."Ayoko po mommy, gusto ko po kasi kasama si daddy. Daddy told me that i need to stay here until daddy came back." Hindi siya makapaniwala na ganun ang isasagot sa kanya ng bata. Batid na niya sa sarili na masunurin ang bata pero ang hintayin ang ama nito na matagal ng hindi nakabalik sa piling ng bata ay parang pina paasa nito ang bata. Tahimik na lamang siya na pinag handa ng makakain ang bata habang nanunuod ito ng cartoon movie at nakaupo sa couch.Matapos niyang maibigay ang meryenda ng bata ay nagpaalam muna siya sa bata na lalabas muna siya para mang grocery, inaya pa nga niya ulit ang bata ngunit ayaw nitong sumama, kaya na
"Bernadette, pasensya ka na sa amin ng anak ko ha?" Saad niya sa kasamahan niya sa trabaho ng makarating na sila sa bahay ng dalaga. Si Bernadette ay nakilala lang niya sa mismong trabaho nila bilang nurse, mabait na katrabaho at naging kaibigan niya, paminsan ay mahilig lang ito mang asar sa kanya o kaya makisali sa mga chismosa na mga kasamahan niya ngunit pagdating sa mga seryosong problema ay bukas palad itong tumutulong sa mga nangangailangan. Dahil aniya ng dalaga, malayo sila sa pilipinas at sino-sino pa ba ang magtutulungan kundi sila sila din na mga pilipino."Ano kaba Leah, ok lang yun noh. Halika baby pasok ka sa munting tahanan ni tita dedit." Sambit nito saka inaalalayan ang bata na makapasok sa inuupahan na maliit lang na bahay na sakto ng pang tatlong tao. Noon ay may kasama siya dito na pinsan niya ngunit umiwi na ito ng pilipinas kaya siya na lang ang natira."Bakit ka kasi naglayas kay mr.pogi?" Tanong pa nito na ikinatahimik niya. Wala siyang maisasagot sa kaibig
Nagdesisyon si Lucas na puntahan ang hospital kung saan nagtatrabaho si Leah. "Pumapasok pa ba si Leah?" Blangko ang mukha na nagtanong siya sa mataba na nurse na nakita niya noon na kinakausap ng dalaga."Naka maternity leave po siya sir." Sagot naman sa kanya ng nurse."Bigyan mo ako ng address nung babaeng nurse na kausap niya rin nung nakaraang nagpunta ako rito." Aniya."Nako sir bawal po kasi baka po malagot ako." "Ako bahala sayo, just give the address. Madali.!" Marahas niyang utos sa nurse. Patagong kumuha ng papel ang matabang nurse at may kung anong sinulat roon saka ibinigay ito sa kanya na hindi nakikita ng sino man na nasa paligid. Nang basahin niya ang laman ng kaperasong papel ay madali itong lumabas ng ospital matapos mag pasalamat sa nurse.Sakay ng kanyang kotse ay mabilis na pinaandar ito ng kanyang inuupahang driver sa canada. Hindi siya komportable na magmaneho ng sasakyan sa ibang bansa kompara sa pilipinas na ayaw niyang may magma maniho para sa kanya.Pagka
Natapos ang araw na nagkasundo si Leah at Lucas sa usapan na bago manganak si Leah ay ibibigay nito kay Lucas si Laica. At sa oras na gumaling na si Leah matapos manganak ay maghihiraman sila sa bata ng tig isang linggo. HANGGANG sa dumating ang araw na manganganak na si Leah, si Bernadette ang umalalay sa dalaga. Kambal na lalaki ang ipinanganak ni Leah, alam niya na mahihirapan siyang alagaan ang dalawang supling ng iniluwal niya kaya kinausap niya ang kanyang ina para mapunta ito sa canada at matulungan siya sa pag aalaga sa kambal na si Aikeen at Flynn habang nagtatrabaho siya."Ang ko cute naman ng mga apo ko, nakakagigil." Gigil na sambit ng ina ni Leah ng araw na naka uwi na sila sa apartment ni Bernadette na siyang tumutulong sa dalaga."Anak, hindi mo naman sinabi sa akin na buntis ka pala. Edi sana hindi na kita pinayagan na umalis, yan tuloy nahihirapan ka." Saad ng kanyang ina."Okay lang naman po ako dito mama, kaya wala kang dapat na alalahanin." Aniya habang nagpapaded
"What do you want to buy anak?" Tanong niya sa bata ng naglalakad na sila pa punta sa sasakyan."Bili mo si Mommy ng food Daddy, alam kung hungry na siya." Bigla siyang natahimik sa sinabi ng kanyang anak.Hindi na siya nagsalita hanggang sa nakasakay na sila sa sasakyan at nagpahatid muna sila sa driver sa supermarket para bumili ng mga grocery na babaunin ni Laica pag uwi sa bahay ni Leah. "Mommy.!" Sambit ni Laica ng makita ang ina nito na nakaupo sa sofa at binabantayan ang kambal na nasa sari sariling higaan. "Hi my princess, i miss you baby." Aniya bago nag yakapan ng mahigpit at hinalik halikan pa ni Leah ang anak dahil sa pagka-sabik nitong makasama."Oh iho, nandyan ka pala. Tamang tama at magha hapunan na, tapos narin ako mag luto." Saad ni Melissa ng makita si Lucas na nakatayo lang sa gilid habang pinagmamasdan ang dalawang supling na mahimbing matutulog. "Hindi ho ako magtatagal, hinatid ko lang po si Laica." Sagot niya sa ginang."Masamang tunggi sa grasya iho." Aning