Share

Chapter 40

KINABUKASAN, ay maagang nagising si Lucas. Paglabas niya ng kwarto ay nakita niya na nagkakape si Leah at naglalaro naman si Laica na nasa harapan ng dalaga. Andito pa sila sa resort at naghahanda naman ang iba para sa almusal nila.

Lumapit sa kanya ang kanyang anak at yumakap saka humalik sa pisngi.

"Good morning my princess," sambit niya.

"Good morning din po daddy, daddy pwede po ako mag swim?" saad ng bata at lumingon siya sa gawi ni Leah na biglang ibinaling sa iba ng tingin na kanina lang ay sa kanya nakatitig.

"Paalam ka muna sa mommy mo anak at sasamahan kita sa pool," saad pa niya na ikinatuwa ng bata.

"Yehey! Mommy mommy," tawag ni Laica sa kanyang ina habang nilalapitan ito.

Si Lucas ay naglakad na papunta sa swimming pool dahil naka summer shorts naman siya at manipis na t-shirt ay akma na sana niyang huhubarin ang kanyang t-shirt ng nilingon niya ang anak na tuwang tuwa at ngayon ay hila hila ang ina.

"Come here Mommy," aniya ni Laica.

"Ayaw kong maligo anak, maaga pa!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status