Naipasa na kay Lucas ang mga ariarian na naiwan sa kanya ng yumaong ama. Ang Madison-Luce Corporation, kompanya ng alak isa sa Texas, sa London at dito sa pilipinas. Ang Madison-Luce Tower, Madison-Luce island sa palawan. At ang Madison-Luce mansion, ang lahat ng ito ay isinunod sa kanyang tunay na pangalan na Madison Luce Salazar. Meron din isang luxury mega yacht at private plane, isang sports car at dalawa pang klase ng kotse. Lahat ng yan ay pag aari na niya, halos hindi parin siya makapaniwala na isa siyang bilyonaryo.
Pinag aralan niya lahat ng pwedi niyang matutunan sa kompanya na pag aari na niya ngayon. Pinasyalan niya ang tower, ipinakilala siya sa lahat ng staff duon na siya ang may ari ng building at pinuntahan din niya ang mansyon pero imbis na lumipat sa masyon ay nanatili parin siya sa bahay na kinalakihan niya.
"Mr.Salazar, bakit ayaw mong lumipat sa mansyon? Meron kana rin kotse bakit hindi mo gamitin marunong kana man mag drive diba? saka may lesinsiya kana man." Sambit sa kanya ng attorney niya habang naglalakad sila papunta sa sakayan ng jeep.
"Attorney Jimenez hindi pa ngayon ang tamang panahon para gamitin ko kung ano man ang pag aari kona ngayon. Hanggat maaari gusto ko muna ng sempling buhay" Paliwanag niya sa attorney niya."Maiba ako, wala kapa ba girlfriend or wife?" Nagulat siya sa itinanong sa kanya. "Wala, at wala pa sa isip ko ang mga yan." Blanko ang mukha niya na sinagot ang tanong ng attorney."Okay, naitanong ko lang naman?" Hindi na niya kinausap ang attorney hanggang nakasakay na siya ng jeep katapos magpaalam sa attorney, blangko lang ang kanyang mukha habang nakatanaw sa labas ng umaandar na jeep.Pagkarating niya sa bahay niya ay tumawag sa kanya si mr. Guirero, para ipaalam sa kanya na kaylangan niyang pumunta sa ibang bansa para maipakilala sa dalawang kompanya.
"Yes mr. Guirero?" Sagot niya sa tawag."Mr.Salazar, humiling ang dalawang kompanya na makilala ka bilang bagong may ari ng Madison-Luce Corporation sa texas at london." Sambit sa kanya ng kausap sa kabilang linya."Okey sige, payag na ako na maipakilala ako bilang bagong may ari ng kompanya sa texas at london." Sagot niya sa kausap nito."Tama ang desisyion mo mr.Salazar, ipapahanda ko ang passport mo at ang private plane, maraming salamat mr. Salazar magkita nalang tayo pag okay na ang lahat ng mga kakailanganin mo." Pagka rinig sa sinabi ay pinatay na niya ang tawag at inilapag ang cellphone sa sofa saka isinandal ang ulo sa sofa at huminga ng malalim saka ipinikit ang mata."Kakayanin ko ito" Sambit niya sa sarili. Inihanda niya ang kanyang sarili, nag research siya kung paano humarap sa mga matataas na tao kung paano makipag usap. Pinag aralan din niya ang pananamit ng isang nagmamay ari ng malaking kompanya. Kinabukasan ay nagpunta siya sa mall at bumili ng mga pormal na damit at sapatos, sinukat niya at tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi man niya aminin sa sarili niya pero nung makita niya ang sarili sa salamin ay subrang bumagay sa kanya ang napili niyang kasuotan, napaka pormal at gwapo niyang tingnan, ngayon niya napag tanto na siya nga ay isang Salazar. Gamit ang master card ay binayaran niya ang mga pinamili niya, nagulat pa siya sa binayaran niya. Pagkabayad niya sa counter ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan na makipag kita sa kanya."Pre, nasaan ka? punta ka sa bahay mamaya, may pupuntahan tayo." Sambit niya sa kaibigan niya pagkasagot ng telepono.
"Nakaka gulat ka naman pre. Saan tayo pupunta? May chics ba dun?" Sambit naman ng kaibigan niya sa kabilang linya, natatawa nalang siya sa kaibigan niya. Kahit papano ay nagpapasalamat siya na may kaibigan siyang mapag biro dahil kahit papano ay napapangiti siya sa tuwing magbibiro ito."Basta sumama ka sakin" Saka ibinaba na niya ang tawag. Naligo siya at nag bihis, at maya maya lang ay dumating na ang kaibigan niya na excited pa sa kanya."Ano pre san tayo?" Imbis na sagutin niya ang tanong ng kaibigan at nauna na siyang lumabas ng bahay. Nag abang sila ng masasakyang jeep.
"Tara na, sakay na" Sambit niya sa kaibigan at sumakay na sila ng jeep. Nakailang sakay pa sila bago makarating sa Madeson tower, sa baba nito ay may isang bar, lahat ng klase ng alak na gawa ng kompanya niya ay andun, kilala na siya ng gwardya kaya agad silang pinapasok."Pre, anong gagawin natin dito? Wala tayong pambayad dito, alam ko ang mamahal ng mga alak dito, hanap nalang tayo sa mumurahin lang." Sambit ng kaibigan niya nagaalangan pang pumasok. Lingid sa kaalaman ni sammy ay isa na siyang bilyonaryo, na naipasa na sa kanya ang mga naiwan ng yumao niyang ama.
"Pre, omorder kalang nang alak na gusto mo. Magiinom tayo ngayon, basta wag lang masyado pakalasing." Tinapik tapik niya ang kaibigan sa balikat."May problema kaba pre? Bakit tayo mag iinom, eh hindi ka naman nag iinom ng alak diba?" Tanong sa kanya ng kaibigan habang napapakamot pa sa ulo.Tinawag niya ang waiter at agad naman lumapit sa kanila. Binigay sa kanila ang alak na pinaka mahal ang Luce whisky, ngayon lang siya susubok uminom. Gusto niyang pag aralan uminom ng alak na gawa ng kompanya nila. Naisipan niyang yayain ang kaibigan para may kasama siya, matagal siyang mawawala kaya gusto rin niyang makasama ang kaibigan."Pre, wala tayo pambayad. Tinanong ko ung waiter kanina, libo ang halaga ng alak na inorder mo." Nagaalalang sambit ng kaibigan niya.
"Wag kang mag alala pre, wala kang babayaran." Sagot niya naman dito na medyo utal na ang pagsasalita. Naka tatlong shot palang siya pero hilo na siya."Pwedi ba yun?" Umiling iling nalang sa kanya ang kababata.Mayamaya lang ay may lumapit sa kanila na dalawang lalake."Sir, pwedi po kayo lumipat sa penthouse may sarili naman po kayong bar duon. Ihahatid na po namin kayo." Nagulat pa ang kasama niya sa sinabi ng isang lalake na lumapit sa kanila."Hoy anong penthouse? Hindi kami taga rito saka hindi kami mayaman." Inalalayan siya ng dalawang lalake na tumayo saka naglakad palabas ng bar at pumunta sa elevator. Patakbo naman sumunod sa kanya ang kaibigan, tahimik lang siya na pumasok ng elevator at sumandal. Pagka bukas ng elevator ay nauna na siyang lumabas at pag tapat niya sa pinto ng penthouse ay pinindot niya ang passcode saka ito nagbukas at agad na siyang pumasok duon. Tahimik naman na sumunod sa kanya ang kaibigan na panay ang lingon sa dalawang lalake. Nasa pinaka huling floor ang penthouse at sa rooftop ng building ay may isang mini bar at malaking swemming pool, at sa kabilang bahagi ng rooftop ay may naka lapag na chopper."Pre, kaninong bahay ito? Bakit pumasok tayo dito? Baka ipakulong tayo ng may ari nitong bahay, trespassing na tayo pre." Sambit ni Sammy sa kanya."Pre hindi mangyayari yun, bahay ko ito kaya hindi ka makukulong." Napanganga ang kanyang kaibigan sa narinig.Pumunta siya sa rooftop at nagtungo sa mini bar, saka nag bukas ng alak at nag salin sa baso na may yelo."Pre, pano ka nagkaroon ng bahay na ganito, wag mong sabihin na binigyan ka ni mr.Guirero nito." Natatawa nalang siya sa mga naririnig niya sa kaibigan. "Malalaman mo rin sa tamang panahon, sa ngayon ay magpaka saya kana kung anong gusto mong gawin, mag inom ka o kaya maligo ka diyan." Sabay turo sa swemming pool na nasa tapat ng mini bar. Walang ano ano na naghubad ng saplot ang kaibigan at tumalon sa swemming pool."Woohoo...Ang lamig ng tubig pre..!" Napapangiti nalang siya sa kaibigan habang umiinom ng alak. Bigla niya naalala ang babaeng lihim na minamahal, matagal na siyang nangungulila sa dalaga.Kinabukasan ay nagisin
"Pre, Welcome back." Sambit ni Sammy kay Lucas sabay aper ng magkabilang palad. "Hey, kumusta?" Sempling ngiti lang ang ibinigay niya sa kaibigan."Ikaw ang kumusta pre?. Grabi ang laki ng ipinag bago mo." Pagka sambit ay umupo ito sa sofa na nasa loob ng opisina niya. "Ahh okay naman, mahirap pero kinakaya ko naman lahat para kay daddy" Lumapit siya sa kaibigan at umupo din sa sofa. Siya na ang pumalit sa posisyon ni mr.Guirero dahil 2yrs ago ay nag resign na ito, bilang CEO ay nagagampanan niya naman ng maayos ang pagpapalakad ng kompanya. Kakabalik lang niya galing ibang bansa, mas gusto niya sa pilipinas dahil mas sanay siya na manirahan dito. "Pre, may ibabalita ako sayo." Lumapit sa kanya ang kaibigan at tinabihan siya sa upuan."Wag mong sabihin na kalukuhan na naman yan." Napapa ngisi at napapailing nalang siya sa kaibigan dahil kahit malayo sila ay puro kalukuhan lang ang mga ikini kwento nito sa kanya."Iba ito pare, seryuso. Si Leah pre, sabay kayong dumating dito sa pi
"Pre, anong problema?" Bungad ni Sammy sa kanya kadarating lang nito sa restaurant."Porkit tinawagan ka may problema agad, diba pweding kakain lang tayo." Sambit niya dito."Libre mo ba ito? Alam mong hindi ko afford ang pagkain dito." Pabirong sambit sa kanya ng kaibigan."Oo na, lagi naman eh.." "Yes! sabi na nga ba eh." "Waiter?" Tawag niya sa waiter na nakita niya."Pre ano nakita muna ba si Leah." Tanong sa kanya ni sammy na ikina taas ng kilay niya."Paano naman nasali si Leah." Singhal niya sa kaibigan sa mahinang boses."Wag kana mag diny pre, nakita kong umalis ka kanina katapos natin mag usap. Ano tama ang sabi ko diba ang na malaki ang pinagbago ni Leah." "Pwedi ba pre umorder ka nalang baka magbago pa isip ko, sa karenderya talaga bagsak natin makita mo." Nanahimik nalang si Sammy para hindi na makulitan si Lucas.Ibinigay na nila ang kanilang order sa waiter at saka uminom ng tubig si Lucas. Habang sumusipsip siya ng tubig sa baso ay napatingin siya sa babaeng naglala
Leah's POVKasalukuyan kami ni Noel naka upo sa balkunahi ng aming bahay. Dalawang maliit na bahay lang ang pagitan ng bahay ko at ang bahay ni Lucas, kaya kita ko nung may pumarada na magarang sasakyan. Sinipat ko kung kanino ba ito, ngunit dahil kita naman sa harap kung sino ang driver ay agad ko itong nakilala. Kumabog ang dibdib ko si Lucas matalim na nakatingin sa'min ni Noel. Paano siya nagkaroon ng magarang sasakyan? Alam kong nagtatrabaho siya sa isang sikat na kompanya. Sabagay matagal rin ako nawala baka nakaipon siya ng pambili ng sasakyan.Kunwari ay hindi ko alam na nakatingin lang siya sa'min, lumapit ako kay Noel at kunwaring naglalambing. "Anong ginagawa mo Leah?" Nagtatakang tanong niya dahil inakbayan ko siya at umupo pa ako sa kandungan niya."Wagkang magreklamo nakatingin satin si Lucas, magkunwari kang sweet tayo." Ani ko, na pilit ang ngiti para hindi halatang nagsasalita."Eh ano naman kung nandiyan siya?" Singhal nito."Ano kaba? Diba nag usap na tayo n plano
Kasalukuyang nasa bar si Lucas at Sammy kasama nila si Sofia dahil kanina lang ay magkasama ang dalawa bago inaya ni Lucas ang kaibigan. "Shot pre! Alam mo ba hindi ito nagiinom dati." Sambit ni Sammy sa kasama nila na si Sofia."Nahiihilo na ako pre, cr muna ako." Paalam niya sa kaibigan. Akma pa siyang mabubuwal nang pagtayo niya ay parang umiikot na ang kanyang paningin. Tinungo niya ang daan papunta sa banyo ng bar, ng matapos makapag banyo ay pabalik na sana siya sa kanilang lamesa nang napalingon siya sa gawi ng maiingay at natanaw niya si Leah. Ito pala ang naririnig niyang malakas na tumatawa. Tinitigan niya ito ng matalim dahil halos lahat ng mga kasama nito sa lamesa ay mga lalake may isang babae na naka kandong pa sa kasama nilang lalake hindi naman nito nakikita si Noel na may kalandian ding lalake dahil tago ito at natatakpan ng ibang mga kasamahan nito "Nasaan ba ang asawa nito? Paano siya pinapayagang mag bar ng ganitong oras?" Sambit niya sa sarili. Nakita niyang pa
Malapad ang ngiti ni Leah na nakahiga sa kama nito, hindi maputol putol ang ang ngiti nito sa mga labi na kanina pa iniimagine ang nangyari sa kanila ng lalaking iniibig. Maliwanag na ngunit hindi parin siya nakatulog dahil sa hindi makalimutan kung paano siya pinaligaya ng lalaking ibinaon niya ng matagal sa kanyang puso. "Leah..!" Bigla siyang natauhan sa malakas na katok mula sa pinto ng kanyang kwarto, sa gulat ay bigla siyang napatayo at kinabahan baka nalaman na ng kanyang ina ang nangyari sa kanila ni Lucas."Bakit 'ma?" Tanong nito sa ina ng pinagbuksan niya ito ng pinto. "Bakit naman hinayaan mo na sa sofa lang matulog ang iyong kaibigan, baka pinag pyestahan na yan ng lamok kagabi." Litanya sa kanya ng kanyang ina."Ho? Paanong dun siya natulog? E hinatid ko pa yan sa kwarto niya bago ako pumasok sa kwarto ko."Sagot nito sa ina na nagulat sa sinabi ng ina."Teka anak, bakit ang lalalim ng mga mata mo? Para kang zombie natulog kaba o hindi?!" Sambit ulit ng kanyang ina na
"Sir, kaylangan niyo pong e check ang files ni Miss Monica Villamonte." Sambit ng kanyang secretary habang inaabot ang folder na naglalaman ng detalye ng modelo.Isang sikat na modelo si Monica siya ang bagong nililigawan ng kompanya para maging modelo sa bagong brand ng whisky. "who's this?" Tanong niya ng kinuha niya ang folder na ipinatong sa lamesa ng kanyang secretary."Ang modelo na gustong kunin para sa bagong brand ng alak." Sambit ng secretary ni Lucas na nag abot sa kanya ng folder na naglalaman ng detalye ng modelo. Binuklat niya ang folder, binasa niya ang vital statistics ng modelo habang nakatingin sa litrato nito. Kita niya ang babaeng modelo na nasa litrato mahaba na maitim ang buhok at na binagayan ng medyo singkit na mata na may mahahabang pilik mata at pointed na ilong at medyo makapal na labi na mapula dahil sa lipstick.Kung ikokompara niya ito kay Leah, ay hindi sila masyado nagkakalayo sa ganda. Ang lamang lang nito sa dalaga ay dahil matangkad ito na hindi n
Hindi lang isang buwan, kundi apat na taon ang lumipas bago nakauwi ng pilipinas si Lucas. "Yes please, nasa airport na kami." Sambit niya sa kausap sa cellphone nang sumakay na siya sa sasakyang sumundo sa kanila ni Monica sa airport. Ibinaba na niya ang tawag mula kay Sammy na naghihintay sa kanyang penthouse sa kanilang pagdating. Si Sammy ay nagpahanda ng pagkain sa maids para sa pagdating ni Lucas at Monica, katulong niya si Sofia na ngayon ay kasintahan na nito. "Honey, paayos naman ng flower." Tawag nito sa kasintahan na kasalukuyang tinutulungang maglagay ng mga plato sa mahabang lamesa ang kasambahay."Okay." Ani ni Sofia."Kaylangan maganda at presentable ang dating para naman hindi nakakahiya sa kasintahan ni Lucas." Sambit nito na sinisipat pa ang bulaklak kung nasa gitna naba ito ng lamesa. "Maayos yan ikaw pa." Ani naman ni Sofia na proud sa kasintahang si Sammy.Napaka elegante ng pagkaka ayos nila sa lamesa na may anim na hilirang upuan, at tig iisa sa dulo may ini