Share

CHAPTER 39.2

-CALI'S POV-

"Okay! Sabay-sabay natin siyang batiin! Si Mickey Mouse!"

Sabay-sabay na pumalakpak ang mga bata habang hindi naaalis ang ngiti sa kanilang labi.

"Hello, Mickey Mouse!" saad nila sabay lapit nila sa naka-mascot ng Mickey Mouse. Niyakap nila ito at nakipag-apir pa. Ngunit ang nakakapagtaka lang ay sa akin nakatingin ang naka-mascot na 'yon. Nang tignan ko rin ito ay 'tsaka umiwas ng tingin.

Pasimple kong nilibot ang aking paningin, nagbabakasakaling narito na si Dayne, ngunit kahit anino niya ay wala.

"Nasaan ka na ba, Dayne?" bulong ko sa hangin.

Nagpasya na lang akong pumunta sa harapan upang samahan si kuyang naka-mascot.

"Kuya Mickey Mouse, marunong ka bang sumayaw?" tanong ng isa sa mga bata.

Nakita ko ang pag-iling ni kuyang naka-mascot habang umiiwas sa mga bata. Marahil ay nahihiya

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status