Share

52

Mag-asawang sampal agad ang ipinatikim ko kay Pearl pagbukas pa lang nito ng pinto sa akin. Hindi pa ako nakontento. Sinugod ko siya ng isa pang sampal. Nagulat ito sandali bago gumanti rin ng sampal sa akin. Nakailag ako kaya sa balikat ko nag-landing ang kamay niya.

“Magkano?! Magkano ang ibinayad sa iyo ni Marga para lokohin ako?! Pearl naman! Pinagkatiwalaan kita! Kaibigan kitang gaga ka!” tungayaw ko. Wala na akong pakialam kung bulabugin ko man ng gising ang lahat ng mga kapitbahay nito sa madaling-araw.

Inayos nito ang sarili saka tinawanan ako. “Wow, Xylca. Sa tono ng pananalita mo, parang ang linis mo, a. Hoy linta, hindi ka malinis. Manloloko ka rin tulad ko!”

“Oo, inaamin ko iyon pero kailanman, hindi ko nagawang manloko ng isang kaibigan. Magkano ang ibinigay sa iyo ni Marga para pumayag kang i-set up ako?”

Ngumisi ito. “Pera-pera lang naman ang lahat, Xylca. Ano ba ang ipinagkaiba mo sa akin?”

“Wag mong ilihis ang usapan! Magkano nga?!”

Tumawa ito saka nailing. “Alam mo,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status