Share

Chapter 35

Huminga ako nang malalim habang dahan-dahan na hinawakan ang kaniyang mga kamay. "Hayaan mo Nay at darating din ang araw na iyan. Sa ngayon ay pansamantala muna akong titira roon sa kanila alang-alang sa kagustuhan ni Marcelo. Huwag kayong mag-alala Nay dahil maayos naman ang aking lagay doon, hindi ko man kayo makausap at makasama araw-araw subalit palagi naman kayong naririto sa aking puso, " mahinahon na sabi ko pa kay Nanay habang may malalim na iniisip.

"Sa totoo lang anak, hindi man sa sinisiraan ko 'yung mommy ni Marcelo. Kasi parang wala akong tiwala sa babaeng iyon, kasi parang ang suplada at napakamatapobre pa. Sa katunayan nga nang malaman ko na siya lang pala ang kasama mo roon dahil parating wala si Marcelo ay bigla akong nanghinaan ng loob at parang kinakabahan na lang bigla para sa iyo, " wika pa ni Nanay sabay huminga nang malalim. " Talaga bang okay at maayos lang ang iyong lagay doon anak? Kapag may hindi magandang ginawa ang babaeng iyon sa iyo huwag na huwag kang m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status