Nang papasok na sana si Freyja sa sasakyan, may humawak sa braso niya.Humarap siya at nakatinginan si Colton. Malalim ang tingin niya. Kahit na nakatingin siya kay Freyja, kinakausap niya si James. “Mr. Tell, may kailangan akong sabihin kay Ms. Pruitt. Bakit hindi si Ms. Peterson ang ihatid mo?”Nagulat si James. “Ano?”‘Anong tingin niya sa'kin cab?’Bago pa may masabi si Freyja, hinila na siya ni Colton palayo.Pinanood ni Giselle na maglakad silang dalawa papunta sa ibang sasakyan. Madiin niyang kinagat ang labi niya at nagdilim ang mukha niya. Pero, bumalik agad siya sa normal at ngumiti kay James. “Sana ay ayos lang sa'yo, Mr. Tell.”Naningkit ang mata ni James at pinag-aralan siya. Pagkatapos nang ilang sandali, nagkibit-balikat siya at sinabing, “Whatever's. Pasok ka na sa sasakyan.”Sa kabilang banda, nakatingin si Freyja sa labas ng bintana.Tiningnan siya ni Colton at tinanong, “Mukhang malapit ka sa lalaki na yon, huh?”Saglit na nagulat si Freyja. Humarap siya at
Tumayo si Daisie at lumapit sa kaniya. “Anong problema?”Huminga nang malalim si Freyja at sinabing, “Hindi ko alam kung sino ang nagsulat ng script na ‘to pero ginaya lang niya ‘yan.”Kinuha ni Daisie ang laptop na inabot sa kaniya ni Freyja at lumapit sa couch. Pagkatapos tingnan ang nasa script, sinabi niyang, “Oh my gosh, tama ka. Nagbago lang ang story background at pangalan ng character. Pareho na ang lahat.”Binaba niya ang laptop at nagpatuloy. “Freyja, may copyright ka ba?”“Oo. Na-publish ko ang sa'kin sa internet pero hindi ako nagbebenta ng copyright. Kahit na may gusto bumili ng copyright, kakausapin nila ako.”Pero, ang problema ay walang kumausap sa kaniya at wala siyang ideya tungkol sa panggagaya na ‘yon.Hindi nagtagal, nalaman ni Daisie ang novel na pinanggalingan ng script. Four years ago na nang ma-publish yon at tapos na ang series. Pareho nilang hindi inakala na sikat ito sa platform kahit na ginaya lamang ito.Kinabukasan, nahanap ni Daisie ang producer n
Seryosong tiningnan ni Daisie si Freyja at sinabing, “Kasalanan nila ‘to pero hindi natin pwedeng hayaan na samantalahin nila tayo. Kung masama ang mangyayari, isasama natin sila sa pagbagsak natin. Hindi natin kailangan matakot sa kanila.”Nagulat si Freyja at may ngiti sa mukha niya. “Salamat, Daisie, pero hindi ko ‘yon gagawin sa kanila.”Nagulat si Daisie. “Pero sila—“Oo, sinira nila ang tiwala ko, pero kung hindi dahil sa kanila, hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na ma-publish ang gawa ko,” kalmadong sabi ni Freyja. “Ngayong patas na kami, tatapusin ko na ang kontrata ko sa kanila.”Dahil sinira nila ang tiwala niya, malabo na makipagtrabaho pa siya sa kanila.Nang gabi, sa Seaview villa…Pagkatapos maligo ni Freyja, nakatanggap siya ng tawag mula sa editor niya. “Freyja, anong ibig sabihin mo dito? Sigurado ka ba na gusto mong tapusin ang kontrata mo sa amin?”Habang pinapatuyo niya ang buhok niya, malamig niyang sinabi, “Oo. Nakapag desisyon na ako.”“Nababaliw ka na
Tahimik nilang tinitigan ang isa't isa. Pagkatapos ng ilang sandali, inayos niya ang kaniyang katawan at tumikhim. “Sa wakas. May sinabi ka na rin na matino.”Tumawa si Freyja. “Well, hindi nakakairita tingnan kapag tahimik ka.”Natahimik si Colton.Sa normal na pagkakataon, lalaban na dapat siya pero nang makita kung gaano siya kasaya, hindi niya alam kung bakit pero naramdaman niya na mas magandang manahimik paminsan-minsan.Wala siyang sinabi pagkatapos nang ilang sandali.Hindi na napigilan ni Freyja ang sarili niya at tumawa. Hinila niya ang sleeve ni Colton at sinabing, “Hanggang kailan ka mananahimik nang ganito?”Humalukipkip siya at nahihiyang iniwas ang ulo niya. “A… ayaw ko lang magsalita.”“Talaga?” tumawa si Freyja.Alam niya na si Colton yung tao na ayaw ipakita ang totoo niyang emosyon sa ibang tao. Hindi lang niya inakala na na may cute side siya. Nang sinabi niya na hindi siya mukhang nakakairita kapag tahimik siya, hindi niya inakala na seseryosohin ni Colton
May naisip si Daisie at biglang tinanong, “Mr. Johnson, may alam ka bang director na nagda-direct ng suspense drama o pelikula?”Nagulat siya. “Bakit tinatanong mo sa akin ‘to?”Sumagot si Daisie, “May kaibigan ako na author, at magaling siya sa pagsusulat ng suspense novel—”“Huminto ka diyan.” Inangat ni Charlie ang kamay niya para patigilin si Daisie. “Daisie, hindi naman sa gusto kong gawing mahirap ang mga bagay sa'yo, pero kapag gusto ng isang kilalang direktor magsimula ng project na base sa nobela, mas gusto nila ang kilalang nobela na may intellectual property. Dabil bukod sa pagpili ng nobela na gusto nila, kailangan nilang isama ang kagustuhan ng mga investor, kasama ang kita, gastos, at epekto na mabibigay ng crew sa mga manonood gamit ang camera.“Ang film adaptation bg literary work ay hindi isang bagay na masisimulan mo dahil sa gusto mong gumastos ng pera. Walang direktor ang may gusto na magbigay ng malaking effort sa bagay na magiging kawalan ng pera sa huli.”Ni
Samantala, sa Blackgold…Inabot ni Leonardo kay Colton ang copyright contract ng maraming libro na pinirmahan nila sa overseas online novel platform company at nagtataka na tinanong, “Mr. Goldmann, anong plano mong gawin sa mga kontrata na ‘to ngayong binili mo ang copyright ng lahat ng libro na ito?”Bahagyang inangat ni Colton ang tingin niya. “Wala ka na dito. Sabihin mo lang sa kumpanya na dahil binili ko na ang lahat ng copyright, hindi na nila pwedeng abusuhin ang paghihirap ng author ng mga libro na ‘to.”Nilinaw ni Colton ang sarili niya kaya hindi na nagtanong pa si Leonardo at sumunod na lang sa inutos sa kaniya.Lumabas siya ng opisina at nakasalubong si Giselle sa entrance ng elevator.Ngumiti si Leonardo at lumapit. “Ms. Peterson.”May hawak na ilang dokumento si Giselle sa kamay niya at tumango. “Nandiyan si Mr. Goldmann, hindi ba?”“Oo, nandito ka ba para magpasa ng report? Pero, may nagbibigay naman mula sa finance department non dito, kaya hindi mo kailangan gaw
Ngumiti si Freyja. “Ayos lang. Ikaw ang nagsabi na bata pa ako, hindi ba? Hindi naman ibig sabihin hindi na ako makakapagsulat.”Sumandal si Daisie sa likod ng couch. “Pero naiinis pa rin ako dito. Pang-aapi ‘to!”‘Iba pa na nasa kumpanya pa rin ang copyright ni Freyja kahit natapos ang kontrata nila, pero ang isa pa ay wala siyang makukuha na bayad sa bagay na pagmamay-ari niya. Dapat mawala sa business at ma-bankrupt ang ganiyang kumpanya!’Umupo si Freyja sa gilid niya. “Daisie, hindi ba't gusto mo ang script? Kunin mo na.”Tumigil siya sandali at bumaba ang tingin. “Pero…”‘Ang rason kung bakit hindi ko ‘yon tinanggap ay dahil kay Freyja ang copyright non pero may s*raulo na kumuha ng lahat ng tagumpay dahil dito.‘Kaya kahit gaano ko kagusto yung script, hindi ko tatanggapin.’Alam ni Freyja na nag-aalala sa kaniya si Daisie at nilagay ang palad niya sa likod ng kamay ni Daisie. “Kahit na hindi na sa akin ang copyright at wala na akong kinalaman sa trabaho nila, sinulat ko
Dahil doon, hindi nakakagulat na pupunta siya para makipagkita sa kaniya pagkatapos malaman ang relasyon niya kay Colton.Uminom lang si Giselle ng tsaa pero walang kinain. “Bakit hindi mo pa gawing public? May problema ba sa parte mo?”Parang may kakaibang ibig sabihin ang tanong niya.Kung totoo at tunay ang nararamdaman ng dalawang tao, natural lang na gawin nilang publiko ang relasyon nila.At kapag pinili nila na hindi ito gawin, hindi yon makatarungan, o masyadong magulo ang family background niya.Saglit na natahimik ang paligid, at kalmado na sumagot si Freyja, “Bakit hindi mo pesonal na tinanong sa kaniya kung bakit hindi niya nilalabas sa publiko ang relasyon namin? Sa tingin ko kung gusto niyang sabihin sa'yo, hindi mo sana kinailangan na puntahan ako.”Natigil sandali si Giselle, mukhang bahagyang nagulat.Inakala niya na may pakialam din si Freyja sa magulo niyang background kaya hindi niya gustong ipubliko ang relasyon niya. Kung tutuusin, si Colton ang pangalawang