Nagulat si Daisie. Doon niya lang napagtanto na ang batang lalaki sa harap niya ay si Cameron.‘Pero ang bata pa niya!’Akala niya ay matanda na si Sunny at ang anak niya ay nasa 30 hanggang 40 years old, dahil sa tawag sa kanila.Inangat ni Cameron ang mata niya at binaba ang kaniyang tasa. “Malakas ang loob niyong dalawa. Sigurado ako na hindi lang kayo ordinaryong businessman dabil sa may tapang kayo na kalabanin ang The Serpents pagkarating niyo pa lang sa East Island.”Habang tinitingnan si Waylon, nagpatuloy siya. “Ang mga businessman na pumupunta sa East Island at kadalasang nakasuot ng mamahaling damit para ipakita ang estado nila. Kapag mas mayaman ang businessman, mas tinatanggap sila sa isla. Kung tutuusin, walang may gustong mawalan ng pagkakataon para makuha ang matabang tupa na pumunta sa kanilang pinto.“Para sa'yo, sir, kahit na mukha kang nakasuot nang walang brand na damit, kung titingnan nang maayos, ang damit mi ay specially-tailored at minsan lang sila sa mark
Tiningnan siya ni Cameron at nanahimik siya.Nagbibigay ng instruction ang butler sa mga katulong nang dumating si Cameron sa courtyard. Tumingin ang butler aa kaniya at nakangiti siyang binati, “Nakabalik ka na, Mr. Southern.”“Nasaan ang dad ko?” tanong niya.“Nasa study room si Mr. Southern Sr. at nakikipag-usap sa bisita niya,” sagot ng butler.“Ibang bisita?” Inangat ni Cameron ang kilay niya. “Mukhang napaparami ang bisita nitong mga nakaraan.”Nagpatuloy ang butler. “Mula sa Metropolis ang bisita na ito. Mukhang gusto nila gumawa ng alyansa kasama si Mr. Southern Sr.”Narinig ni Cameron ang Metropolis mula sa Morwich noon.May makapangyarihan na organisasyon sa North Ancora, at ang leader nila na si Strix ay may reputasyon din sa medical field. Nagretiro lang siya at kinuha ang pangalan na Henry. Hindi lang yon, maganda rin ang relasyon niya sa royal family.Mukhang may gagawin ang organisasyon ng Ora. Kung wala, hindi dapat pupunta ag Metropolis dito para lang makipag a
Yumuko si Daisie. “Alam ko, alam ko. Iiwas na ako sa lahat ng kapahamakan para sa kaligtasan niyo.”Nang biglang may pumasok sa isip niya at napatanong siya, “Tita Saydie, nakakuha ka na ba ng balita tungkol kay Nollace?” Umiling si Saydie. “Sa tingin ko hindi niya ginagamit ang totoo niyang pangalan hangga’t nasa East Island pa siya lalo na’t nandoon din si Donald. Maingat na lalaki si Nollace kaya siguro gumagamit lang siya ng simbolo ngayon.”Siguro nahirapan silang hanapin si Nollace sa ginagamit niyang simbolo. Natahimik si Daisie. Parang may malalim siyang iniisip. …Sa kalayuan mula sa East Islands, namumuo ang hidwaan sa The Commune. Nagalit si Joaqin Serrano nang natanggap niya ang balita. “Anong ibig sabihin nito? Kumuha ang matandang iyon ng kung sinong tagalabas para kunin ang The Commune!?” Teritoryo ng The Serpents ang The Commune. Sa loob ng maraming taon ayaw talaga ni Sunny Southern na ibigay ang kontrol sa teritoryong iyon sa mga The Serpents pero si Sunny
Kinabukasan, hinanap ni Daisie sa Waylon sa kabila ng kwarto niya. Kakatok na na siya nang mapansin niya na hindi naman nakasara nang maayos ang pinto. Sumilip siya sa maliit na butas at nakita si Waylon na nakikipagusap sa lalaki sa harap ng kaniyang bintana. “Sigurado ka na si Neal Beck iyon?” Tumango ang lalaki. “Oo, tiningnan ko pa nang mas malapit. Ang alam lang nila ay parang isa siya sa mga nakilala ni VIP Cameron Southern habang may business siya sa ibang bansa. Importante siyang tao, lalo na’t ginawa rin siyang governor ng The Commune ni Mr. Southern—tradisyonal na teritoryo iyon ng mga The Serpents.”Naningkit ang mata ni Waylon.‘Neal Beck…isang taong inuwi ng mga Southern.’ Kung hindi niya alam na niligtas ni Cameron si Nollace, siguro hindi siya magtataka na isang simbolo lamang ang ‘Neal Beck’.Si Nollace ang Neal na iyon. “Ituloy mo na ang trabaho mo. Tingnan mo kung makakakuha ka pa ng mga impormasyon.”Tumango ang lalaki. “Understood.” Sumandal si Daisie s
Tumingin ang babae sa kurtina. Nakikita niya ang anino na mapapansin sa veil. “Gusto ipakasal ni Joaqin si Ms. Serrano sayo.”Napahinto ang anino na nasa loob, nakalagay pa rin ang suklay sa maitim at madulas niyang buhok. May tawa na biglang lumabas mula sa likod ng kurtina. “Oh, nakakatawa talaga si Joaqin. Isipin mo, gusto niyang ipakasal ako sa maingay na chimpanzee!”Tumingin ang babae sa sahig. “Tumanggi si Mr. Southern.” Tapos na si Cameron mag gupit. Lumabas na ang anino mula sa kurtina, malinis at makinis ang gupit at mas naging gwapo pa sa kaniyang bayaning aura. Nababalot sa kaniyang mukha ang bakas ng kahinaan, pagiging kalmado, at hindi siya natutuwa. “So, talagang hindi natuwa ang The Serpents sa desisyon ni Dad na ibigay kay Mr. Beck ang pangangalaga sa The Commune? At ang solusyon na naiisip nila ay ang political marriage. Well, kawawa namab sila. Hindi ako… ‘husband’ material.”Suminghal ang babae. “Isang potensyal na pagsubok iyon sa iyong pagkakakilanlan. Ayun l
Parang ang baba ng tingin ni Sunny sa The Serpents.Nagulat si Cameron kung gaano kalinaw ang pag-intindi ni Nollace sa. Maikli lang ang oras na magkasama sila ni Nollace pero sapat na iyon para maisip niya na isang observant, matalino, perceptive, at magaling si Nollace. Hindi niya sinasabi lahat ng nasa isip niya at hindi siya nag iiwan ng bakas na magpapabago sa kaniya. Misteryoso siya. Pag mas misteryoso ang lalaki, mas nagiging nakakatakot siya. Para kay Cameron isa siyang kalaban—alam ni Cameron na hindi siya makakatakas sa kaniya.Inikot ni Cameron ang kamay niya sa teacup at masayang ngumiti. “Hindi naman ako sobrang natatakot sa plano ni Joaqin. Ang anak niya ang nagiging sakit sa katawan ko.”Naningkit ang mata ni Nollace at tahimik siya.Pinatong ni Cameron ang mukha niya sa isa niyang palad at sumandal sa armrest na parang tinatamad. “May nakasalubong akong dalawang foreigner sa restaurant noong nakaraan,” sabi niya, kinikilatis ang reaksyon ni Nollace. “Magkapatid at
Nawala ang ngiti ni Cameron.Hindi na hinintay ni Nollace ang sagot niya. Kinuha niya ang jacket niya at umalis. Sigurado siya na ang magiging sagot lang doon ay oo.Hinintay ni Cameron ang pag-alis ni Nollace sa pinto bago siya sumandal sa kaniyang upuan, naging malalim ang iniisip niya.May babaeng lumapit sa kaniya mula sa gilid at sinabihan siya, “Mr. Cameron? Inimbitahan ka ni Ms. Serrano ng isang date sa restaurant.”Isang ngiti ang lumabas sa labi ni Cameron. “At hindi talaga siya makapaghintay.”…Ang venue ay hindi mapapasukan ng ibang tao. Malinaw na kinuha ni Florence ang buong venue para maging sa kaniya lang. Ngayon, ang mga bodyguards niya ay nakatayo sa labas na parang row of samurais.May kasamang dalawang babae si Cameron. Nakita niya si Florence na inaayos ang make up niya habang nakaupo, nakatitig siya sa compact mirror. “Ah, Cameron! Masyado mo akong pinaghintay.”Tumunog ang takip ng lipstick niya. Tumingin siya sa taas at nangaakit na ngumiti kay Cameron.
Nilagay ni Florence ang sarili niya sa kapahamakan.Hindi niya inaasahan na ganun ka-alerto si Cameron pero kung hindi niya iyon ininom ibig sabihin lang nito ay may nilagay talaga siya sa wine.Pag nahuli siya, hindi siya pababayaan na makaalis ni Cameron pati ang mga The Serpents.Kinuha niya ang wine at ininom ito.Wala ng laman ang glass kahit isang patay. “Pwede na ba iyan?”Pumalakpak si Cameron. “Magaling ka pala uminom.”Tumalikod siya at inutusan ang babae sa likod niya na kumuha ng bagong wine. Dinala iyon ng babae, binuksan ito, at nilagyan ang decanter. Kumuha ng malinis na glass si Cameron at nilagay ang wine. Napansin niya kung gaano ka-tipsy si Florence, ngumiti siya. “Anong problema, Ms. Serrano? Hindi ba mabuti pakiramdam mo?”Nag-igting ang ngipin ni Florence. “Naalala ko may dapat pala akong puntahan. Kailangan ko ng umalis.”Lumabas na ang epekto. Dapat hindi marami ang nilagay niyang dosage.Mabilis na tumayo si Florence at umalis, hindi siya pinigilan n