Share

Kabanata 8

“Ang sabi sa amin ni Mommy pwede lang namin sabihing Her Royal Highness ang pangalan niya kapag mayroong magtanong.” Tumawa si Daisie.

Hindi napigilan ni Nova ang matawa, pero kaagad niya itong pinigil.

‘Haha, hindi ba’t napaka-adorable ng dalawang batang ito? Anong klaseng ina ang nagtuturo sa kanila?’

Dumapo ang tingin ni Nolan kay Waylon na kamukhang-kamukha niya.

Kung hindi dahil sa katotohanang si Willow lang ang nakatalik niya, mapapaisip siya kung siya nga ang ama ng dalawang batang ito.

Tiningnan ni Daisie ang relo niya at sinabing, “Mr. Pogi, kailangan na namin umuwi. Kung hindi, mag-aalala na si Her Royal Highness.:

Binaba siya ni Nolan, tumalikod at sinabi kay Quincy, “Ihatid mo silang dalawa.”

Sandaling natulala si Quincy bagio tumango. “Yes, sir.”

“Paalam po, Mr. Pogi!” Kinawayan ni Daisie si Nolan, hinawakan niya ang kamay ng kapatid at umalis sa studio kasama ni Quincy.

Sa sandaling nakalabas siya, masaya niyang pinakita kay Waylon ang hibla ng buhok.

Hinila ni Daisie ang laylayan ng damit ni Quincy habang papalabas sila sa entrance ng building. “Sir, mayroon pong sakit ang mommy namin, at nasa ospital siya. Pwede niyo po ba kaming ihatid sa ospital?”

Nagulat si Quincy. Pinuri niya sa kaniyang isip ang kabutihan ng dalawang bata. “Sige, sumakay na kayo sa kots.

Sa Seaview Villa…

Umuwi si Maisie ngunit si Colton lang ang nakita niya na nagpa-praktis ng piano mag-isa. Nagpalinga-linga siya. “Nasaan si Daisie at Waylon?”

Sumagot si Colton, “Lumabas sina Waylon at Daisie para mag-apply bilang child models. Kasama nila si Ninang.”

Nilapag ni Maisie ang kaniyang bag sa sofa at nagulat sa narinig niyang sagot. “Nag-apply para maging child models?”

“Opo, masiyado daw po kayong nagpapakapagod sa trabaho para kumita ng pera, at gusto nila kayong tulungan.

Lumapit si Maisie sa tabi ni Colton at hinaplos ang ulo nito. Nagreklamo naman si Colton, “Mommy, huwag niyong guluhin ang buhok ko.”

“Oh, galit ba ang musical genius namin?”

“Hmph!” Namula ang mga pisngi ni Colton.

“Colton, hindi niyo ako kailangang tulungang tatlo. Kaya pa rin kayong palakihin at suportahan ni Mommy.” Bumigat ang loob ni Maisie nang makita ang pag-aalala ng mga anak.

“Hindi, Mommy. Sobra-sobra na po ang pagtatrabaho niyo, at hindi namin pwedeng balewalain na lang iyon. Oo nga pala, Mommy, naka-enroll na ako sa Royal Academy of Music ng Zlokova. Hindi mo na kailangang mag-alala sa tuition. Mayroon akong pera.”

“At hintayin niyong makakuha ako ng scholarship. Pwede niyong ipadala sina Waylon at Daisie sa international schools para mag-aral. Mommy, magtrabaho lang kayo para sa mga bagay na gusto niyong gawin.”

Bumagsak ang luha ni Maisie sa labis na pagka-antig ng kaniyang puso. “Napakagaling ng little Beethoven ko. Alam mo na rin kung paano kumita ng tuition para sa mga kapatid mo.”

Nadiskubre lamang niyang mayroong ganitong talento si Colton nang nasa huling stage na ito ng toddlerhood. Binigyan pa nga ng exception ng Newlander Music Academy sa Stoslo si Colton at gusto nila itong kkunin, pero hindi niya ipinadala roon si Colton dahil nag-aalala siyang masiyado pa itong bata.

Gayunpaman, limang taon na si Colton ngayon. Kahit na gusto niyang maghintay hanggang mag-anim na taon ito bago ipadala sa eskwelahan, mahal na mahal ni Colton ang music at matataas ang kaniyang grado. Kaya naman, hindi niya kayang sirain ang pangarap ng mga anak niya.

“Mommy, Your Royal Highness, nakabalik na kami!”

Nakauwi na sina Daisie at Wayon, at sinalubong naman sila ng yakap ni Maisie. “Sinabi sa akin ni Colton na pumunta kayo sa audition?”

“Uh-huh, at napili kami. Ang galing namin, no?” Kumukurap-kurap pa si Daisie habang sumisigaw.

Hinalikan sila sa pisngi ni Maisie. “Ang galing niyo! Bigyan niyo ng oras si Mommy. Ipagluluto kayo ni Mommy.”

Kahit gaano kasama ang mood niya, lahat iyon ay naglalaho kapag nakikita niya ang tatlong bata.

Nagdikit-dikit kaagad ang tatlo nang makapasok si Maisie sa kusina, mahinang nagtanong si Colton, “Anong nangyari?”

Kaagad na sumagot si Waylon, “Huwag kang mag-alala, dinala ko na sa ospital para sa examination. Dalawang araw bago lumabas ang resulta.”

Tinapik ulit ni Daisie ang dibdib niya. “Hindi pumapalpak ang mga plano ko.”

Sa bahay ng mga Vanderbilt…

"Anong sinabi mo? Si Designer Zora ay ang bruhang Maisie na iyon?" Hindi mapigilan ni Leila ang sumigaw nang marinig niya ang reklam ng anak.

'Hindi lang bumalik ang bruhang iyon sa bansa niya, pero siya rin ang sikat na designer na si Zora? at siya rin ang taony kinuha ni Mr. Goldmann mula sa ibang bansa na binayaran nang napakalaki para tulungan ang anak kong isalba ang Vaenna Jewelry?'

'Anim na taon ng nagpapanggap ang anak ko bilang babae nang gabing iyon. Kapag nalaman ng bruhang iyon na si Mr. Goldmann ang lalaking nakatalik niya noong gabing iyon n, aagawin ba niya si Nolan sa anak ko?'

"Ma, anong dapat kong gawin?" Labis ang pag-aalala ni Willow.

Malamig na nakangisi si Leila. "Ano naman kung siya si Zora? huwag mong kalimutan na mayron kang Mr.Goldmann na masasandalan. Hindi siya maglalakas-loob na manggulo kapay nariyan si Mr.Goldmann.

"Oo nga pala, dahil bumalik na ang bruhang iyon sa Zlokaba, kailangan magkaroon ng pagbabago sa inyo ni Mr. Goldmann. Mas mabuting mabuntis ka na. Magiging Mrs.Goldmann ka basta ipagdalang-tao mo ang anak niya."

Nang mabanggit ang pagbubuntis, bumagsak ang mga mata ni Willow. "Pero sa anim na taon ay hindi ako hinawakan man lang ni Mr.Goldmann."

'Gusto ko rin na mangyari iyon, pero kailangan ko siyang mapapayag.'

Habang pinagmamasdan ang inosenteng ekspresyon ng anak, nag-aalalang nagtanong si Leila, "Tanga ka ba? gaano ka katagal maghihintay kung hihintayin mo pang siya ang magsimula? Ikaw dapat ang kumilos. Gaano ba karaming lalaki sa mundo ang makakatanggi sa tukso?"

Sandaling nagulat si Willow sa tinuro ng ina.

'Ayaw kong basta-bastang magpakita ng motibo dahil sa anim na taon ay hindi nagpakita ng motibo sa akin si Nolan. Pero tama si Mama, ako dapat amg kumilos.'

Nahihiya siyany ngumiti. "Ma, alam ko na."
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku sana malaman agad ni m nolan na mga anak nya yong mga bata at sana malaman nyang hibdi si willow yong nakatslik nya ng gabing iyon
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status