Share

Kabanata 47

Pilit kong inabot ang puting damit ni Dwayne na nasa may paanan namin bago isinuot iyon. Dahan-dahan akong bumangon. Pakiramdam ko nanginginig pa ang tuhod ko pero kailangan ko nang bumangon dahil may pasok pa ang kambal. 

Mahimbing pa ang tulog ni Dwayne na nakadapa sa kama at tanging kumot lang ang takip nito sa katawan.

Namula ako bago nagmamadaling magtungo sa banyo para maligo.

Dinama ko ang aking pisngi. Maiinit ang mga iyon. Bigla akong nahiya sa sarili ko habang nagpa-flash sa utak ko ang mga namagitan sa amin kagabi.

I gave in last night. Nilamon ko lahat ng mga salitang binitiwan ko.

Hindi lang ako bumigay. Kundi bumigay ako ng todo sa mga haplos at yakap niya. Iyong sinasabi ko na hindi ako marupok. Hindi pala iyon totoo. Bakit pagdating sa kanya para ako laging sinisilaban samantalang dati kulang na lang mandiri ako kapag sinusubukan akong halikan ni Roy. Pero si Dwayne, dampi pa lang ng kamay niya nanlalambot na ang mga tuhod ko.<

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Josefine Lejoc
nice story author congrats
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status