Share

Kabanata 58

REBECCA

Living with Dwayne is not bad. Kung noong una ay ayaw ko at nagdadalawang isip ako kung tama ba na sinunod ko ang gusto niya at sumama sa kanya pabalik ng Maynila, ngayon naisip ko na tama lang pala ang naging desisyon ko. Mabuti na lang pala at hindi naging matigas ang ulo ko at sumunod ako sa gusto niya.

Dati pilit ko siyang iniiwasan dahil natatakot akong malaman niya ang sekreto ko pero ngayon iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo. Paano ko ipagtatapat na siya talaga ang ama ng mga anak ko.

Siguro panahon na para malaman niya ang katotohanan. Panahon na para aminin ko ang totoo at huwag nang unahin ang takot na nararamdaman ko. Alam ko naman na hindi ko maitatago habang buhay ang totoo. Malalaman at malalaman pa rin niya kaya mas mabuting sa akin na manggaling ang lahat.

Kailangan ko lang mag-ipon ng lakas ng loob at humanap ng tamang tiyempo.

Nagiging maayos na ang pagsasama namin. Kahit na hanggang ngayon wala pa rin akong matandaan kung paano kami nakasal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status