Share

Chapter 23

Third Person's POV

Kita sa mukha ng ginang na si Aileen D'Andrea ang pagka aligaga nito habang hinihintay si Claret, ang anak niyang matagal ng nawalay sa kaniya.

Maayos ang postura nito at nakasuot ng bestida na abot paa nito. Panay ang tingin sa pinto at hinintay na magbukas iyon at pumasok si Claret. Kita ang mumunting butil ng pawis sa magandang mukha nito, halatang kinakabahan.

Sa tabi niya naman ang kaniyang asawa, si Ricardo D'Andrea. Kalmado lang ito habang sumisimsim sa kape na hawak. Hindi na nito pinuna ang asawa na hindi mapakali sa kinauupuan nito.

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtayo ng ginang nang sa wakas ay nagbukas ang pinto at si Claret ang nakita niyang pumasok. Awtomatikong nangilid ang luha ng ginang.

Tikom lang ang bibig ni Claret habang pinagmamasdan ang nanay ni Selene... Ang nanay niya.

Hindi mapigilang mapakunot ang noo ni Claret nang makita sa tabi ng ginang ang isang malaking lalake na hula niya ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status