Share

13

Masaya akong binati ng security guard nang dumating ako sa trabaho. Sa totoo lang hindi ko alam kong bakit maaga akong gumising, bumangon at pumasok sa opisina. Baka excited lang talaga akong makita si Grace. 

Wala pang empleyado sa 18th floor. Ako lang ang tao. Binigay sakin ni Papa ang lahat ng susi ng kwarto pati mga drawer kaya pwedeng pwede na akong magimbestiga. 

Mabigat man ang loob ko ay inumpisahan ko ang paghahanap ng ebidensya sa gamit ni Grace. Inisa isa ko ang lahat ng folder sa drawer nya, binuksan ko rin ang desktop computer pero may password. 

Sinunod ko ang opisina ni Paulo na walang kahirap hirap akong nakapasok. Maaliwas ang kwarto hindi katulad ng pagmumukha ni Paulo na sing dilim ng kalangitan kapag gabi. 

Pinuntahan ko agad ang computer pero gaya ng kay Grace ay may nakaset din napassword kaya naghalungkat nalang ako sa drawer nya. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status