"Bakla, type ka yata nang isang lalaki doon sa grupong 'yon ah." Tinuro pa ni Gladys ang grupo ng anim na kalalakihan, kung saan naroon si Steve. "Gwapo ha, laki pa ng muscle oh!" giit niya pa. Ako naman ay nagkukunwaring walang pakialam sabay inom sa hawak kong beer.
Hindi ko rin tuloy maiwasang mapatingin sa gawi nila habang tumatagay. Wala namang itulak kabigin sa magkakaibigang iyon. May mukhang Espanyol, Pinoy, 'yong iba naman ay hindi ko matukoy. Pero si Steve, mukha siyang Black American na kinula ng dalawang araw, kaya pumusyaw ng kaunti.
"Maliit etits niyan day!" biglang singit ni Aiza na ikinasamid ko. Pakiramdam ko'y kinulang ako ng hangin sa katawan bigla ng dahil sa sinabi niya. "Sabi kasi nila, kapag malaki ang muscle... kikiam lang ang nasa ibaba." baliwalang saad niya pa.
Kung saan man nakuha o narinig ni Aiza ang kasabihang iyon, pwes scam 'yon! Ako ang makapag papatunay na kapag malaki ang muscle bulldog ang nasa ibaba. Walangya! Kung hindi lang ako nahihiya at pag-iisipan ng kung ano-ano, baka sa ospital ako dumiretso matapos ang gabing may nangyari sa amin! Aba daig ko pa ang inararo ng sampung kabayo kinaumagahan, matapos ang gabing iyon!
"May mga jowa na kaya ang mga yan? Type ko pa naman 'yong isa. Pucha! Makatuluyan ko lang ang isa sa kanila... kahit ihi na lang ang pahinga!" sambit ni Gladys. Akala mo naman talaga e' papatulan siya ng sino man sa mga lalaking 'yon.
"Ako, madiligan lang pitong beses sa isang linggo sapat na!" giit naman ni Aiza na ikinairap ko. "Ikaw ba Jewel, sinong type mo at anong gusto mo sa kanila?" tanong niya pa.
"Basta may pa-LBC... ako na mismo ang mag po-propose sa kaniya," sagot ko naman sabay tungga ulit sa beer na hawak ko.
"Mga binibini, pinapabigay sa inyo. Lakas n'yo ah! May pa beer na, may pa lechong manok pang kasama!" Nakangising bungad sa amin ni Natoy. Isa sa mga waiters dito sa Club-V.
Ibinaba niya lang ang isang case pa ulit ng beer at isang lechong manok na pulutan. Matapos iyon ay kumindat pa siya sa akin na ikinairap ko naman, bago siya umalis.
"Hanep! Pakiramdam ko talaga Jewel type ka no'n oh!" Siniko pa ako ni Aiza bago muling itinuro sa akin si Steve. Ayaw ko man siyang tignan ay napatingin pa rin ako. Ganoon na lang din ang tili ni Aiza at Gladys ng makita nilang kumindat sa akin si Steve, bago umaktong nakikipag cheers.
"Tigilan mo ako Aiza, baka makurot ko ang singit mo!" baliwalang sambit ko. Hindi naman sa nag papakipot ako o pa hard to get, e' sa na get niya na nga ang perlas ko! Kaya lang, ayaw kong isipin niya na porket nag tatrabaho ako sa club ay napakababa ko na. May pride at dignidad pa rin naman ako kahit papaano 'no!
"Lapitan mo bakla, mag thank you ka naman kahit plastik lang!" udyok naman sa akin ni Gladys. Minsan talaga hindi ko na maisip kung concern sila sa akin, o sadyang mga bugaw sila.
Sa aming tatlo kasi ako ang pinakabata. Si Aiza ay twenty three habang si Gladys naman ay twenty four. Noong pumasok ako sa club na ito'y narito na sila. Lagi nila akong pinapayuhan na 'wag mag papauto sa mga matatandang customers. Sinasabi rin nila sa akin kung sino ang dapat na lapitan, kaibiganin, pagkatiwalaan at dapat na iwasan.
Si Gladys ang laging sumasalo sa akin, sakali mang may customer na gusto akong ilabas. Habang si Aiza naman ang laging taga paalala sa akin, kung ano ang dapat na gawin at hindi. Kung wala siguro silang dalawa, malamang matagal na akong napariwara. Sabagay iyon pa rin naman ang tingin sa amin.
Kinalahati ko na muna ang beer na iniinom ko, bago tumayo at nag tungo sa pwesto nila Steve. Ang ibang kaibigan niya ay nakatulog na yata sa mesa, sa sobrang kalasingan. Habang ang dalawa'y may kahalikan na.
Nang mapansin ni Steve na papalapit ako sa kaniya ay mariin niya akong tinitigan. Uri ng titig na manunoot talaga at tatagos sa iyong kalamnan. Parang gusto ko na tuloy tumalikod at bumalik na lang sa pwesto namin. Ngunit hindi, narito na lang din ako bakit 'di ko pa ituloy. Tutal hindi naman ako mamamatay sakali mang sabihin kong 'thank you sa pa chibog' diba?!
"Yes? Ang layo ng nilakad mo para lang lapitan ako ah!" nang aasar niyang sambit. As if naman talaga ay napakalayo, samantalang dalawang mesa lang ang agwat namin sa kanila.
"Napag-utusan lang ako, sabihin ko raw thank you." Ngumisi naman siya dahil sa sinabi ko. Nang wala siyang naging sagot at nakatitig lang sa boobs ko'y nag pasya na akong umalis.
Ngunit hindi pa ako nakakaisang hakbang ay hinawakan niya kaagad ang kamay ko, bago hinila palapit sa kaniya. Sa kabiglaan ay napakandong naman ako sa kaniya, ng hindi sinasadya.
"Hindi ako tumatanggap ng thank you. Sabi kasi ng mga kaibigan ko, wala ng libre sa panahon ngayon." Bulong niya sa tenga ko, bago marahang hinaplos ang hita ko.
"Eh ano bang gusto mo?" tanong ko sa kaniya bago baliwalang tinanggal ang palad niya sa hita ko. "Ang dami mong arte, edi sana hindi ka na lang nagbigay!" giit ko pa.
Gustuhin ko mang tumayo mula sa pagkakaupo sa kandungan niya'y hindi ko magawa. Bukod kasi sa nakapalupot ang isa niyang kamay sa baywang ko'y, ang sarap sa pakiramdam ng init na nagmumula sa katawan niya.
"Lets date," baliwalang sagot niya. Halos manglaki naman ang mata ko na lumingon kaagad sa kaniya.
"Ako ba ginagago mo? Date talaga? Eh pasado ala una na ng madaling araw ah!" Sa isang taong pag tatrabaho ko sa club na itoy alam ko na ang mga galawan ng mga lalaki. Kaya itong Steve na ito, hindi niya ako maloloko.
"Bakit, sinabi ko bang ngayon na?" balik tanong niya naman. Naramdaman ko pa ang bahagyang paglapat ng labi niya sa balikat ko, bago muling bumulong. "Bukas, agahan mong pumunta rito, babayaran ko ang isang buong gabi mo... Mag de-date tayo, sa ayaw at sa gusto mo."
Matapos niyang sabihin iyon ay ginawaran niya ako ng mabilis na h***k sa labi. "Youre welcome anyway," dagdag niya pa, saka ako marahang tinulak patayo. Kaagad naman akong naglakad palayo sa kaniya, at halos manginig ang tuhod na bumalik kila Gladys at Aiza.
"Ang harot! Sabi mag thank you lang, pero kumandong na ang bata namin, may kiss pang kasama! Anong pakiramdam?" agad na bungad sa akin ni Gladys pagka balik ko sa table namin.
"May tumayo ba? May naramdaman ka bang matigas na bumukol?" malisyosang tanong naman sa akin ni Aiza. Ewan ko ba naman sa dalawang ito. Iniingatan nga nila ako, pero gustong gusto nila akong pinalalapit sa mga lalaki. Ano kayang magiging reaksyon nila kung sakali mang sabihin ko sa kanila na nakuha na ang iniingat ingatan kong perlas ng puerto prinsesa?!
"Jewel nak, may nag bayad ng malaki para lang makadinner date ka. Gusto mo ba?" Kaagad akong napalingon ng lumapit sa amin si Mommy Vicky at sabihin 'yon.
Sino namang hibang ang makikipag dinner date sa akin ng ganitong oras? Jusme! Mag aalas dos na ng madaling araw. Alas singko ang labas ko kaya naman may tatlong oras pa akong natitira, pero kung may nag bayad para ilabas ako upang mag dinner, pwede akong mag out ng mas maaga sa alas singko. At kapag sinabing 'nag bayad ng malaki' hindi lang para sa club at sa manager ko iyon, kun'di sa akin din.
"Magkano Mi?" baliwalang tanong ko. Basta talaga usaping pera lumalaki ang tenga ko at nag niningning ang mga mata ko. Pero marunong din naman akong tumanggi minsan. Alam ko ang limitasyon ko at kung hanggang saan lang dapat. Maliban ng gabing iyon.
"Fifteen kyaw nak! Dinner date lang 'yon ha!" eksaheradang sagot niya naman.
Kahit akoy lumaki ang mata ng dahil doon. Fifteen thousand?! Putakte napakalaking halaga no'n para lang sa dinner date!
"Bakla kung ayaw mo ako na lang! Sayang five kyaw na mapapasakamay mo kung tatanggi ka." baliwalang sambit naman ni Aiza.
Sayang nga naman talaga. Kapag tumanggi ako, ang perang parte ko ay ilalagay sa tinatawag nilang tip. Kung saan maghahati hati ang lahat ng waiters, waitress pati na rin ang mga dancer dito sa club. Ngunit hindi iyon ang nasa isip ko ngayon, kun'di sino ang nag bayad ng ganoon kalaki para lang i-date ako?
"Kilala n'yo po ba kung sino ang nag bayad Mi?" kuryosong tanong ko kay Mami Vicky. Mahirap na at baka mamaya ay may stalker na akong matandang kalbo, na tinubuan ng pangatlong wisdom tooth sa ngalangala!
"Isa rin sa mga customers dito sa v.i.p kanina. Kaya lang hindi raw nagpakilala sabi ng head nitong club." sagot naman niya naman.
Wala sa loob na napalingon ako sa pwesto nila Steve, ngunit wala ng tao roon ngayon. Malamang ay nagsi-uwian na sila, dahil lugmok na ang iba niyang kasama kanina. Hindi naman siguro si Steve ang nag bayad para i-date ako? Hindi naman siguro siya mag aaksaya ng ganoong kalaking halaga para lang sa akin? Ano ba 'to! Bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yon?! Hindi naman importante ang isang gabing nangyari sa amin para pagtuunan ko siya ng pansin. At malamang ay ganoon din siya! Isa pa, sa itsura, pangangatawan at estado niya, malamang may jowa na 'yon.
"Paano ko naman po makikita at malalaman kung sino ang ka-date ko Mi, e' wala man lang pangalan?" maang kong tanong. Inilabas niya naman ang maliit na card kung saan may dalawang numerong nakasulat doon.
"Ito calling card, tumawag ka raw kapag labas mo. Susunduin ka raw niya. At nangako naman daw na walang gagawing masama. Nag iwan din daw ng i.d ang lalaking iyon, kaya lang mahigpit na ipinagbawal ipakita sa kahit na sino, maliban sa head ng club."
"Bakla big time! Grab mo na! Kapag ganyan na may pa private kemerot, isa lang ibig sabihin niyan." Nag tininginan pa sina Gladys at Aiza bago nakangiting tumingin sa akin. Saka sabay na nag salita.
"GMYP!"
Kumunot naman ang noo ko sa kung ano man ang ibig nilang sabihin. Anong GMYP ang pinagsasabi ng dalawang lokaret na ito?!
"Ano 'yon?" kuryosong tanong ko. Sa sobrang dami kasi nilang alam, kahit akoy nalilito at hindi na rin makasabay.
"Guwapong Mayaman Yummy Pa! O diba bongga? Kaya grab mo na yan bago ka pa namin unahan!" sagot naman ni Gladys.
Kinuha ko naman ang card na inaabot sa akin ni Mommy Vicky. GMYP pala huh! Hala sige tignan nga natin! Kapag ito ay matandang hukluban na amoy lupa, humanda sa akin sina Gladys at Aiza.
Dali-dali kong inubos ang isa pang beer na hawak ko bago walang pakialam na tumayo na. Nag paalam na rin ako sa kanila, bago pumunta sa silid namin. Doon ay kaagad akong nag toothbrush, nag hilamos at nag palit na rin ng damit. Matapos kong ayusin ang sarili ko at pakiramdam ko'y okay at normal naman ako, ay kaagad na rin akong lumabas.
Habang nag lalakad palabas ng Club-V, dinayal ko na ang numero sa binigay ni Mommy Vicky na calling card. Kaagad namang sumagot ang nasa kabilang linya na labis kong ikinabigla.
"Baby I'm coming!"
Hindi pa nga ako nakakapag salita baby na kaagad? Coming? Ibig sabihin papunta na ba siya? Pero bakit iba ang tunog ng boses niya sa kabilang linya? Bakit mukhang naghahabol ng hininga na hindi ko mawari? Ganoon pa man ay nagsalita pa rin ako upang ipaalam sa kaniya na pumapayag akong makipag dinner date.
"Out na ako Sir! Where na you? Dito na me, sa labas ng club. Otw ka na ba?" sunod sunod at walang pakialam kong tanong. Bahala na siyang mag adjust total malapit naman na raw siya.
"Oh fuck! Yeah, ahh... W-wait, give me five sec. I'm on my way." Matapos iyon ay bigla niya na lang pinutol ang tawag, habang ako naman ay matiyagang nag hintay na lang.
Ang gwapo ng boses ni Sir huh! Mukhang tama sina Aiza at Gladys sa sinabi nilang gwapong mayaman yummy pa! Jockpot nga yata kung ganon!
***
Pangit naman palang kabonding ni Sir! Aba sabi niya 'give me five sec.' pero halos dalawang oras na akong nilalangaw dito'y hanggang ngayon ay wala pa rin siya! Iyong totoo, dinner date pa bang matatawag ito gayong alas singko na ng umaga?!Balak ko na sanang mag tawag na ng tricycle upang umuwi na lang ng tuluyan. Ngunit biglang may humintong sasakyan sa mismong harapan ko. Tinted ang salamin no'n kaya naman hindi ko maaninag ang nasa loob. Hindi rin ako sigurado kung sino ang nasa loob, kung kaya't baliwalang nag lakad na ako. Sa ika limang hakbang ay hindi ko maiwasang mapatalon ng bigla akong businahan ng sasakyan. Ano bang problema ng isang 'to?Tinitigan ko ang itim na kotse na para bang nakikipag titigan ako sa nakasakay roon. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang mahinang vibrate ng cellphone ko sa bulsa, kaya naman kaagad kong kinuha 'yon."What are you waiting
'Be my girlfriend... A paid girlfriend to be exact'Hanggang makarating kami sa rooftop at ngayon nga ay nakaupo na'y nasa isip ko pa rin ang sinabi niyang 'yon. Ganoon ba ang tingin niya sa akin? Akala niya ba ay pera pera lang talaga ang habol ko kaya ko ginagawa ang ganitong trabaho?"Hey, kanina ka pa tahimik ah. Dont you want the food?" Hindi ko maiwasang titigan lang siya at paminsan minsan na tignan ang mga nakahain.Gaano ba kababa ang tingin sa akin ng lalaking ito para bayaran ako? Akala niya ba lahat ng babae ay mahuhumaling sa kaniya? Aminado naman akong gwapo siya, macho at mayaman. Total package kung sabihin ng iba. But... I didn't accept money for the sake of it. I have my fucking reason!"Gaano ba ako kababa sa tingin mo?" seryosong tanong ko. Gusto kong malaman kung ano ba ang opinyon niya sa akin, matapos ang nangyari sa amin ng gabing iyon.
"Hey Jewel, were here." Kaagad akong napalingon kay Brent, na ngayon ay nagtatakang nakatingin din sa akin. "Kanina pa kita kinakausap, pero parang wala ka sa sarili. Are you okay?" "Sorry, pagod lang ako." Tinignan ko rin ang likurang bahagi ng sasakyan kung saan naroon ang mga anak ko. Ngunit ngayon ay wala na. Wala na rin ang mag asawang Smith. "Kanina pa sila bumaba, baka ngayon ay nasa lobby na sila. So, lets go?" patanong niya pang sabi. Ganoon ba ako katagal nakatulala habang binabalikan ang nakaraan? Ilang taon na rin naman ang nakalipas, siguro naman ay nakalimutan niya na ako. Baka nga pamilyadong tao na siya ngayon. Sabagay, ano bang dapat kong asahan sa isang Steven Anderson? Napabuntong hininga'ng isinukbit ko ang bag sa balikat ko bago lumabas. Hindi ko na rin hinintay pa si Brent na ngayon ay abala sa mga gamit namin, na n
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nag krus muli ang landas naming dalawa ni Jewel. Two days had gone fast but I'm still thinking about her. How she cried that day as I touched her. How she look at me with fear and begging me to leave her alone. Do I look like a monster?! Ni minsan ay wala pa akong sinaktan, at kahit kailan ay hindi man lang sumagi sa isip ko ang manakit ng babae. But Jewel, she seems afraid about my presence. Hindi naman siya gano'n five years ago. And yes! That was five long fucking years ago when I realized that I loved her! I love her that time, to the point that I almost lost myself just to take her away in that fucking Club-V! "Hey honey, bakit gising ka pa? Are you tired?" Dahan-dahang humaplos mula sa balikat ko pababa ang palad ni Laura. Dama ko rin ang pagnanais niyang angkinin ko siyang muli tulad ng ginawa namin kanina. But my mind was occupied by one
R-18'Make love to me'Hindi ako nakasagot kaagad ng sabihin niya 'yon. But one thing for sure, I wanted to grant the favor that she's asking me to do. Hindi ko alam kung ano ang iniisip at nasa isip niya, ngunit natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa gitna ng kama kasama siya. Kapwa walang saplot at tumutugon sa halik ng isat-isa. "If you're not comfortable with this, just let me know." I whispered as I kiss her bare shoulder, down to her chest. "Would it be painful just like the first night we shared?" she asked curiously. I remember how she bite her lower lip trying to control her sob, due to the unexplainable pain she felt that night. Aminado akong naging marahas ang pag angkin ko sa kaniya ng gabing 'yon, ngunit kung alam ko la
Hindi pa man tuluyang sumasanib ang diwa ko sa katawang lupa ko'y tumayo na ako. Kanina ko pa rin kasi naririnig ang maingay na sigawan, at halakhak nina Stephen at Sancho.Ibinalabal ko lang ang puting roba sa aking katawan, bago pupungas pungas na pumunta na sa kusina."Morning Mom," magkapanabayang bati sa akin ng kambal kong anak. Ngumiti naman ako at hinalikan ang magkabila nilang pisngi.Parang kailan lang, ang liliit at iyakin pa silang dalawa. Pero ngayon, kulang na lang ay tumalon na ako mula rito sa 15th floor pababa sa ground floor. Ang titigas na ng ulo at sobrang kulit na nilang dalawa. Tulad ngayon, saan man ako lumingon ay puro kalat nila ang nakikita ko sa buong unit na ito. Nakakahiya naman sa mag lilinis na pupunta rito kapag nag check-out na kami.
Limang oras mahigit na akong nakaharap sa salamin. Tinatanong ang sarili kung dapat bang makipag kita pa ako kay Steve o hindi? Kung tama ba itong ginagawa ko o mali? At kung lalabas ba akong kasama siya, o mananatili na lang upang makalayo sa kaniya?Suot ang bistidang kulay pula na hapit sa aking katawan, itim na sandalyas na may dalawang pulgadang takong, at pouch na kulay pula rin. Sa tingin ko'y normal at mukha naman akong kagalang-galang. Babaeng kailangang ingatan, at hindi dapat na paglaruan. Pakiramdam ko'y isa akong mamahaling dyamante na nagniningning lalo na sa gabi. Si Steve kaya, ano na ba ang tingin niya sa akin ngayon? Tulad pa rin kaya noon na isang bayaran at mababang uri ng babae? Limang taon kong kinabisa ang emosyon, salita pati na rin kilos na dapat kong ibigay at ipakita sa kaniya, sakali mang magkita kaming muli. Ngunit lahat ng iyon ay nabaliwala. At ngayoy heto, umaasa na naman ako n
'Stay with me...' How would I stay with him now, if he refused to hear my explanation five years ago? Dapat ba akong maniwala sa mga sinabi niya? O baka naman dala lang ng nangyari ngayon kaya niya nasabi sa akin 'yon? Ilang minuto matapos ang nangyari kanina sa Club-V, at makausap ni Steve ang kaibigan niyang si Nico, ay umalis na rin kami kaagad doon. Ngayo'y heto, ni hindi ko man lang magawang galawin ang pagkaing nasa harap ko. Hindi ko alam kung anong problema, ngunit tila ba napakapait ng aking panglasa. "Dont you want the food?" maang na tanong niya. Hindi naman sa ayaw ko, sadyang samut-sari lang talaga ang nasa isip ko ngayon. "Why do you want to date me now Steve? Kung dahil lang 'yon sa 350 pesos na utang ko sa'yo noong nasa Airport kame... Pwede ko namang bayaran na lang." He maybe look like a gentleman now,