TATAWA-TAWA PA SILANG dalawa ni Dean nang buksan nila ang pintuan ng rest house.
"Baliw kang talaga." Aniya rito.
"Mas baliw ka kase nakikinig ka sa mga jokes ko." Anito.
"Where have you been?"
Sabay silang napabaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Tinig iyon ni Bastie na nakatayo sa may sala ng rest house. At mukhang signal number five na naman ang pagmumukha nito. Anong problema nito?
Nakita niyang nasa sala din ang mga kaibigan nila.
"Bawal bang mamasyal?" Sarkastikong balik na tanong niya rito imbes na sagutin ang tanong nito.
"I've been calling you! For God sake!" Bahagya pa siyang napapitlag sa lakas ng boses nit
NANG SUMAPIT ang gabi napagpasyahan nilang kumain sa may tabi ng dagat. Naglatag sila ng mga banig sa tabi ng dalampasigan at gumawa ng bonfire. Si Erie ay may dalang gitara at panaka-nakang tumutugtog. This is really a best way to relax. Yun nga lang medyo na-i-stress ang puso niya sa tuwing nakikita niya kung gaano ka asikaso si Bastie pagdating kay Maine. Dati kase siya ang inaasikaso ng binata. "Dati yun te." Tudyo ng kanyang isipan. Biglang napatingin si Bastie sa kanya. Wala siyang lakas para magbaba ng tingin. Nakipag-titigan siya sa binata. Hindi niya maipaliwanag ang emosyon na lumukob sa kanya. Alam niyang sa bawat araw ay nangungulila siya sa binata. She missed him. The way he talks to her, the way he cares for her, the way he protects her and the w
HINDI ALAM ni Ice kung ilang minuto na siyang nakapikit habang nakahiga sa buhanginan. Hindi niya alintana ang lamig dahil sanay naman siya. She actually likes cold weather.Palaisipan pa rin sa kanya kung bakit biglang umalis si Bastie. Hindi din niya alam kung bakit pa-iba-iba ito ng mood. Minsan masungit at minsan naman ay okay. Ang gulo lang talaga!Dumilat siya ng maramdamang may kung anong bumalot sa pang itaas niyang katawan. Pag-dilat niya ay nakita niyang makapal na tuwalya iyon. Pagkatapos ay binalingan niya ang lalaking tumabi sa kanya sa pagkaka-higa. Walang iba kung hindi si Bastie! Biglang parang tinambol ang puso niya. He did not leave her after all."Oo hindi kita iniwan." Anito na parang narinig ang iniisip niya. "Kumuha lang ako ng towel, baka kase magkasakit ka— well pangalawang rason
KINA-UMAGAHAN AY nagpasya silang maglakad lakad ni Jade sa tabing dagat. Napakasarap ng simoy ng hangin. Nakakatuwang panoorin ang bawat paghampas ng alon sa may dalampasigan. Huminga siya ng malalim at tumingin sa karagatan."What is it?" Tanong ni Jade sa kanya."Ha?" Wala sa sariling baling niya sa kaibigan."Bestie, hindi ka okay. Kanina kapa hinga ng hinga ng malalim diyan. So something is bothering you." Wika nito. "Si Bastie no?" Usisa nito ng hindi siya sumagot."Ewan ko ba, ang hirap magpakatotoo sa nararamdaman ko sa kanya bestie." Aniya at tumigil sila pansamantala sa paglalakad at pinanood ang mga alon na humahampas sa dalampasigan."Nag-usap ba kayo kagabi? Kasi hindi na kayo bumalik. Tapos nakatulog na ako at la
HALOS UMUSOK ang ilong ni Ice nang makita si Bastie na pina-pahiran ng Sunblock Cream si Maine sa mga braso. Kutong lupa na to! Kung totoo ang sinasabi nitong mahal siya nito, bakit ang bilis naman yatang mawala ng pagmamahal na sinasabi nito? Bakit ang bilis nitong makahanap ng iba? "May pa, I never stopped watching over you pa! Hmp! Tapos ngayon ibang babae ang tinitingnan!" Hindi maiwasang himutok niya. Lumapit siya sa mga ito. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Bastie kahit ng matapos ito sa ginagawa. "Gusto mo ng sunblock?" Tanong ni Maine sa kanya. Akmang sasagot siya ngunit binalingan ng dalaga si Bastie. "Pahiran mo rin si Ice nito." Nanlalaki ang kanyang mga mata at napatingin siya kay Maine. Kinindatan lang siya nito. Hindi niya ito maintindihan sa
TATLONG ORAS NG naghihintay si Ice sa may reception ng opisina ni Bastie. Ayon sa sekretarya nito ay may mahalaga itong meeting. Noong una ay duda siya ngunit hinayaan siyang sumilip nito sa conference room at totoo ngang may ka-meeting ang binata.Nauubusan na talaga siya ng pasensiya. Pakiramdam niya ay sinasadya ng binatang patagalin ang meeting nito.Bumilang siya sa isip ng isa hanggang isang daan. Nang hindi pa rin lumabas ang binata ay walang pasubaling pumasok siya ng conference room.Nagulat ang lahat ng nasa conference room. Nakatutok lahat sa kanya ang tingin ng mga ito. Malapit na siyang panghinaan ng loob ng marinig ang tinig ni Bastie."Ice? Hindi ba ang instruction sa iyo ay, wait until I finished my meeting?" Tila iritadong salaysay ng binata.
HINDI MAINTINDIHAN ni Ice kung bakit sa mansion ng mga Antonio siya dinala ni Bastie. Medyo nag-alangan tuloy siyang pumasok."C'mon muffin." Ani Bastie ng bigla siyang huminto."A-Anong gagawin natin dito?" Kinakabahan na tanong niya."I'll show you something private." Anito na tila excited.Kumunot ang noo niya. Hindi naman siguro malaswa ang ibig sabihin nito. Baka siya lang ang nag-iisip 'nun. Seryoso siyang tuparin ang pangako sa sarili na kasal muna bago 'honeymoon'. Ganoon ka sagrado ang paniniwala niya pagdating sa bagay na iyon. Ngunit sa tuwing hahalikan siya ng binata ay tila nawawala siya sa tamang huwisyo. Kaya nga hanggat maari siyang umiwas ay iiwas siya."Uhmmm, mag-date nalang kaya tayo?" Aniya at alang
“WOW NAMAN! Ang tamis ha!” Tudyo ni Jayden“Sa sobrang tamis, pati langgam mahihiya.” Segunda ni Dean.Nang araw na iyon ay napag-pasyahan nilang magkakaibigan na mag-picnic sa may tabing ilog. Tinutudyo sila ni Bastie ng mga ito dahil iniumang ng binata ang hawak na hotdog sandwich sa kanyang bibig at kumagat siya ng kaunti sa sandwich.“Sus! Mamatay kayo sa inggit.” Biro ni Bastie sabay akbay sa kanya.“Naku pare, huwag kang gumanyan diyan dahil kung hindi sa amin ay baka hanggang ngayon ay pareho parin kayong “pabebe” na dalawa.” Paalala ni Dean.Minsan talaga ay parang bata ang mga ito kung mag-asaran.
“IT’S RAINING!!!” Halos sabay sabay pa na hiyaw nilang lahat na magkakaibigan. Mabilis nilang pinagkukuha ang mga kagamitan nila at pagkain at pagkatapos ay tumakbo sila ng mabilis sa van na dala nila. May kalayuan pa naman kung saan nila ginarahe ang kanilang sasakyan. Umagapay si Bastie sa kanya, tinanggal ng kasintahan ang suot na t-shirt at ipinatong iyon sa ulo niya. Parang may humaplos sa kanyang puso sa ginawang iyon ng kasintahan. “Gentleman as ever.” Hiyaw ng kanyang isipan. Bawat pagtakbo nila ay lalong lumalakas ang mga patak ng ulan, kaya naman nang mailagay na nila ang kanilang mga gamit at pagkain sa kanilang sasakyan ay basang basa na rin sila. “Maligo