MASAKIT MANG ISIPIN, kailangan tanggapin kung kelan ka naging seryoso saka ka niya gagaguhin! O, Diyos ko, ano ba naman ito. ‘Di ba, ‘lang hiya, nagmukha akong tanga. Pinaasa niya lang ako, lecheng pag-ibig to. Diyos ko, ano ba naman ito…
“Lecheng pag-ibig to! Wooo!” Sigaw ni Bastie mula sa counter habang nakikinig sa banda na umaawit sa entablado. Tinungga niya ang baso na may lamang alak.
“Hinay hinay lang pare.” Saway ni Jayden sa kanya.
Nasa loob sila ng isang bar at ngayong gabi gusto niyang magpakalunod sa alak! Walang pakialam na muli siyang humingi ng isa pang shot sa bartender.
“Malalasing ka sa ginagawa mo.” Wika ni Dean na kababakasan ng pag-aalala sa tinig.
“CHECK HIM AGAIN. Hindi na gumagalaw.”“Patay na yata! Parang biglang hindi na humihinga!”“Edi totoo pala ang tsismis.”“Anong tsismis yun?”“Nakamamatay ang pag-ibig.”“Naku, Dean sinasabi ko sayo. Nakakatakot yatang umibig.”“Tignan mo naman itong kaibigan natin, nung isang araw lang ang saya saya. Tapos ngayon parang gumuho ang mundo.”“Lesson learned, huwag mong gawing mundo ang isang tao.”“Humihinga pa naman pare.”&ldqu
TINAWAGAN NI BASTIE ang sekretarya ni Ice at nakumpirma nga niya na natuloy ang outdoor fashion show nito. Habang patungo siya sa lokasyon ng dalaga ay dumidilim ang paligid dahil sa maitim na ulap na tila ba magbubuhos ng ulan anumang saglit.Hindi pa umuulan sa parte na iyon ng daan ngunit sa lokasyon ng kanyang penthouse ay umuulan na. Binilisan niya ang pagmamaneho. Ewan ba niya, sinaktan na siya at lahat lahat ng dalaga ngunit heto siya alalang ala pa rin dito.Nang makarating siya sa lokasyon ni Ice ay nakita niyang nagmamadali na ang lahat sa pag-papack up. Malamang ay kinansela na ang naturang outdoor fashion show dahil sa nagbabadyang ulan.Ilang saglit siyang natigilan habang pinapanood ang bawat galaw ng dalaga. Kumuha muna siya ng lakas ng loob bago kunin ang atensyon nito.
“I DON’T LOVE YOU ANYMORE!”“I don’t love you anymore.”“I don’t love you anymore.”“I don’t love you anymore.”“I don’t love you anymore. Bastie, I don’t love you anymore!”“I don’t love you anymore. Bastie, I don’t love you anymore!”“I don’t love you anymore. Bastie, I don’t love you anymore!”Sinubukan gumalaw ni Bastie ngunit hindi siya makagalaw. Paulit ulit ang tinig na iyon ni Ice. Hindi na siya mahal ng da
BASTIE WAS TRYING to look for Ice. Ngunit kung saan saan na siya tumakbo at bumaling ay hindi niya nakita ang dalaga. Wala siyang ideya kung nasaan siya basta ang tanging tumatakbo lamang sa kanyang isipan ay kailangan niyang makita si Ice. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niyang malaman kung okay lang ito.“Muffin! Muffin! Muffin!” Sigaw niya.But his voice just kept on echoing. Walang Ice na sumagot o nagpakita sa kanya.He tried to run again. Kahit hindi niya alam kung saan siya patungo ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Kung hihinto siya ay tila ba mas lalong hindi na niya makikita pa si Ice.“Muffin! Muffin! Muffin!” Muling sigaw niya.
ILANG ARAW NA RIN na nasa ospital si Bastie. He was scheduled to be discharged today. Ramdam niya na nanumbalik na ang kanyang lakas.Ngunit ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib ay hindi niya alam kung kailan maghihilom. He’s been trying to call Ice and message her but he did not receive any reply from her until now. Hindi niya nakita ang dalaga na dumalaw sa kanya ni minsan nitong mga nakaraan na araw na nagpapagaling siya. Lalo iyong nagpapasakit sa kanyang damdamin.“Hello there healthy man!”Napatingin siya sa pintuan kung saan pumasok si Jade at may maaliwalas na ngiti sa mga labi. Nginitian niya ang kaibigan. Labis siyang nagpapasalamat at nagkaroon siya ng mga kaibigan kagaya ni Jade, Eri, Jayden at Dean. Nitong mga nakaraang araw ay naging napakalaking tulong n
ILANG ARAW NG umiikot ang buhay ni Bastie sa alak. Pag-gising niya ay alak kaagad ang kanyang hinahanap. Tila ba wala ng patutunguhan ang kanyang buhay. Tanging alak ang karamay niya at naging saksi sa lahat ng kanyang paghihirap at sakit na nararamdaman.Nitong mga nakaraang araw ay humingi muna siya ng leave sa kanyang ama. Nag-file siya ng indefinite leave at hindi naman iyon tinutulan ng kanyang ama. Hindi siya makapag-focus sa kanyang trabaho kaya bago pa magkaroon ng kapalpakan dahil sa kanyang mga desisyon ay humingi na siya kaagad ng leave.Lingid sa kaalaman ng mga ito na naroroon lang siya sa penthouse at naglalasing buong araw nitong nakalipas na mga araw. Ang akala ng kanyang mga magulang ay nagbakasyon siya upang mag-relax at makalimot sa sakit na nararamdaman. Ngunit wala namang nagbago sa kanyang nararamdaman nitong mga nakaraang araw
NASA ISANG BAR si Bastie ng araw na iyon. Nangako siya sa kanyang sarili na ito na ang huling araw niya na magpapaka-lasing sa alak at iisipin si Ice. Pagkatapos nito ay ibabalik na niya sa normal ang kaniyang pamumuhay. Alam niyang mahirap iyon ngunit kailangan niyang subukan na mabuhay na hindi na iniisip ang dating kasintahan. Kailangan niya labanan ang sakit na nararamdaman.Siguro nga ay kailangan na niyang sumuko dahil kung hindi baka ang buhay niya ang masisira sa kanyang mga pinag-gagagawa. Naging malaking tulong ang kanyang mga kaibigan upang makapag-isip isip siya ng mabuti. Malaking bagay din na hindi siya sinukuan ng kanyang mga kaibigan.“Sir, parang okay kayo ngayon ha.” Puna ng bartender. Marahil dahil sa mga nakalipas na araw ay napapadalas ang pag-inom niya sa bar na iyon kaya namukhaan na siya nito.
ICE STARTED FEELING nostalgic. It’s been three years since she left this town. Marami rami na rin ang nagbago sa lugar. Maraming nagsulputan na mga bagong gusali, mga bagong daan at mga bagong stalls. Ganun pa man may mga ilang stalls at gusali din naman ang nanatiling katulad ng dati.Halo halong emosyon ang kanyang nararamdaman ngayon. Sa totoo lang ay hindi siya mapakali hindi niya alam kung bakit. She felt excited but at the same time nervous. Maraming bagay ang naglalaro sa kanyang isipan.Walang nakakaalam ng kanyang pagbabalik ngayong araw. Maging ang kanyang mga magulang ay hindi niya sinabihan. Gusto niyang sorpresahin ang mga ito. Hindi rin niya alam kung anong sumagi sa kanyang isipan at naisipan niyang bumalik. Kahit alam niya na pwede niyang pagsisihan ang naging desisyon niyang ito ay nanaig pa rin ang kanyang pagnanais na makauw