Share

Goodbye 16

"Wow, kuya! Nagmukha kang tao, in fairness. Anyway, ito o. Isuot mo 'yan ha. Bawal umattend ng party ang wala niyan."

Hinagis sa kaniya ni Aveline ang isang garland na gawa sa mga artificial na bulaklak. Ni hindi man lang siya hinayaan nitong magsalita at basta na lang itong umalis pagkahagis noon sa kaniya.

"Andro, sumunod ka na lang sa labas, ha."

Muli, maski si Adrienne ay hindi man lang siya hinayaang makapagsalita. Her mind seems all over the place. Aligagang-aligaga ito at si Aveline. Inisip niya na lang na gano'n siguro ang mga babae kapag parties ang pinag-uusapan.

Today, they will be celebrating Soleia's eighth birthday. Hawaiian ang theme at sa beachside gaganapin ang party ng bata. He hates anything floral at karaniwan ay black, white, at grey ang suot niya. But here he is, wearing a floral polo with a garland hung around his neck. Well, hindi naman masamang baliin ang nakasanayan paminsan-minsan lalo na kung para sa anak niya naman.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status