Share

14

Flashback

"Karina!"

Nilingon ko ang matinis na tinig na tumawag sa akin at nagulat nang makita si Missy na pakendeng-kendeng na naglalakad papunta sa aking pwesto ng palamigan sa tabi ng kalsada.

"Missy." Alanganin ang ngiti na ibinigay ko sa kaniya nang makalapit na ito sa akin.

"Kamusta ka na?" Tanong nito sa sinserong paraan habang sinusuyod ako ng tingin.

Bumuntung-hininga ako at mapait na ngumiti. "Eto. Naghihirap pa rin. Hindi ako nakapasok sa pagiging saleslady, eh. Puno na ang posisyon kaya balik ako sa dating gawi. Kamusta na pala ang Cerro Roca?"

Makahulugan ang tingin na ibinigay niya sa akin bago bahagyang inilapit ang mukha nito.

"Teh, hinahanap ka ni Cholo."

Natigilan ako sandali bago kabadong hinalo ang inumin na nasa jar.

"Missy, ano pa ba ang kailangan niya? Nagawa ko naman. Ginawa naman namin."

"Gaga, wag kang nerbiyosa diyan. Gusto ka lang daw niyang makita. Kinukulit nga ako kung alam ko ba raw kung saan ka makikita. Wala naman akong maisagot dahil bigla ka namang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status