Naging maayos na ang mga sumunod na araw sa aking buhay, nawala na ang kaba at takot sa aking dibdib. Mas napalapit na rin ako sa mga bago kong kaibigan, si lily at Leo.
Si lily ay medyo mataray pero napakabait, ganun din naman ang kanyang nanay na si aling Mimi. Mula nga pala ng makilala ni Dylan si Lily ay pinayagan na rin nya akong pumunta at bumisita sa bahay nito, sabi pa ni Dylan ay mukhang mabait naman si lily at higit sa lahat ay kapatid pa nito ang kaibigan kong si Gab kaya ok lang daw na pumunta ako sa kanila pag naiinip ako dito sa bahay.
Ang maganda pa niyan ay parehas din kami ng hilig ni lily, masaya kami kapag nakakapag bake. Kaya naman ng sabihin ko sa kanya na gumagawa ako ng mga dessert ay di na nya ako tinigilan para kulitin, gusto daw nyang matikman ang mga gawa ko, kaya nandito ako sa tapat ng bahay nila at mag dodoorbell, dala ko din sa aking isang kamay ang paperbag na may lamang mga tupperware.
"Cutiee sorry
Habang isinasagawa ng taong iyon ang kanyang masamang balak kay Rylan ay di nya alam na may nakatingin sa kanya sa di kalayuan.3RD person POVHabang nasa meeting si Dylan sa isang mamahaling restaurant ay nakaramdam siya ng kakaibang kabog sa kanyang dibdib, kinakabahan sya ng di nya maipaliwanag.Bigla na lamang pumasok sa kanyang isipan ang maamong mukha ng Ry nya. Mabilis syang nag excuse para magpunta sa Cr para matawagan ito, naiwan naman si Nico na nagtataka dahil sa ikinikilos ng kanyang bossPagpasok pa lang ni Dylan sa Cr ay tinawagan na nya si Rylan pero kahit isang beses ay di ito sumasagot. Lalong lumakas ang kaba sa kanyang dibdib at napagpasyahan niya na umalis na."I'm sorry Mr. Henson but I really need to go," matigas na pagkakasabi ni Dylan kaya di na nakatanggi ang kanyang kausap na business man. Nagmamadali si Dylan na pumunta sa parking lot ng restaurant para mahanap
Hayss isang linggo na rin ang nakalipas ng mangyari ang tungkol sa pagdukot sakin ni leo. Si Dylan ay daig pa ang body guard ng pangulo ng isang bansa dahil sa pagbabantay na ginagawa sakin. 24/7 na nakadikit sakin, pati pagligo ko ay kasama na rin sya. Isang linggo din syang nagleave sa trabaho mula ng mangyari ang insidenteng iyon.Ang buhay naman ay tuloy parin kahit napakaraming pagsubok.Natatandaan ko parin amg nangyari ng gabing iyon. Pagkatapos nilang maisakay si leo sa ambulansya ay isinama naman kami sa police station para daw makunan ng statement dahil sa nangyaring kidnapping. Doon ay isinalaysay ko lahat ng nangyari. Tinanong nila ako kung magsasampa kami ng kaso, pero umayaw ako, nagalit pa nga si Dylan dahil hindi nya daw mapapatawad si leo dahil sa ginawa nito. Pero sinabi ko naman sa kanila na hindi ako nito sinaktan at sa tingin ko ay may matinding pinagdadaanan ito.Paglabas namin galin
"Ahhshh!" paghihikab ko pa habang nang iinat, hayss ~ bagong umaga, bagong araw na naman ng buhay ko.Habang nagluluto ako sa kusina ng aming almusal at baon ni Dylan ay di ko mapigilang maisip at ramdaman na bumalik na sa normal ang buhay ko, kahit ngayon di parin ako makapaniwala na masasangkot ako sa isang kidnapping, sa mga pelikula ko lang na papanuod yung mga ganun e, napatawad ko na si Leo at tapos na ang lahat.Pagkatapos kong magluto ay nagpunta na ako sa kwatro ni Dylan para gisingin ito at ipaghanda ng susuotin."Dylan!!! gising na ik-- Ahhhy!!!""Good morning Ry ko," nakangisi pang sabi ni Dylan pagkatapos akong higitin pahiga sa kama nya."Bumangon kana kung gising ka na pala""Haha agang aga e nagsusungit ka na naman Ry ko, "natatawa pang sabi ni Dylan habang naglalakad papasok ng banyo.Napailing na
"Dylan, dederetso na ba tayo sa supermarket?" tanong ko kay Dylan ng makalabas kami sa simbahan.Linggo ngayon at ilang araw na rin ang nakalipas ng mapag usapan namin ni Lily ang tungkol sa pagtulong ko para sa birthday ni Gab. Nadala na rin nila ni brandon ang mga sangkap nung isang araw, ang iniisip ko na lang ay kung anong design ang gagawin ko para sa cake ni Gab. Hayss, Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga dahil wala pa akong maisip kahit ngayon.tatlong araw na lang at kaarawan na ni Gab kaya kailangan ko ng simulan ang paggagawa ng mga dessert na ihahanda sa birthday party nya, may freezer naman si Dylan sa bahay kaya doon ko na lang sila ilalagay para pagdating ng kaarawan ni Gab ay ready na ang mga ito. Ang huli ko lang na gagawin ay ang cake nya.Tanda ko pa nga ang nangyari ng araw na dalhin ni brandon at lily ang mga sangkap sa bahay, hapon noon ng may nag doorbell,
"Ry ko, delikado yung ginawa mo kanina ah, wag mo ng uulitin yun," ani Dylan nang makapasok kami sa bahay.Dahil sa bigla nyang pagpreno kanina ay muntikan na kaming mabangga, Mukhang di nya nagustuhan yung biro ko, pero bakit sya ang lakas mang asar? nainis na rin naman sya ay sagadin na natin diba hahaha!!!"Bakit? Masama bang tawagin kitang Mahal kong Asawa?" nakangisi ko pang sabi sa kanya. Nakita kong namula na naman ang pisngi nya.' haha kyut talaga.'Pero di ko inaasahan ang sunod nyang gagawin, jusko na asar na ata talaga sya.Bigla kasing kumunot ang kanyang noo at masamang tumingin sakin habang naglalakad palapit sa aking kinalalagyan. Napalunok naman ako ng sunod sunod dahil sa takot, di ko na din napansin na dahil sa pag-usad ko patalikod ay napasandal na ako sa pader."He-he Dylan nagbibir--"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang iharang ang dalawang kamay sa aking tabi, para ikulong ako sa pama
"Cherry? nasan na yung cherry?" sabi ko habang hinahanap ang lata ng cherry na nandito lang kanina sa tabi ko.Nandito ako sa kusina ngayon at sinisimulan ng gawin ang mga dessert para sa birthday party ni Gab. Gusto nga sana tumulong ni lily at Brandon pero sinabi ko sa kanila na kaya ko na lahat, at saka busy din naman sila ngayon sa pag aayos ng mga gagamitin at mga palaro. Naghire sila ng Catering para sa ibang pagkain at clown din para sa mga bata.Tapos na akong gawin ang fruit salad at buko pandan, patapos na rin dapat ako sa black forest graham cake kaso nga lang ay ngayon pa naisipan ng cherry na yun na taguan ako. Ang natitira ko na lang na gagawin ay choco fudge ice cream at oreo ice cream. Gumawa na rin daw ako ng mga cookies at macaroon pang give away."Sigurado ako dito ko lang yun nilagay" sabi ko sa aking sarili, wala naman akong ibang kasama dito ngayon, nasa trabaho si Dylan, nakakalungkot man dahil nami-miss ko ang kakulita
"Happy birthday to you!!! happy birthday Gabriel!!" masayang sigaw ng mga bisita sa birthday party ni Gab."Maraming salamat sa inyong lahat!!!" masiglang sagot naman ni Gab.Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko sina benny, rico at si Jeff ganun din ang iba pang mga kabataan na lagi kong nakikita pag naglalaro kami ng basketball sa court. Karamihan ng mga dumalo ay bata at mga magulang ng mga ito.Magarbo ang okasyong ito, ang daming mga lobo, pagkain at marami ding mga palarong nakahanda. May mga clown din na nagpapatawa. Napaka saya ng tagpong ito, dahil sa aking nakikita ay di mawala sa aking kalooban na medyo mainggit, sana kung sa may kayang pamilya ako pinanganak ay makakaranas din ako ng ganito pero kahit mahirap lang kami at napakaraming bahay na di ko naranasan noong bata pa ako ay hinding hindi ko parin ipagpapalit ang aking pamilya. Mahal na mahal ko sila.Nakaupo ako sa isang table dito, kasama si Lily at si Nico, wala si aling mi
Chapter 34"Pwede ba kitang makausap?""Oo naman, tungkol ba saan?" sagot ni Brandon kay Dylan.Nakita kong huminga muna ng malalim si Dylan bago nagsalita, ako nama'y nagpatuloy sa paglalakad pa lapit sa kanila."Gusto ko munang humingi ng tawad para sa masamang asal ko kanina, at ganun din sa mga sinabi ko," sinserong pagkakasabi pa ni Dylan kay Brandon."Wala yun pre, kung makita ko din na inihatid ng ibang lalaki ang mahal ko, lalo na kung asawa ko pa siguradong magagalit din ako.""Yun nga ang isa pang gusto kong linawin.""Dylan, pwede bang ako na ang magpaliwang sa kanya?" paghingi ko pa ng permiso sa kanya ng makarating ako sa kinatatayuan nila."Pero Ry ko, gusto kong tulungan ka," bakas sa mukha nya ang pag-aalala."Ok lang ako atsaka sakin naman nagsimula ang lahat ng ito, sorry talaga Dylan dahil nadamay ka pa," nakatingin ako ng deretso sa kanyang mga mata para ipakita na sobra akong nagsisi.